Chapter 4: We're not the same

23 0 0
                                    

Antok pa rin ako ng magmulat ang aking mga mata pagkatapos ng mabilisang pag idlip. Siguro inabot ako ng kalahating oras, at kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko. Iginalaw ko ang katawan ko para mag-inat pero napatigil ako ng makita ang lalaking nasa harap ko at nakangiti. Nakailang kisap-mata ako para masiguro na sya nga ang nasa harapan ko ngayon. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga kamay, at nanatiling nakatitig sa kanya.

"Ba't parang nakakita ka ng multo?", MIcky asked. Hindi ko pa rin maibuka ang bibig ko para sumagot o magreact man lang, masyado akong lito sa mga nangyayari.

"Hoy! Para kang sira, sobrang gwapo ko ba kaya titig na titig ka?", inilapit nya ang kanyang mukha, amoy na amoy ko ang pabango nya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?", wala sa sarili kong sambit, di ko na naisip kung may laway ba akong tumutulo galing sa pag-idlip ko, o mukha ba akong bruha sa buhok ko. Bwisit! I woke up like this ang peg.

"Grabe ka naman. Namiss ko yung best friend ko tapos parang ayaw mo kong makita kung makapagtanong ka", nagtatampong sabi nya. Natawa ako ng bahagya.

Best friend. That's who you are to him. Always.

"Hindi naman. Nagulat lang ako", sabay ayos ng pwesto ko sa aking upuan, "Wala ka bang klase?"

"Meron", sumandal sya sa kanyang upuan, namiss ko ang paraan ng simpleng pag-upo nya sa harapan ko. Yung kaming dalawa lang.

Namiss ko yung kami.

"Eh bakit ka nga nandito kung may klase ka? Magagalit na naman sayo yung teacher mo, late ka na nga kanina", he pouted kaya lalo akong natawa.

I really missed him.

"Namiss nga kasi kita", and with that, my heart beat crazily again. Umaasa na naman.

"Ang sungit mo kaya kaninang umaga tapos namiss moko? Ako ba talaga niloloko mo?", he bit his lower lip, pinipigilan ang pagngiti.

"Sorry"

"Tapos, nabangga mo na ako kanina, parang stranger lang ako sayo. Ang sakit nun ha" palagi mo na lang akong sinasaktan, gusto ko sanang idagdag but I decided against it.

"I said sorry", then he used his puppy eyes. Ayokong bumigay.

"Ganyan ka naman eh. Puro ka sorry pag nakasakit ka na. wala na, nasaktan mo na'ko"

"Hugot na hugot ah!", tawang-tawa sya.

"Nakakatawa yun?", he stopped but I could still see him trying to suppress a smile.

"Sorry na, bes. Libre na lang kita. Gutom na ako eh. Di ako nakapag lunch"

Tumaas ang kilay ko. Bakit naman kaya di sya nakapag lunch. I looked at my watch. It's almost 1 in the afternoon.

"Bakit hindi ka nakapaglunch?"

Umiwas sya ng tingin.

"May...May ginawa lang ako", halos pabulong nyang sagot.

"Ano?', I don't like to sound probing o binatngera pero masama bang malaman? Masokista ba ako kung gustuhin kong malaman ang mga ginagawa nya kahit walang kinalaman saken? Kahit alam kong masasaktan lang ako.

"P-kamhguahhjhd", hindi ko naintindihan ang sinabi nya sa sobrang hina.

"Ano?", naguguluhan kong tanong.

"Wala. Tara kain tayo. Libre ko", tumayo sya at medyo nainis ako, wala akong nagawa kundi tumayo na rin para sumunod sa sinabi nya. Nang magkasabay na kami sa paglalakad, inakbayan nya ako bigla at naramdaman ang paghalik nya sa gilid ng ulo ko. I thought my heart stopped. Ginagawa nya na 'to noon pero bakit iba ang dating saken ngayon?

Ilang segundo nagtagal ang paglapat ng labi nya sa ulo ko, hindi ako halos makahinga.

"I miss you", bulong nya pagkatapos.

Masama bang maging masaya ng sobra-sobra?

Kinikilig ako pero mas pinili kong 'wag ipakita sa kanya ang epekto ng ginawa nya. Hindi na lang ako nagsalita pero ngumiti ako sa kanya.

Nakarating kami sa isang kainan na madalas naming pinupuntahan noon. Ilang buwan na rin ng huli kaming nanggaling dito, it brings back beautiful memories. My treasured memories.

Umorder sya para sa aming dalawa dahil meron daw syang pinaluto kay manang na nakilala na naming, special daw.

"Bakit ang bait mo saken ngayon?", nagtataka kasi ako. Para tuloy hindi na ako sanay.

"Matagal na akong mabait sa'yo, ikaw lang 'tong palaging walang pakialam saken", halos mahina ang boses nya sa huli pero narinig ko pa rin ng malinaw.

"Ako? Wow ha! Ikaw kaya 'tong palaging masungit! Puro pambababae pa ang inaatupag mo", gusto kong pagsisihan at bawiin ang huling sinabi ko pero hindi na, pabiro naman ang pagkakasabi ko kaya alam kong hindi nya seseryosohin. Tsaka totoo naman.

"Ikaw kaya 'tong..."

"Ano? Ano? Sige. Ako yung ano?"

"Ikaw yung nag-iisang babae sa buhay ko bukod kina Mama at Ate kaya wag ka ng magtampo. Arte mo. Mahal naman kita 'no"

Pinigilan ko ang kilig.

"Wow! Linyahang playboy! Linyahang pafall!", asar ko sa kanya sabay tawa ng malakas, pinipilit kong isantabi ang nararamdaman. Ayokong umasa. Kilala ko sya. Masasaktan lang ako gaya ng sabi ni Josh.

Nang matapos akong tumawa, nakita ko ang ibang emosyong dumaan sa kanyang mga mata. Hindi ko sya mabasa. Masyado syang seryoso pero bigla lang syang ngumiti na halata namnag hindi abot sa mga mata nya.

"M-May nasabi ba akong masama?", kinakabahan ako sa uri ng pagtitig nya saken. Ito yung mga klase ng tingin nya na namimisinterpret ko, kung ako umaasa, kung saan ako nasasaktan.

Umiling lang sya.

"Kain na tayo. Manang! Okay na ba yung pinaluluto ko?" tawag-pansin nya kay Manang Senang.

We ate in silence pero madalas nagpapatawa sya. Nasira ko ba yung moment? Tanong ko sa sarili ko.

Tapos na kaming kumain at nagpasya kaming dumaan sa park. Namiss kong sumakay sa swing.

"Para kang bata", he said in a teasing tone while pushing my swing gently.

"I miss this", then silence came between us.

"I miss us", Micky suddenly seriously stated. Gusto kong maiyak.

"Me, too"

"But I miss you more, Sam. Fuck! This is so gay pero miss na kita"

"Ako din naman"

"No. we're not the same", Micky held my swing to stop and walked in front of me, he kneeled in one knee like a knight, we stared at each other. There was this electric tension between us.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Naguguluhan.

"I miss you, too, Micky. Promise", pang-aalo ko sa kanya. But he shook his head and seemed like not believing in anything.

"We're not the same", napapaos ang malalim nyang boses. Naiiyak ako sa ipinapakita nya.

"Hindi tayo magkatulad", halos mahina pero pagalit nyang sabi. My hands started to shake.

"Miss na kita, Sam. Naiintindihan mo ba?", kahit nagugulahan pa rin ay tumango na lang ako still looking at his eyes.

"Tangina, miss na miss na kita, Sam. Bumalik ka na saken, please", tumango ulit ako at tumulo ang luha. Ikinulong nya sa kanyang mga palad ang aking mukha and he wiped my tears with his thumb.

"Akin ka eh. Alam mo ba yun, Sam? Akin ka"

When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon