"Ikaw ang may gusto nito 'di ba? Ikaw ang nagsabing hindi tayo pwede. Ikaw ang pumili nito kaya 'wag kang umiyak sa harap ko, Sam. Sinabi ko na sa'yong mahal kita pero ayaw mong maniwala. Masyado kang takot. Ayaw mong sumugal tapos ngayon sasabihin mong nasasaktan ka?! TANGINA!", galit na galit na sigaw ni Micky. Namumula ang kanyang mga mata. I saw the glimpse of tears glistening on his eyes.
Nasasaktan ako.
Huli na ba ako?
"I-I'm sorry", I whispered, begging him. Alam ko kung gaano kabasag ang boses ko.
"Tangina lang talagang sorry yan , Sam. Ginusto mo 'to. Mahal kita pero nasasaktan din ako kapag nakikita kita. Kapag kasama kita. Ang tagal na kitang mahal pero ikaw yung umayaw..."
"Alam ko"
"Nahihirapan akong makita ka pero gustong-gusto pa rin kitang kasama. Kahit ilang beses kong ibaling sa iba palagi pa ring natatapos ako sa'yo. Gusto kong magmahal ng iba pero hindi ko magawa. Mahal na mahal kita, Sam"
Awing-awa ako kay Micky. Nadudurog pati akohabang pinapanuod kung paano sya tuluyang madurog. Kasalana ko.

BINABASA MO ANG
When He Was Mine
Teen FictionAno nga ba talaga ang nangyayari kapag na-fall ka na sa bestfriend mo?