Chapter 14: To Dreamland

26 0 1
                                    

“Let’s go”, nakabalik na sa pwesto ko si Josh. I looked at him. He appeared very manly on his white long sleeves, tie and slacks. The successful office guy any woman would dream of. I saw how many women tried to get his attention but he never gave them one because of me. And here I was, being the stupid girl.

“Tapos ka na? Pinauuwi ka na ni Tita?”, I asked. My words slightly slurred. The lights in the club and in the loud music were enough to make my head throb badly and the vodka I had did not help.

“Yeah. I had my cousins coming over tonight and Mom wants to have a dinner with us”, he said. His arm was not at my lower back gently guiding me down the stool. 

Ininom ko ang huling shot bago bumaba sa upuan. Namangha ako sa sarili dahil hindi ako nawalan ng balance kahit nakararamdam na ng hilo. O dahil nakaalalay si Josh ng mabuti. 

“You’re tipsy hindi kita pwedeng iwan dito. Nakaalis na sina Clara at Jessa. Ihahatid kita sa condo mo”, sunod-sunod nyang sabi habang nakikipagsiksikan kami para makalabas ng bar. Narrating namin ang parking lot kung nasaan ang kotse nya pero bago pa kami makasakay, nakita ko si Micky.

I gasped at the sight. Like a déjà vu, Micky was there kissing his girlfriend. There was nothing wrong with it. Syempre girlfriend nya iyon kaya walang masama at walang mali sa nakita ko. Walang mali maliban sa nararamdaman ko. And like a flash, a hand covered my eyes from behind.

“Don’t look”, halos malunod ang mata ko sa bilis ng mga luhang bumuhos mula sa akin. Pati kamay ni Josh ay basing basa na pero hindi ko mapigilan umiyak. Nasasaktan pa rin ako.

“Fuck”, mahinang mura ni Josh bago ako isinakay sa passenger seat ng kotse. Kinuha nya ang dalawa kong kamay at syang ipinalit sa kamay nyang nakatakip sa mga mata ko. 

“I have to use my hands to put on your seatbelt and drive. You have to use yours to cover your eyes”, malambing nyag sabi. Maingat nyang ikinabit ang seatbelt sa akin bago isinara ang pinto. Umuga ng kaunti ang kotse sa kanyang bigat at nagmaneho paalis. Nang ilang minute na ang nakalipas, inalis ko ang kamay sa aking mukha.

Inabot ko ang tissue sa dashboard.

“I’m okay”, sabi ko. It was like a mantra to keep reminding myself that I should be okay. Tahimik naming tinahak ang daan pauwi sa condo ko at nang makarating kami ay agad akong bumaba. Parang biglang nawala ang lahat ng alak sa sistema ko at nalunod lahat ng sakit na nararamdaman ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kotse habang naglalakad ako papunta sa entrance ng building. Hinarap ko si Josh.

Ngumiti ako sa kanya habang sya ay seryosong nakatitig lang sa akin.

“Go. Baka magalit si Tita at ang mga pinsan mo. Ayos na ako dito, matutulog na ako pagkabihis ko kaya hindi mo na ako kailagang ihatid sa taas”, sabi ko sa kanya pero parang wala syang narinig, nauna pa syang maglakad sa akin papasok. “Josh”, tawag ko sa kany pero hindi pa rin nya ako pinakinggan.

Wala akong nagawa kundi ang sundan sya patungo sa elevator dahil napapatingin na ang iilang mga tao na nakakakita sa aming dalawa. Kahit saan at kahit ano pa’ng gawin ng isang tao, likas na yata sa lahat ng lugar ang tsismis at wala akong balak na mapasama sa mga pinag-uusapan ng mga tao. Sumakay kaming dalawa sa elevator at sya na mismo ang pumindot kung saang floor naroroon ang aking unit. Pati sa loob ay tahimik kaming dalawa, may kasabay kaming dalawang babae na mukhang kauuwi lang galling sa trabaho  at isang teenager na lalaki. Muli akong nakaramdam ng hilo, napasandal ako sa metal na pader sa gilid ko at mainit na kamay sa aking bewang.

“Are you okay?”, Josh asked. His voice sounded authoritative. I massaged my temple and nodded. 

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa tamang palapag, nakaalalay sya sa akin habang naglalakad patungo sa kwarto ko.

“Give me your bag”, he said.

“Ako na”

“Let me”, and with that, he did what he wants. Pinanuod ko lang sya na hanapin ang susi sa bag ko, kabisado nya kung saang parte sa loob ng bag hahanapin at kukunin kaya madali lang nya itong natagpuan. He effortlessly opened the door and let me in first. Never did he enter in any door without letting me in first, well maybe except when he knew there was trouble waiting for us. 

“Kaya ko na. Magagalit na talaga sa akin sina Tita”, sinimangutan ko sya ng tuluyan syang pumasok sa loob, ipinatong ng marahan ang aking bag sa sofa at naupo na tila pagod na pagod. 

“Sit here. Mas magagalit sa akin si Tita mo kapag hinayaan kitang mag-isang umuwi at hindi inihatid. Baka itakwil pa ako ng nanay ko, alam mo namang mas kampi yun sa’yo”, reklamo nya. Mahina akong natawa dahil kung tutuusin, medyo tama rin sya, kapag naabutan kami ni Tita na nagtatalo, pinagagalitan nya si Josh. 

Naupo ako sa tabi nya at humilig sa kanyang dibdib. He shifted to make a comfortable position for us and wrapped his arm around me. Naiyak ako bigla. Lahat ng pinipigil kong emosyon kanina pa ay biglang bumuhos o baka dahil lang sa alak.

“Bakit gano’n? Bakit parang mas tumindi yung sakit? Akala ko kakayanin ko na. Naranasan mo na ba yun? Yung pagsisisi sa naging desisyon mo noon. Yung sising-sisi ka na hindi mo ipinaglaban yung isang tao dahil naduwag ka sa sasabihin ng iba”

Wala syang sinabi.katulad ng madalas nyang ginagawa, nakikinig lang sya. Madami pa akong inilabas na sama ng loob pero hinayaan nya lang ako. Hanggang sa dalawin ako ng antok at marinig ko ang isang cellphone na tumutunog. I knew he answered it but I couldn’t open my eyes. I was just sleepy. I can still hear his voice though it sounded like from a distance but he was just beside me. 

“She’s okay. She’s here, I made sure she’s home safely”, paused. “Yeah, like I’d allow that. She’s here beside me sleeping”. Parang may narinig akong sumisigaw at galit mula sa kabilang linya. Hindi ako sigurado. Maybe my mind was playing tricks on me. Maybe it was the alcohol. 

“Don’t shout at me, nasa sofa kaming dalawa, nakaupo though she was leaning on my chest like it’s her pillow”, another angry shout. Sino ba kasi ang kausap nya? Parang pamilyar na pamilyar sa akin ang boses.

“Then hurry before I change my mind and get her for myself”, natapos ang tawag.

“He will come and get you”, there was something caressing my face. “And I don’t know if I can give you to him if he takes any more time”, then I was out to dreamland. 
************************
Sino ba kasi ang kausap ni Josh at sigaw ng sigaw?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon