Chapter 13: Vodka and Whiskey

19 1 0
                                    

The atmosphere creeping around the table we were sitting on was intense. Josh and Micky were busy having their serious staring contest. Carl and Jessa seemed to be enjoying what they were seeing while I did not know what to do. As much as possible sana, ayokong magkaharap sila. There was this bad blood between them which is probably wala silang balak ikwento sa amin kung saan nagsimula. 

“Micky”, tawag ko sa kanya. Gusto kong makuha ang atensyon nya para maputol na ang ginagawa nilang dalawa. Pinapanood ko pa lang, napapagod na ako. Ilang sandal pa bago ibinaling ni Micky ang kanyang tingin sa akin. 

“Stop”, mahinang usal ko. Huminga sya ng malalim, alam kong hudyat na bumigay na sya sa kagustuhan ko. His hand made a move to imprison mine under the table but later on brought it to the table where our friends could see our joined hands. 

“Seryoso ka na ba sa buhay, Micky? Baka mamaya may biglang sumabunot sa buhok ni Sam o kaya naman may sumugod para manampal”, hindi pa rin mahupa ang pagtawa ni Jessa at mukhang aliaw na aliw sa nakikita, kabaliktaran ni Josh na tahimik lang umiinom ng kape at mukhang walang balak pansinin ang sinuman sa amin. 

Micky smirked. Inangat nya pa ang kamay kong hawak nya para mahalikan ito. 

“Seryoso ako”, sagot nya kay Jessa.

Tumili naman ang pangalawa na hinampas pa si Carl sa sobrang tuwa. Madami pa rin kaming napag-usapan at mukha namang suportado kami ng mga kaibigan naming kahit tingin ko a napipilitan lang si Josh na makisama. Hindi ko alam kung ano ba talagang intension nya sa pagbibigay ng bulaklak at ng mga ginagawa nya. But somehow, it felt like I was losing him as a friend. 

“What are you thinking?”, ani Micky nang makasakay kami sa kotse nya para umuwi. 

Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Kung dapat ko bang ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko kay Josh. Nasasaktan ako sa nagiging trato nya sa akin. 

“Is it about Josh?”, gulat akong tumingin sa kanya. Hawak nya ang manibela pero hindi pa pinaaandar ang sasakyan. I felt guilty.

“Nalulungkot lang ako”, I whispered but I knew he heard me. Narinig ko ang pagkalansing ng susi at ang pagkabuhay ng makina. Pinagmasdan ko syang seryosong minamaniobra ang sasakyan paalis sa lugar. 

“Why would you feel sad?”, his tone was calm. 

“It’s just…”, I swallowed loudly, “Josh has been nothing but a very good friend to me. Sya yung naging karamay ko sa … noong nasasaktan ako kasi ang alam ko hindi mo ako kayang mahalin ng higit sa kaibigan”, pagtatapat ko. I watched his reaction. His face was still hard. He was almost glaring at the road. 

“I know. Hindi ako bulag, Sam. Palagi ko kayong nakikitang magkasama. Alam mob a kung bakit ilag ako sa kanya kahit na nasa nature ko ang pagiging palakaibigan? Dahil selos na selos ako sa kanya”

I gasped with disbelief with his confession. Dapat yata hindi ako maging masaya sa pagseselos nya dahil wala naman syang dapat ipagselos. Pero kinikilig ako at nakararamdam ng saya na malaman na nagseselos pala sya noong mga panahong iyon. Akala ko ako lang ang nakakaramdam noon kapag nakikita ko syang may kausap at kasamang ibang babae. 

“Wala ka namang dapat ipagselos”, alo ko, pilit pinipigilan ang ngiting gusting kumawala sa labi ko. 

“Tsss… Sino’ng hindi magseselos eh palagi mo nga syang kasama? Palaging katabi, palaging kausap”, nakanguso na rin sya at mukhang iritang irita sa mga naaalala. Pasimple akong bumaling sa bintana sa tabi ko para tingnan ang dinadaanan naming. The blurry lights from the lamp posts. The blurry figures of people outside. The soundless world. 

Ang malinaw lang ata sa akin ngayon ay kaming dalawa. Ang tunog lang sa aking tainga ay ang boses nya. Mas lalong lumawak ang ngiti kong pilit itinatago mula sa kanya kaya ako humarap sa salaaming ito.

“You find this funny, huh”.

I cleared my throat and pushed away the smile. I shooed the butterflies on my stomach away. I shifted on my seat, my head and body leaning side ways to face him. I could see his eyes busy going back and forth to the road and me. 

“Sinabi ko na. ‘Wag kang magselos kay Josh or sa kahit na sino. Ikaw ang pinili ko kaya ikaw lang”, I saw him bit his lip. 

“Hindi ko na yata maiiwasan ang magselos. Mula pagkabata sabi ni Mommy ay maramot na ako lalo na kapag akin”, he gently looked at me and I could feel my face burned. Hindi ko kailanman alam na ganito pala kasarap sa feeling na angkinin ka ng isang tao. Na sabihin nyang sa kanya ka at iparamdam sayong hinding hindi ka nya ipamimigay. Halos ipagdamot ka sa lahat. Akala ko OA lang talaga ang mga tao kapag nakakabasa ako ng tungkol sa ganito, ngayon naiintindihan ko na. Halos hindi ako makahinga sa saya.

“Sayong-sayo ako, Mr. Vir Michael Alvarez. Ikaw? Akin ka ba?”, hiyang-hiya akong itanong sa kanya yun pero gusto kong malaman. Mahirap mag-assume. I’ve been there. Kahit malayo pa kami sa bahay, itinabi nya ang kotse na ipinagtaka ko. Kinalas nya ang sealbelt at tuluyang humarap sa akin. He looked exactly like the man of my dreams. Parang hindi ako mapapagod mahalin sya. Parang hindi mauubos yung pagmamahal ko sa kanya. 

“Don’t ever ask me that. That’s not even a question”, he reached for my face and caressed my cheek with his thumb. With his gentle eyes, I could see his sincerity. This looked like one of my favorite scene on a romantic film I watched a long time ago. 

“You have all of me, baby. Sayong-sayo ako. Buong-buo. Pwedeng lumabis pero hinding-hindi magkukulang”, and I fell all over again. 

Those were the good times. Yun ang alaala ng mga panahong akala ko kapag masaya ka, hindi matatapos ang lahat ng saya mo. Akala ko noon sapat na ang pagmamahal para maging masaya. Akala ko sapat na ang pagmamahal namin para sa isa’t isa.  Hindi pala. I was too young then. He was too young. We were both immature at that time. 

And now I was looking at him happy with someone else. 

I downed the vodka I just ordered. The heat spread through my system. 

Tangina. Ang sakit. 

Ako yung umayaw. Ako yung bumitaw pero ako yung nasasaktan ngayon. Maling-mali na iniwan ko sya dati. I ordered another glass and drunk it in one shot. 

“Whiskey please”, I froze. It was him. 

“Micky”, wala sa sarili kong tinawag ang pangalan nya. Nagkatinginan kaming dalawa. Ako na puno ng pangungulila at sya na walang kahit ano’ng ekspresyon. 

“Sam”, he said my name in disgust. Kitang-kita ko kung gaano nya kaayaw makita ang pagmumukha ko. 

“Here’s your order, Sir”, kinuha nya iyon at bago pa ako makapagbitaw ng panibagong salita, tumalikod sya at iniwan ako. 

******************

My time skip tayo dito. From their school days to now na nagtatrabaho na sila. Mas matured at mas malalim na ang bitawan ng mga salita from then on. And yes, they broke up. The reason? You will discover that on the next updates. 

When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon