Chapter 8: It's raining cats and dogs (part 1)
One year ago...
Micky's POV
"Para sa'n na naman 'yan?", my cousin Geoff asked when he entered my room one night. Kami lang dalawa halos ang nakatira sa bahay bukod sa ilang katulong. Pero hindi tulad ng iba, we're getting along with our families. Wala kaming family issues. We're in good terms. Sa sobrang in good terms nasusuka na ako minsan sa kasweetan ng family ko, namin.
"Project", I replied. That stupid professor in communication subject made us write an essay about what it really means to communicate with someone. And it seriously making my head hurts. Isa sa pinakaayaw ko ay ang pagsusulat ng mga kung ano-ano. Lalo na kapag essay tapos minimum pa ng 1000 words, handwritten. Torture.
"Fuck!", I cursed out. Pabagsak kong inilapag ang ballpen sa lamesa at hinilot ang nananakit kong kamay at mga daliri. Pakiramdam ko namanhid pati braso ko sa ginawa ko.
"Ang pangit talaga ng sulat mo. Baka hindi 'to bigyan ng grade kasi hindi na mabasa", pang-aasar nya.
"Akin na nga 'yan. 'Wag mong pakialaman ang sulat ko. Kung makapagsalita ka akala mo naman maganda yung sulat mo. Eh dib a kaya ayaw sayo ni Kelly kase pangit kang magsulat", I teased back. binato nya ako ng unan. Asar na asar sya habang ako, tawa ng tawa. Ang babaw kasi ng dahilan ni Kelly pero nakakatawa talaga.
"Kinder lang tayo nun!"
"Kahit pa. Ang main point, pangit ka ding magsulat kaya wala kang karapatang laitin ang sulat ko", and I burst out laughing again, throwing him the pillow he threw at me pero nakailag ang loko.
Problemado pala ang loko sa babae. Hanggang ngayon si Kelly pa rin ang gusto. Akala ko joke lang sa kanya yung biro ko, kaya pala asar kasi nakita na naman nya ang first love nya. Hanga din talaga ako sa pinsan kong 'to. One-woman man. Minsan lang tamaan, matindi pa. Dekada na ang lumipas pero hindi pa nakakamove on. Binasted na noon pa pero gago pa rin para sa nag-iisa babaeng ayaw magpaligaw kahit kanino kase study first daw. Lahat rejected kaya naman itong si mokong, ayun, todo asa pa rin kasi kaya nya daw maghintay.
"Magpinsan tayo, Micks, kaya hindi nalalayo yang kulay ng bituka mo sa'kin. Pareho lang tayong nagmamahal ng mga babaeng paasa"
Napangiti ako sa sinabi nya. Nasa lahi na yata naming ang magmahal ng isang babae lang sa buhay naming. Naalala ko, si Papa ganun din. Si mama lang din ang extreme love nya. Ang badoy pakinggan pero tangina.
Ang bakla lang pero bwisit, tinamaan ako eh. At kahit torpe ako kay Sam, mahal ko 'yun. Kahit gago kami ni Geoff, totoo kaming magmahal.
***
"Wala ka sa mood?", I grunted a yes when Carl asked me. Masakit ang ulo ko kanina paggising ko. Alas kwatro na kami nakatulog ni Geoff dahil nagyaya ang lokong mag-inom. Hindi naman kami nalasing pero shit lang. Ang sakit pa rin ng ulo ko.
"Hay nako. Magpinsan talaga kayo ni Geoff", hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya, alam kong nakaub-ob na rin sa mesa ang pinsan ko.
Natulog lang ako sa bawat klase. Kapag kailangan kong gumising ay gumigising naman ako ang kaso lang nasisinghalan ko talaga ang mga tao sa paligid ko. Pati professor namin nasungitan ko. Ipinasa ko naman ang project ko kaso ibinalik nya sa'kin. Ulitin ko daw at ayusin ang sulat. Sinabihan pa ako na I should think deeper. Eh ano namang magagawa ko. 'Yun ang opinion ko sa argument. Masyado daw mababaw. Alam kong terror si Sir Dave pero simula pa lang pinag-iinitan na nya ako. And he does that every time he gets the chance. Padabog akong lumabas ng classroom ng ipaiwan nya ako. Lalong nadagdagan ang init ng ulo ko. Itinext ko si Sam.

BINABASA MO ANG
When He Was Mine
Teen FictionAno nga ba talaga ang nangyayari kapag na-fall ka na sa bestfriend mo?