Chapter 6" Alam kong mali na

31 1 0
                                    

"Ano ba kasing nangyari?", pinipilit kong patigilin ang mga luha ko pero bumabalik pa rin sila habang ginagamot ang mga sugat at pasa ni Josh. Nagkaroon ng cut ang lower lip nya at kanang kilay. Putok din ang gilid ng labi, may sugat ang kaliwang pisngi, pasa ang baba at basag ang salamin.

Kanina pa syang hindi umiimik. Basta lang syang nakaupo sa harapan ko. He twitches every time the cotton balls soaked with alcohol touch his wounds. Awing-awa ako sa itsura nya pero gusto ko ding hanapin at puntahan si Micky. Naestatwa ako nang makita ko ang mukha nya kanina. Pinaghalo-halong galit, desperasyon.. even betrayal reflected on his eyes. Hindi mawala sa isip ko aat alam kong noon ko lang sya nakitang ganun kagalit.

"Ano nga kase, Josh? Paano natin maaayos 'to kung wala kang sasabihin?!", sigaw ni Jessa pero nanatiling walang kibo ang isa.

Hindi pa rin nawawala ang tension.

"Nakontak mo nab a si Micky?", mahinang tanong ko kay Carl na umiling lang habang sa tingin ko ay sinusubukan pa ring tawagan ang kaibigan namin.

Tama.

Magkakaibigan kami pero ano'ng nangyayari?

"S-Si Geoff kaya ang tawagan mo?", suggest ni Jessa kay Carl at ginawa naman nya.

'Wala talaga. Kahit si Geoff nakapatay ang cellphone", maya-maya ay wika ni Carl na lalong ikinatahimik ng lahat. Nagpapakiramdaman lang kami hanggang sa nagpaalam na sina Carl na mauuna na at hahanapin sina Micky. Gusto kong sumama pero hindi pa kasi ayos ang lagay ni Josh. Sanay akong tahimik sya. Seryoso. Pero hindi ganito.

Halos wala syang kibo. Hindi ko nga alam kung humihinga pa sya ng ayos.

"Ayos ka lang?", kahit ilang beses ko yatang ulit-ulitin ang tanong ko sa kanya, wala pa rin syang balak sumagot.

Kami na lang dalawa ang natira sa tambayan ng barkada. Maliit na kubo sa likod ng school.

"Sorry", napatigil ako sa ginagawang pagpupunas sa kanya, sinusubukan kong alisin ang mga natuyong dugo sa mukha nya. Nakatuon lang ang paningin nya sa sahig at dama ko ang bigat ng dala nya sa loob nya ngayon.

"Ano ba talagang nangyari? Bakit biglang...", umiling lang sya. Napansin ko ang pagkuyom ng mga palad nya, halatang umiiwas at ayaw pag-usapan. Nirerespeto ko naman ang nararamdaman nya kaso lang, I really wanted to understand. I blew out a lungful of air and continued what I was doing.

Ilang minute pa nang matapos ako sa ginagawa, niligpit ko ang mga gamit, itinapon sa basurahan ang mga basura, nang biglang magring ang phone ko mula sa bag.

Dashboard Confessional's hit song Stolen burst out from it. My heart took a leap. That was my favourite song and from it, I already knew who was calling.

Micky.

Sya ang personal na nagset ng ringtone na yun sa phone ko para daw malaman ko na sya ang tumatawag. Alam ng mga kaibigan namin ang tungkol dito.

Humakbang ang mga paa ko patungo kung nasaan napatong ang bag ko na para bang hinihintay ako. Dahil bukas na bukas ito sa pagmamadali kanina sa paghahanap ng bulak at alcohol, kitang kitang ang halos lahat ng laman, lalo na ang bagay nay un.

Micky calling...

My phone screen flashed.

My hand stretched to reach for it nang may kamay na humawak sa braso ko. I abruptly turned to see Josh standing tall towering over me. I know he's taller than me but suddenly, I've felt him different on the way he was looking down at my frame.

"B-Bakit?"

His eyes were digging me up.

"Dito ka lang", he sounded authoritative. Nag-uutos. 'Yung tipong wala akong pagpipilian kundi ang sumunod. It surprised me but when I looked closely, he was pleading.

"Josh"

Hinigit nya pa lalo ako hanggang sa magkaharap na kaming dalawa, at hawak na nya ang kamay ko. His eyes became unstable. He looked devastated that it hurts to watch him like this.

"Dito ka muna. 'Wag mokong iwan please, Sam. Kailangan kita", nanginginig ang mababa at mahinang boses ni Josh habang nakatungo lang at nakahawak sa kamay ko.

"Josh", tawag ko sa kanya.

"Please naman oh. Kahit ngayon lang, Sam. Dito ka muna sa'kin", humihigpit ang kamay nya sa kamay ko. Gusto ko syang damayan pero kailangan din ako ni Micky. Kanina pa nagriring ang cell phone ko sa bag. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Josh. O kahit si Micky.

"Please", bulong nya ng sinubukan kong kumalas mula sa pagkakahawak nya.

"Please...", ulit nya sabay hila sa akin papunta sa kanya. Walang labang niyakap lang ako ni Josh na para bang ayaw nya akong mawala.

Mahigpit.

At dun ko naramdaman ang panginginig ng buong katawan nya at ang luhang bumasa sa balikat ko.

If his actions earlier surprised me, this one definitely stunned me. He rarely shows his vulnerable side. For so long, sya yung tipong naging anchor ko sa lahat ng nangyayari lalo na pag tungkol kay Micky. Sya yung dumadamay sa akin at nagpapayo so seeing him this weak and vulnerable was an unfamiliar territory for me.

Ni hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong gawin o sabihin. I just stood there while his arms were around me squishing me tighter.

He was crying silently.

"Josh", sinubukan kong itulak sya ng bahagya, but I failed.

I tried again but then, unsuccessful attempt for the second time until I gave up. Ilang minuto na ang nakalipas. Dumidilim na rin ang paligid, wala pa rin yatang balak si Josh na bumitaw. Naalala ko na naman si Micky. At sa gitna ng pag-iisip ko sa kanya, naramdaman ko ang hininga ni Josh sa tenga ko. It sent shivers to me. And gave me another urge to push him away.

'W-What are you doing", I asked. Nervously.

"You", he whispered, "you're thinking of him", there was nothing but sadness on his voice. I was guilty. I felt guilty. I bit my lip.

"Bakit hindi na lang ako?", his question turned everything between us unfamiliar and awkward. Adding up the tone he used, it made me anxious and at such unease. I was afraid where his question was coming from and to where it would end.

"Ano ba'ng sinasabi mo?", I tried to make my voice steady and hide what I really feel.

"You're really naïve, Sam. And you're cruel"

I worriedly laughed.

"Umuwi na lang tayo"

"And you're so cruel that I can't stop thoughts of you, Sam. Ano'ng gagawin ko?"

"U-Umuwi na tayo please", sabi ko sa kanya, pilit na gumagawa ng distansya pero mas lalo nya akong ikinukulong. My voice tremble and my heart drummed loudly.

"Tangina kasi",

"Josh, stop. Natatakot na ako"

This is not him.

"See? You're cruel, Sam. Alam kong mali na pero mahal kita , Sam"

THAT. WAS. IT.

I thought and I wished it to be a dream. But he clearly said it. He loves me.

Josh loves me.

He was in love with me.

Josh is in love with me.

Fuck!

"Mahal na mahal na kita", he said and I cried. It was so painful.

Umiyak ako ng umiyak dahil hindi ko na alam. Nasasaktan ako.

"Kaya please naman, ako na lang. Ako na lang, Sam"

When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon