AN: Flashback mo ito nung mga panahong masaya lang sina Micky at Sam.
One year ago
Sam's POV
"Mali ka. Sabi ni Mommy dapat daw talaga sagutin ng lalaki ang lahat kapag ikakasal na", kumunot ang noon ko sa sinabi nya. Traditionally, his point was correct, pero sa panahon ngayon? Hindi ko matanggap ang sinasabi nya.
"Hindi nga kase. Iba na ang panahon ngayon. Halos pantay na sa opportunities at kakayahan ang mga babae at lalaki", I pointed out sabay subo ko ng fries.
"Gusto mo pa ng gravy?", he asked looking at the table specifically sa paubos kong gravy dahil ginagawa kong sawsawan ng fries. He treated me with a bunch of meal here in McDonald's after the evening mass.
Tumango ako sa kanya habang sya ay napapailing dahil hindi ko talaga pinapansin ang mga ketsup sa harap ko. Nawiwirduhan daw sya sa'kin kapag hidni ko ginagalaw ang mga pakete ng ketsup tuwing kumakain kami sa fast food pero iniuuwi ko naman. Tumayo sya at kinuha ang baso ng tubig na wala ng laman. Nabuhayan ako dahil malulunod na naman ang mga fries sa gravy.
Naalala ko kung paano kami napunta sa usapang kasal.
Sa misa kanina, ang homily ni Father ay tungkol sa pag-aasawa at kasal. Medyo awkward kasi halos lahat ng umattend at katabi namin ay mga mag asawa na siguro o couples. Medyo nainis pa ako sa kanya kas di nya ako sinabihan agad na kasama nya pala sina Tita at Lola Pelita. Nagulat tuloy ako at napamano ng wala sa oras kay Lola. At sigurado akong iniisip ni Lola na may relasyon kami nitong si Micky. Narinig ko kasing tinanong sya ni Lola kung ano na ba daw nya ako.
I swear, kinabahan ako at naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa buong mukha ko. Hindi ko naman alam kung ano'ng isinagot ni Micky. Tumawa lang si Tita. Kilala naman nila ako. They know me as the formidable best friend of their playboy son. Our families are actually very close.
"Oh, inumin mo ha", Micky returned to our table with a glass full of gravy. I laughed and sweetly said, "Thank you", na tinawanan nya rin lang.
"Alam ba ni Tito Marshall yang mga paniniwala mo sa pagpapakasal?", balik nya sa topic namin.
'Well, hindi ata. I doubt naman kung hindi sasang-ayon si Papa sa opinyon ko. Ano'ng masama ba 'dun? Eh di ba nga? Kaya nga tinawag na partner kayo ng mapapang-asawa mo kasi dapat sa lahat ng bagay at desisyon ay you share with each other. Syempre, lalo na sa responsibilities", sagot ko.
"Ang turo sa'kin ni Mommy ay dapat magpakalalaki ako at akuin ang responsibilidad lalo na sa kasal. Lalaki dapat tapos after ng kasal, sa poder na ng lalaki titira ang asawa nya", kinagatan nya ng burger nyang feeling ko lumamig na ng husto.
"Dapat share sila. Sa gastos sa kasal. Mga plano dapat sila at mag-ipon para hindi na sagutin ng lalaki lang at ng family nya. Tapos sa bahay, hindi naman iba ngayon na parehas din sialng magdecide kung saan titira, dapat parehas pa rin silang magdedesisyon!", nanggigigil kong sabi sa kanya.
He rolled his eyes at me. napaarte talaga ng lalaking 'to.
"Hindi nga kasi ganun 'yun", he pointed out. Micky glared at me playfully at I did the same.
"Ganun 'yun!"
"Hindi"
"Ganun"
"Hindi nga!"
Pinagtalunan namin ng pinagtalunan ang tungkol sa parehong bagay. Para kaming tanga dahil sae dad namin na halos teenager pa lang, at maraming pangarap sa buhay, ito talaga ang pinagtatalunan namin. But I have to admit, it feels so nice. These really are the moments na gustong gusto ko pag magkasama kami. We fought over petty and stupid things, we may have different views pero we know how much we respect each other's opinion at the end. Minsan nagkakapikunan kami at nakakatawa dahil kinikilig ang iba sa mga ganung pagkakataon.
So married lang daw kasi.
We ended our stupid argument na parehas pa rin kami ng mga alam naming pinaniniwalaan. Truth to be told, we've been arguing over the same things for countless times, wala namang nangyayari. Wala namang nababago sa kanya kanya naming opinyon.
"Akala ko ba dala mo ang kotse mo?", nagtataka kong tanong pagkalabas sa McDo.
"Akala ko nga din eh", Micky answered plainly.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya na diretso lang nakatingin sa nilalakaran. Medyo madami ang tao paglabas kaya medyo siksikan rin.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!", pagalit nyang bulyaw sa akin pagkatapos nya akong hulahin bago mabunggo ng mga nakakasalubong.
"Sorry", I simply said.
With an angry crease on his forehead, I felt his strong arms around my back and shoulders. Hindi ako touchy na tao kaya medyo nagulat ako sa ginawa nya. My body felt stiff on his action but later on, I relaxed. Micky always had this power to make me feel safe. Whatever the situation is, I feel safe and calm around him.
I smiled secretly, loving his arms comfortably hang around my shoulders. And he smelled so good.
"Ang baho mo", I teased him. His brow rose as he looked down on me.
"Mas mabaho ka", his voice was calm yet playful.
Suddenly, he leaned in and his lips touched the top of my head.
"Did you just kiss me?", I asked. He laughed.
"No. ano ka sinuswerte? Inamoy ko lang ang buhok mo", but my eyes trained on him suspiciously. Was it just my imagination?
Iwinaglit ko na lang yon sa isip ko. But then he repeated it again.
"Y-You..!"
"Now, that's a kiss"
"Siraulo ka!"
"Why? Ang bango mo kasi. Nakakaadik"
"Sira! Ano na lang iisipin ng mga taong nakakita satin? Maissue pa tayo. Oh please lang"
"They will think na ang swerte mo kase ang sweet ko tapos ang gwapo ko pa. Oh 'di ba! San ka pa? tapos iisipin nila na sana sila na lang ang nasa pwesto mo"
"Ang yabang mo talaga"
"Syempre, gwapo ko kaya"
"Pangit ka"
Natawa na naman ako sa reaksyon nya. Pikon talaga sya pag sinasabi hank o sya ng pangit. Lalo na pag boses nyang kumakanta ang pag-uusapan but he always had this secret smile hiding in his eyes. I knew at some point how he treasure our moments like this.
We are happy.
Sana hindi na magbago ang ganito.
Sana palagi na lang kaming masaya pag magkasama.
Sana palagi na lang kaming masaya.
"Sana...", he blurted out, "Palagi tayong ganito. Sana palagi tayong masaya", he smiled at me and I did, too.

BINABASA MO ANG
When He Was Mine
Teen FictionAno nga ba talaga ang nangyayari kapag na-fall ka na sa bestfriend mo?