Chapter 2: Kaya pala

39 1 0
                                    

"Pare, tama na nga yan", itinuloy ni Micky ang pag-inom ng alak mula sa kanyang baso. Naramdaman nya ang pagguhit ng init nito sa kanyang lalamunan.

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sating dalawa

Biglang sumabog ang tugtog ng musika sa loob ng bar. Kung kanina ay naiinis lang sya, ngayon ay unti-unting galit ang nararamdaman nya.

Why this song now? Bakit ba ito na naman kantang 'to ang naririnig nya, ang dami nya tuloy naaalala lalo na yung nangyari kanina sa labas coffee shop. Akala nya sanay na sya. Akala nya wala na pero hindi pa pala.

"Fuck..", bulong nya sa sarili sabay lagok muli ng alak.

"Si Sam na naman?", tanong ni Geoff sa kanya.

Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Natigilan sya.

"Ang sakit, pare. Akala ko talaga okay na ako pero tangina lang, ang sakit pa rin. Tapos...", naalala na naman nya ng eksenang lumamon sa kanya. Hindi nya alam pero gusto nya talagang sugudin si Josh at ilayo si Sam dito. Gusto nyang mambugbog. Gusto nyang magwala. Gusto nyang mambali ng buto.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo, tigilan mo na. Ilang beses ka na bang nasaktan? Tapos sya rin nasasaktan. Paulit-ulit lang kayo. Di ba kayo napapagod? Di ka ba napapagod?"

"Kung pwede nga lang, matagal ko nang tinigilan pero tangina talaga, mahal ko pa", naiiyak na sya sa sobrang inis sa mga nangyayare.

Napabuntong-hininga na lang si Geoff, awang-awa na sya sa pinsan nyang si Micky. Loko-loko ang pinsan nya, babaero pero alam nyang mahal na mahal nito ang best friend nitong si Sam. Ang tagal nang panahon, akala nya malilimutan rin nito ang feelings para sa kaibigan pero mas lumala ata.

Hindi nya alam kung ano ba dapat ang sabihin nya kay Micky kaya sinasamahan na lang nya itong uminom kapag nagyayaya.

"Tangina! Nagyakapan sila, 'tol! Nagkayapan sa harap ko", ipinatong ni Micky ang ulo nya sa braso nyang nasa lamesa na rin. Napapaos ang boses nito.

"Dapat ako' yun eh...", pahina ng pahina ang mga sinasabi ni Micky pero ramdam na ramdam ni Geoff ang sakit.

"Bakit si Josh? Bakit hindi ako? Mahal ko naman sya noon pa. Nauna ako dun, Geoff"

"Oo na"

"Mahal ko 'yun", his words were slurring.

"Mahal na mahal ko yun. Noon pa. Tangina, mahal ko yun, pre", paulit-ulit nitong bigkas.

"Lasing ka na. Tama nay an, umuwi na tayo", inagaw ni Geoff ang baso ng alak kay Micky pero hindi nito binibitawan.

"Lasing lang ako pero sya pa rin ang mahal ko. Naiintindihan mo ba?", nilingon sya nito.

What a pain in the ass! Naibulalas ni Geoff sa isip nya. Biglang tumunog ang cellphone nya kaya hindi na nya naintindihan ang iba pang ipinaghihimutok ni Micky hanggang sa napansin nyang kumakanta na ito kahit nabubulol dahil sa pagkalasing.

Kung hindi ikaw ay sino pa ba?
Ang luluha sa umaga para sating dalawa


Bumibitaw dahil di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw?

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw

"Hello!", he shouted para marinig sya ng nasa kabilang linya dahil medyo malakas na ang tugtugan sa loob ng bar plus napakingay na rin ng broken-hearted nyang pinsan.

"Hello?!", ulit nya. Tiningnan nya muna ang pinsan nyang bagsak na talaga sa espirito ng alak kaya nagpasya syang lumabas saglit. Kampante naman syang hindi mapapahamak ang pinsan nya kahit iwanan nya saglit. May sarili silang pribadong silid at pwede nyang ilock para di makagawa ng kalokohan.

He decided to take the key with him and go outside...

Nang nasa labas na sya, saka nya malinaw na napagtanto kung sino ang nasa kabilang linya.

Si Sam.

Huminga sya ng malalim at inilayo ng kaunti ang cellphone sa knyang tenga para masigurong hindi nya sya nagkakamali ng dinig.

Sam.

Yan ang pangalang nabasa nya sa caller ID.

"Bakit?", ayaw nyang magtunog naiinis pero hindi nya mapigilan. Alam nyang walang kasalanan si Sam at hindi nya dapat sisihin sa nangyayari ngayon sa pinsan nya pero hindi nya talaga mapigilan.

"Tumawag saken si Tita Jackie. Hinahanap si Micky. Patay daw kasi ang cellphone. Sinubukan ko ding atwagan pero patay rin, nagbabaka sakali lang akong baka kasama mo kasi hinahanap na sya sa kanila", napasilip si Geoff sa relo nya at nakitang alas tres na ng madaling araw.

"Oo kasama ko sya. Ako na lang ang tatawag kay Tita"

"Nasan ba kayo?", Sam asked.

"Sa bar lang", sagot nya.

"Ah ganun ba?", napataas ang kilay nya dahil parang may narinig syang ibang tono mula kay Sam. Parang tunog disappointed na nasasaktan? Pero ayaw nyang mag assume tapos masasaktan ulit yung dalawa lalo na si Micky.

"May sasabihin ka pa?"

"A-Ah.. W-Wala na. sige salamat. Ingat kayo pag-uwi", and the line went dead. He looked up at the sky and sighed again.

Why do people have to feel hurt when they love someone?

And with that thought, binalikan nya si Micky. Muli syang lumagok ng alak, this time he gulped it straight from the bottle watching Micky drunk calling Sam.

"Fuck!", he saw him tried calling again.

"Kanina busy. May ibang kausap yung babaeng mahal ko tapos ngayon cannot be reached na? Sino ba'ng demonyo ang kausap nya at di man lang nya masagot ang tawag ko?"

Geoff chose not to tell him na sya ang kausap ni Sam kanina kaya busy, baka sakaling pag nasaktan pa ito ng sobra ay tumigil na.

"Uwi na tayo", sabi nya.

"Fuck this stupid phone!", sabay tayo buti na lang nasalo ni Geoff ng mabuwal.

At nang nasa pinto na sila, nakita nila si Josh sa parking lot, may kausap sa phone. Geoff looked at Micky.

His cousin's face was devoid from any emotion as he laughed.

"Kaya pala", Micky said.

*************************

Ooooooooooppppppppppsssssss.. nagkita sina Josh at Micky. May suntukan kayang magaganap?

When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon