Chapter 5: Ayos ka lang?

28 0 0
                                    

Naalimpungatan ako sa matigas na bagay na humampas sa ulo ko at nagising sa panaginip ko. Mulat ang mata ko pero nanatiling nakapatong sa lamesa ang pisngi ko habang masamang tinititigan ang lalaking nasa tabi ko.

Si Josh, hawak ang makapal na libro na siguro ay syang inihampas nya sa ulo ko.

"Masakit 'yun ha", ungot ko habang minamasahe ang parte ng ulo kong tinamaan ng libro.

"Talaga?", si Josh na parang balewala lang ang ginawa nya. Minsan talaga nakakairita syang kasama. Bakit ba kasi 'to nandito? Tuluyan na akong bumangon pero patuloy kong kinakalbo sya sa isip ko.

"Wag mo 'kong tingnan ng ganyan. Pasalamatan mo ako"

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Napaka-bossy talaga nitong lalaking 'to.

"At bakit naman ako magpapasalamat? Hinampas mo ako ng libro mong kasing kapal ng mukha mo tapos gusto mo mag thank you ako. Wow ha!", I nagged at him.

"Ginising lang kita sa katotohanan", lalong kumunot ang noo ko.

"Micky ka ng Micky dyan habang tumutulo ang laway mo", ibinalik nya ang kanyang mga mata sa hawak nya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"A-Ano?!", pabulong kong sigaw. I panicked and looked around the library.

"Seryoso ka ba? Shet, nakakahiya. May nakarinig ba?", kabado ako habang natataranta sa nalaman. Feeling ko talaga may nakarinig eh.

"Kanina pa ako dito. Gigisingin sana kita kaso biglang nagkameeting yung SocSci Department kaya postponed yung mga klase for the rest of the afternoon. Yayayain n asana kita umuwi kaso kanina ka pa ungot nang ungot ng Micky"

"M-May nakarinig ba?", pangungulit ko, halos hilahin at sirain ko na ang polo nya dahil ang tagal nyang sumagot.

"Ano?! May nakarinig ba?!", bwisit talaga 'to.

"Wala"

"Sigurado ka ba?"

Huminga lang sya ng malalim na kasamang inis.

"Sagutin mo kasi. Sigurado ka bang walang nakarinig?"

"Sabi ko wala 'di ba?", saka ako alinlangang tumigil dahil wala naman na akong mapala sa kanya. Sana lang talaga walang nakarinig. Sa tuwing si Micky kasi ang napapanaginipan ko, malinaw kong naaalala compared sa iba.

"Nakakaabala ba ako?", halos tumalon ang puso ko mula sa dibdib ko papunta sa sahig ng marinig ko ang malamig na boses ni Micky.

ANO'NG GINAGAWA NI MICKY DITO?!!!!!!!

Sinundan kung saan nakatuon ang kanyang mga mata ng walang nagsalita sa aming tatlo, napansin kong sa kamay kong nakahawak sa damit ni Josh. Bigla akong napabitaw at hilaw na ngumiti. Inayos naman ni Josh ang damit nyang nalukot dahil sa 'kin. I didn't know how to react properly. The man in my dreams was standing in front of me, broodingly staring down at us and it felt like I committed some crime on a law he had unconsciously set or even broken down a rule he firmly but mutely broadcast.

"H-Hindi naman", parang tangang sagot ko kay Micky. Parang slow motion syang naupo sa kasalungat na upuan ko.

"Ano'ng ginagawa mo dito?", Micky's question was somehow clearly directed to Josh who seemed to be not affected by the presence of the newcomer.

"Nagbabasa", nonchalantly, Josh fired back.

Suddenly, parang nakaramdam ako ng mabigat na tension sa pagitan nila. Nakikiramdam ako kung ano'ng pwedeng mangyari. The scene before me felt like a scene in an action thriller movie, the intensity, the waiting, the nervousness. And the temperature inside the room abruptly dropped.

"Ahmm... may problema ba kayong dalawa?", they both turned to me at the same time that it gave me a hint na dapat hindi na lang ako nagsalita.

"Meron"--Micky

"Wala"--Josh

Nagpalipat-lipat ag tingin ko sa kanilang dalawa. I shot Josh a questioning look but he was not throwing any attention to the situation we're in, then on Micky, his eyes narrowed at me.

I quietly gasped; my intuition told me that I had to defend myself from the accusation coming from his eyes.

"W-What?", I held my breath, mas kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig nya. Kilala ko sya. He's angry. The way his jaw clenched. I just knew he's angry.

He smirked in annoyance.

"Wala", he was gritting his teeth.

Biglang tumayo si Josh kaya bumaling naman ako sa kanya. Mahinang nagmura si Micky.

"Mag-usap kayo", Josh started to walk away from us pero mabilis ding tumayo si Micky.

"Tayong dalawa ang mag-usap. Lalaki sa lalaki", ito yata yung sinasasbi sa kanta ni Moira na 'at tumigil ang mundo'

Tumayo na rin ako dahil nagsisimula nang mapansin ng mga iilan ilang tao ang nangyayari.

"Ano ba talaga'ng nangyayari? Magkagalit ba kayo?"

"Labas ka dito, Sam", pagalit na singhal ni Micky sa akin.

"Josh?", baling ko sa isa kahit nasaktan ako sa sinabi ni Micky. Hindi ako pwedeng umiyak.

"Tangina talaga", medyo tumataas na ang boses ni Micky.

"Wag ka ngang parang bata. Kung gusto mong mag-usap tayo, sa ibang lugar at wag kang magmura dito"

Hindi nila ako parehas pinapansin.

"Edi sa labas tayo mag-usap", padabog na lumabas syang lumabas at sumunod naman si Josh. Gusto kong sundan sila pero pinigil ako ni Josh. Huwag daw akong makialam dahil usapang lalaki.

Paanong hindi eh parang magsusuntukan silang dalawa?! Halos magmakaawa ako para lang sabihin nya kung ano ba talagang problema pero hindi na naman nya ako pinansin.

Nawala ko sila sa dami ng tao paglabas ko sa library. 'Yung mga seniors kasi ay saktong awasan nila kaya madaming tao sa hallway. Iniligpit ko pa ang mga gamit ko mula sa lamesa a ibinalik ang librong hiniram ko dahil hinabol ako ng librarian.

Kung kelan ka naman nagmamadali saka ang daming abala. Tinakbo ko ang bawat hallway para hanapin sila. Itetext ko sana sila Jessa, ang kaso naexpire na ang load ko kanina pang umaga. Ilang minute din akong nagpaikot ikot sa buong campus hanggang sa marinig ang gulo sa isang umpukan ng mga estudyante. Mabilis akong nagtungo doon at hinawi ang mga tao hanggang sa makita ko si Micky na sinusuntok si Josh. Madami nang dugo ang mukha ng pangalawa at mukhang walang balak gumanti.

Sa takot kong may mangyaring masama lalo na at dehado si Josh at hinila ko palayo si Micky sa kanya. Adrenaline rush. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas para madala sya sa paglayo ko sa kanya sa isa pa.

O baka sadyang nagpahila lang sya. Bayolenteng nagtaas-baba ang dibdib nya at halata ang galit sa buo nyang mukha. Kahit ako ay natakot.

"Micky!", pilit kong kinukuha ang atensyon nya pero mukhang hindi sya magpapapigil.

Susugudin nya pa ulit sana si Josh pero iniharang ko ang katawan ko.

"Tama na! Ano ba? Inaano ka ban g tao?"

Marahas ang pagbaling ng atensyon nya sa akin.

Naiiyak na ako. Dumating na rin sina Jessa at kahit ang pinsan nyang si Geoff na agad namang umaksyon para tulungan akong pigilan si Micky.

"Pare, tama na", pero parang wala syang narinig. Nagpumiglas sya.

His lips were in grim line na parang pigil na pigil nyang sapakin pati na rin ako. Isang malalim na hininga ang binitawan nya bago tuluyang nagpaubaya sa pinsan, siguro ay namalikmata lang ako but I think I saw a glint of tears on his eyes like he was in some kind of a pain. Walang salita syang tumalikod at iniwan kaming lahat na walang kahit anong ideya kung ano ba talaga ang dahilan.

"Ano'ng nangyari?", umiiyak na tanong ni Jessa na inaalo ni Carl.

I looked at Josh who was now sitting, looking down on the grassy ground, the crowd was clearing.

"Ayos ka lang?", I asked him as I wipe my tearsaway. He nodded.

When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon