This chapter is now the edited version.
Follow me on twitter: @ChaiiYanEh
On Facebook: ChachiKawaii WP or Novey Jane Dayot
--
FROZEN || Ch.04
- CHUNK OF HARD ICE -
Hailey's POV
Nag-shake hands kaming dalawa. Pero alam mo yung hindi umaalis yung smirk sa labi niya. Nakakairita po siya. Swear! Yun bang parang may binabalak na masama. I know he's plotting some kind of an attack of slavery on me.Goddammit! This'll be hell! And for sure this will be a long two months.
Ba't ba ang malas malas ko dito sa Pristine High? Una, yung muntikan na akong natumba, pero nasalo ng mokong na 'to. Pangalawa, yung lesheng auction na yun kung saan parang baboy kaming ibinenta. Pangatlo, may nakabangga ako kaninang guy na sobrang cute ang mata! Noooo! Bawal kiligin! Back to Ice Queen mode! Pang-apat, ang bwisit na epal na nakakainis na lalaking to ang nakabili sakin! Oh my gosh! Whatta cruel world!
"Still drowned in the thought of me having you?" - pamukaw naman ni Epal sakin, still wearing that wicked smirk. It's getting really annoying!
"Whatever." - inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Mamaya niyan mahawaan ako ng pagka-epal neto. Duh? Dadagdagan ko pa ba ang mga Epal sa mundo? Kung siya pa nga lang, sobrang nakakainis na. Tss.
"I'll just discuss things with you tomorrow, my Queen." - and he winked--again. And he starting walking the opposite direction.
The way he winks at me has somewhat made a reaction in my whole body. And for a fact, he's gorgeous. Wait? What did I just say? Owf! Stupid mouth!
Bumaba na ako ng stage. At pumunta naman ako kay Freeza na kanina pa pala nag-aantay sa may gilid ng stage. Sinalubong niya ako ng isang napakalapad na ngiti. Napangiwi na lang ako. Dahil mukhang alam ko na ang sasabihin niya.
"Gaaaaaaah! Hail! OMG! Si Ice nakakuha sayo? I knew it! May gusto yun sayo! Sabi ko na nga ba eh. Dito mo makikita ang right guy for you." *insert Freeza's dreamy face here*
"There's 'no-meeting-the-right-guy' happening here, Freeze. Just plain stupidity!"- I said coldly as I walked pass her.
Nagmartsa ako papalabas ng Dome. Nakakainis narin kasi ang flashes ng camera. Ano ako? Artista? Duh? Binili lang sa isang auction, dadagsain na ng mga tao?
"Wait Hail! Antayin mo naman ako. Bilis mo talaga maglakad kahit kailan." - *insert Freeza's famous duck pout here*
"Makupad ka lang." - matipid na sabi ko.
"In case you haven't noticed, I'm wearing a 3.5-inch heels."- sabi niya at tumigil pa sa harapan ko na nakapameywang.
"Eh sino ba naman kasi may sabi sayong yan ang suotin mo?" - pagtataray ko nang makita ko ang kulay pink niyang heels na medyo may kataasan nga ang takong.
"Ehhhhh! Bago kasi to! Padala ni Mommy!"-sabi niyang parang bata.
"So pag bago? Dapat suotin agad? Tsaka hanggang ngayon ba ang tingin sayo ng Mommy mo ay makukuha ka lang sa materyal na bagay? Wala ba silang planong umuwi?"- walang pigil-pigil na sabi ko. Medyo nainis narin kadi ako sa pagreklamo niya sakin na mabilis daw akong maglakad. Kasalanan niya yang nag-heels siya!
YOU ARE READING
FROZEN: A Daragon Lovestory
Teen FictionDATE STARTED : January 18, 2014 DATE FINISHED : MAY 17, 2014