FROZEN || Ch.08

3.8K 94 18
                                    

This chapter is now the edited version.

Follow me on twitter: @ChaiiYanEh

On Facebook: ChachiKawaii WP or Novey Jane Dayot

--

FROZEN || Ch.08

- MELT DOWN (PART II) -

Hailey's POV

2 weeks had passed. 2 weeks nang intact ang contract. May 1 and a half month pang natitira. Makakaya ko pa ba 'to?

Para sa mga bata, Hailey. Isipin mo lang na para sa mga bata yan. Isipin mong kahit mahirapan ka at posibleng masaktan, gagawin mo lamang yun para sa beneficiaries. Isipin mong makakatulong ka in the simplest way.

Indahin mo ang pangungutya. Indahin mo ang masasakit na salitang matatanggap mo galing sa kanila. Galing kay Yuki. After one and a half month, matatapos narin yan.

Ikaw ang Ice Queen, wala kang pakialam sa kanila. Wala kang ibang mararamdaman kundi coldness. Matapang ka. Walang inuurungan. Kaya mo yan. Huwag kang papatalo sa kanila. Kayanin mo.

Yan. Yan ang mga salitang pilit kong tinatatak sa utak ko ngayong umaga.

Bakit?

Dahil nakakatanggap ako ng frequent na pangungutya galing sa mga taga-hanga ni Epal. Verbally. And written. Sa CR, may mga nakalagay doon na oportunista daw ako. Na feeling ko naman daw sinong maganda ako dahil lang sa si Epal ang nakakasama ko palagi.

Hindi ko na lang pinapansin. Hindi ko naman yun ikayayaman. Hindi ko naman yun ikagaganda. Hanggang salita lang naman sila. At kung umabot man sa punto na, physically na ihaharrass nila ako, nakahanda naman akong lumaban.

I won't show them any sign of weakness. Not again. Yung beses lang na kinampihan ni Epal si Yuki, yun lang yun. Ayoko nang ipakita na mahina ako. Ayoko nang makakita sila ng kahinaan para lang gawing panama sakin.

Hindi na ako makakapayag. At huwag na huwag lang din nilang idamay dito si Freeza. Kundi magkakaalaman kami.

Sinukbit ko ang bagpack ko, at pumunta sa Mommy ko na ngayon ay naghahanda narin para pumasok sa trabaho.

"Baon ko?" - pamungad ko kaagad sa kanya nang makita ko siya sa sala.

Inabutan niya ako ng pera.

"Mom, why won't you just open an account for me again? Like  my ATM or credit card?" - tanong ko sa kanya.

Simula nung mag-second year high school ako, hingi ng baon na talaga ang ginagawa ko. Mag-isa lang din kasi si Mommy na sumusustento sakin. Kaya nilimitahan na ang hawak kong pera. Dahil narin sa hinayupak kong tatay na hindi na ako sinusustentuhan. Naroon na siguro sa kabit niya lahat!

"Ayoko, Winter. Ayokong ibalik ang ATM or ang credit card mo." - sabi ni Mommy na nababahiran ng lungkot ang boses.

"Pero bakit ba Mommy?! Dati naman meron ako ah?" - medyo inis na sabi ko.

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng gamit niya sa bag niya.

"Ano ba, Mommy?! Ba't hindi ka sumasagot?" - inis na talaga sabi ko.

"Dahil.. Dahil sa paghingi mo ng baon sakin sa araw-araw, nakakausap kita. No. Nakakausap mo ulit ko. Naririnig ko ulit ang boses mo. Nakakausap ko ulit ang baby ko." - sabi ni Mommy habang nagbabadya ang pagtulo ng mga luha niya.

Something jolted inside me. Something unknown. Something I just can't seem to explain.

"I-I just want my baby back. I want you back, Winter." - mahinang sabi ni Mommy. My guess, ayaw niyang iparinig sakin yun.

FROZEN: A Daragon LovestoryWhere stories live. Discover now