FROZEN || Ch.12

3.4K 84 12
                                    

FROZEN || Ch.12

Dark Ice

Ice's POV

"Yes. Your Mom left me for that bastard!" - Dad said in deep horror. I can see his mad face although he's not looking at me.

But what I heard stiffened me. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko lubos maisip na may gusto ako sa anak ng kirido ni Mommy. Na all this time, nasa harap ko lang ang makakasagot sa matagal ko nang tinatanong kay Daddy.

"Do you know him?" - Daddy asked as he looked at me.

"Not him. His daughter." - I answered bluntly.

***

Hailey's POV

Pumasok na ako sa bahay na bitbit ang box ng Ube Cake na ibibigay ko kay Mommy.

I've decided. I'll do the right thing this time. My Mom doesn't deserve to feel any more pain. I'm her daughter and all we have now, is each other.

Nakasalubong ko ang katulong namin na may bitbit na tray ng pagkain na hindi man lang nabawasan.

"Para kanino yan?" - tanong ko sa katulong.

"Para po sana kay Ma'am Crystal kaso ayaw daw niyang kumain eh. Hindi rin po siya pumasok kanina.." - sagot niya.

Napabuntong-hininga ako. The thing I feared is slowly happening  And noone's to be blamed now but me. All because of me.

"Pakidala na lang niyan sa kusina. At maghanda kayo para sa hapunan." - utos ko sa katulong.

Dumiretso ako sa kwarto ni Mommy. Kakatok sana ako pero nakita kong nakaawang ang pinto. Binuksan ko iyon at pumasok na.

Pero pagpasok ko, wala naman doon si Mommy. Sumilip ako sa banyo, pero wala rin siya doon.

Napaisip ako. I think I know where she is.

Tinungo ko ang terrace. At hindi nga ako nagkakamaling dito ko siya matatagpuan.

Lumapit ako sa kanya.

"Hi." - bati ko sa kanya.

Nahihiya akong kausapin siya. Pero kailangan na talaga. Ayokong madagdagan ang gap sa pagitan naming dalawa. Nanay ko siya, kaya dapat manatili ang relasyon namin bilang nanay at anak.

"Hey." - bati din niya sakin.

Naghari ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa. Ang tanging maririnig mo ay ang lagaslas ng mga dahon sa puno. Mga kulisap na tanging sa gabi mo lang maririnig. At ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Today was supposed to be our anniversary." - malungkot na sabi ni Mommy.

Napatingin ako sa kanya. At nakita ko ang pagkislap ng mumunting butil ng luha na pumapatak galing sa mga mata niya na hanggang ngayon ay mugto parin.

Muling bumangon ang sakit na pilit kong ibinabaon sa limot. Muling nanumbalik ang sakit na dulot ng pag-iwan samin ni Daddy.

And just like a waterball that's been popped, I bursted out.

"Mom, I'm so sorry. I've been a bad daughter. I've been so horrible to you. I've caused you so much pain. I'm so sorry." - I said in between sobs.

"I thought being so cold shields me from the pain of Dad who left us and Blaze who cheated on me. I thought I can be stronger by then. But I never thought it would hurt you and cause you even more pain." - dagdag ko pa. Pain embodies me, right now. Seeing Mom's expression only adds to the pain I'm feeling.

"I just wanted to escape from the pain. I'm so sorry, Mom." - I bursted with tears.

Niyakap niya ako nang mahigpit and I hugged her back.

FROZEN: A Daragon LovestoryWhere stories live. Discover now