FROZEN || Ch.07

4K 94 14
                                    

This chapter is now the edited version.

Follow me on twitter: @ChaiiYanEh

On Facebook: ChachiKawaii WP or Novey Jane Dayot

--

FROZEN || Ch.07

Melt Down

Hailey's POV

(Monday)

Gettin' ready for school. Grabe. Nakakapagod yung weekend ko. Ginawa akong alila ng bwisit na Epal na yun. Sinundo ako sa bahay ng bandang 7AM, pinagpaalam ako sa Mommy ko na may pupuntahan daw kaming dalawa na importante. Tuluyang nawalan ako ng freedom na makapagsarili sa bahay dahil nga sa kaniya. Magkasama kami kahit weekend.

Oo, tama kayo ng basa. Sabado tsaka Linggo, nagkita kami. Naalala niyo nung Sabado, pumunta kami ng Bahay-Ampunan. Kahapon naman, pumunta kami ng Home for the Aged.

Na-engkwentro ko ang makakalimutin at mainipin na mga matatanda. Karamihan sa kanila mga iniwan ng mga anak. Yung iba naman mga byudo at byuda na. Nakakaawa nga sila eh. May mga anak naman sila, pero hindi naman sila magawang alagaan.

Mainipin man sila, alam ko namang dala na yun ng katandaan.

Ganun din kasi sina Mama, yung nanay ng nanay ko. Mainipin yun. Tsaka ang taray. Andun siya ngayon sa Hong Kong eh. Dun sila nakatira.

Anyways, bumaba na ako at pumunta sa dining room para makapag-almusal na.

"Oh baby, andito ka na pala. Kumain ka na." – yaya ni Mommy na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo.

"Wala ata si Epal?" – sabi ko sabay upo sa usual place ko at nagsimulang kumuha ng bacon tsaka rice.

"Sinong Epal?" – nagtatakang tanong ni Mommy at ibinaba pa ang diyaryong hawak hawak niya. Matamang nakatingin lang siya sakin at naghihintay ng kasagutan.

"Ahh. Wala." – matipid na sagot ko sa kanya at nagsimula nang kumain. Tss. Ano bang nangyayari sakin ngayon? Ba't ko ba siya hinanap? Oh well, nanibago lang siguro ako dahil wala siya. At walang nambwibwisit sa ganitong kaaga.

Pabor nga sa’kin ‘yun. Para naman kahit papano, masimulan ang araw ko ng maganda. Nakakasawa narin kasing araw araw akong naiimbyerna kapag ka andiyan siya sa paligid. Yung tipong, you’re looking forward for a quiet and peaceful day, but turns out to be one of those ill times wherein you’re stuck with your most unwanted person in the world, or the universe even.

I scraped off that thought. I should grasp this moment of solitude and not worry about when those nasty little angry veins would pop out.

Pagkatapos kong kumain at mabigyan ng baon, nagpaalam na ako sa Mommy ko.

"Una na ko." - walang kabuhay-buhay na paalam ko sa kanya.

"Ingat ka ha. Tsaka pag hinatid ka ni Icekiel mamaya, imbitahin mong dito na maghapunan." – sabi ni Mommy.

Humarap ako sa kanya at nakita ko ang nakangiting mukha niya. Nagpanting kasi ang tenga ko nang marinig ko ang sabi niyang imbitahin ko daw yung bwisit na lalaking yun na dito na maghapunan.

"Mom, ba't ba gustong gusto mo yung lalaking yun? Eh walang ibang ginawa yun kundi ang bwisitin ako eh." - inis na sabi ko sa kanya. Hindi ko kasi talaga kayang intindihin kung paanong ang gaan-gaan ng loob ni Mommy sa lalaking yun. Gayung hindi pa naman sila katagalang magkakilala. Baka masyadong feeling close lang yung Epal na yun. O baka nagamitan niya ng charm niya si Mommy. Urgh!

FROZEN: A Daragon LovestoryWhere stories live. Discover now