FROZEN || Ch.05

4.8K 108 23
                                    

This chapter is now the edited version.

Follow me on twitter: @ChaiiYanEh

On Facebook: ChachiKawaii WP or Novey Jane Dayot

--

FROZEN || Ch.05

- DEVELOPING ICEBERG -

Hailey's POV

(Kinabukasan)

Bumaba na ako kasi ready na ako for school. Isang simpleng white shirt, skinny jeans na black and white converse lang ang suot ko. Simula nung maging Ice Queen ako, hindi na ako naging mahilig sa makulay na damit. Ewan ko nga. Nakikiayon siguro sa mood ko. Mas na-a-appreciate ko na ang mga kulay na black, white and gray.

Nakapag-almusal na ako. Mapilit kasi talaga ang nanay ko. Eh tsaka gutom narin ako dahil nga nakatulog pala ako kagabi. Pinagod ako ng husto ng bwisit na Epal na yun. Nambubwisit na nga, ang kapal pang pagurin ako. Samantalang siya, walang ibang ginawa kundi ang pahirapan ako.

"Mom, una--" - naputol ang sasabihin ko dahil nakita ko si Mommy na may kausap sa sala. Isang lalaki na naging dahilan para mainis ako at kumulo ang dugo ko. Huwag niyang sabihing, sa ganito kaaga, required na siyang mambwisit? Hindi pa nagkakape ang demonyo oy! Naghunos dili ka naman.

Napatingin naman sila sakin. At agad napatayo.

"Oh Hi there baby. I was just having a little chat with this handsome guy over here. Why didn't you tell me na manliligaw mo pala siya?" - sabi ni Mommy na nakangiti pa talaga.

Manliligaw? Sinabi niyang manliligaw ko siya? Eh kung sapakin ko kaya siya ngayon! Ang kapal ng apog huh! Tinitigan ko nang masama si Epal. Ngumisi naman siya nang nakakaloko. Fvck! Kung wala lang ang Nanay ko ngayon, kanina pa dumanak ang dugo ng bwisit na lalaking 'to. Ke aga-aga, pambwibwisit kagad ang alam.

Lumapit ako sa kanila.

"Mom, don't dare believe anything he said! Hindi ko siya manliligaw! Asa naman siya!" - pasigaw na sabi ko kay Mommy.

"Naku. Ang anak ko talaga. Nahiya ka pa. Okay lang sakin. Mabait naman siya tsaka matalino pa." - sabi naman ni Mommy na sadyang hinawakan pa ang kamay ko tsaka nilagay ang kamay ko sa kamay ni Epal. Bale, parang nag-hoholding hands kami. Oh My Gosh! I gotta go and sanitize my hand! Urgh!

"Oh sige na. Baka ma-late pa kayong dalawa." - sabi ni Mommy na talagang tinulak-tulak kaming dalawa.

"Sige Tita. Mauna na ho kami." -paalam ni Epal sabay hila sakin.

"Teka nga, bitawan mo nga ako!" - sapilitang inalis ko ang kamay ko.

Lumapit ako kay Mommy.

"Baon ko." - inilahad ko ang kamay ko.

"Ohh yes. I nearly forgot. Here." - inabutan ako ni Mommy ng pera.

"Una na ako." - nasabi ko na lang tsaka tumalikod na at naunang maglakad.

"Mag-iingat kayong dalawa." - rinig kong sabi ni Mommy.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Lumabas na ako ng gate at nag-antay ng tricycle or taxi na palabas ng subdivision. Pero nakita ko naman ang sasakyan ni Epal na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Ang kapal!

FROZEN: A Daragon LovestoryWhere stories live. Discover now