This chapter is now the edited version.
Follow me on twitter: @ChaiiYanEh
On Facebook: ChachiKawaii WP or Novey Jane Dayot
--
FROZEN || Ch.06
- DEVELOPING ICEBERG PART II -
Hailey's POV
(Saturday)
"Blaze, ano ba? Nakikiliti ako!" - nakatawang sabi ko. Eh pano ba naman. Kinikiliti niya ako sa tenga gamit yung balahibo ng manok. Masyado talagang makulit 'tong lalaking 'to. Pero kahit ganun pa man, mahal ko siya. Yiee. Keso.
"Ano ba Blaze?! Tama na sabi eh! Nakikiliti ako!" - dagdag ko pa nang hindi parin siya tumigil sa pangungulit niya.
Kaya hinawakan ko yung kamay niya at pilit na kinukuha yung balahibo ng manok. Itinaas pa niya ang kamay niya. Eh mala-tore pa naman ang height niya. Grabe talaga.
Pero sadyang tuso talaga ang lalaking 'to. Tumakbo siya. Ayoko namang magpatalo at ayokong konsintehin ang ginagawa niya kaya hinabol ko siya.
Ang bilis niyang tumakbo! Eh maano ba namang Football Team Captain yang lalaking yan. Nakakainis nga eh. Napaka-unathletic ko kasi.
Hinabol ko siya nang hinabol. Hanggang sa maabutan ko siya. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nang mahawakan ko na ang laylayan ng damit niya, bigla akong natapilok!
Natumba kami parehas at napasubsob ako sa dibdib niya. Natawa na lang ako sa kalampahan ko. Natawa din siya. Nagkatitigan kaming dalawa. May kung anong enerhiya saking nagtutulak na ibaba ko ang mukha ko sa kaniya. Gayun pa man, sinunod ko ang dikta ng isipan ko.
Ibinaba ko ang mukha ko sa mukha niya. Gapulgada na lang ang layo pero natigil ako. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang nadidistort ang mukha niya!
And to my surprise, napalitan ang mukha niya ng mukha ng lalaking pinakaayaw ko dito sa mundo! Napalitan ito ng mukha ng kanaiinisan kong lalaki na walang ibang ginawa kundi ang bwisitin ako ng bonggang bongga.
"Wake up, Ice Queen."
T-Teka? Ba't parang naririnig ko talaga ang boses ng bwisit na 'to? At nag-eecho pa. Parang totoong totoo na naririnig ko ang boses niya. My God! Bakit sa lahat ng tao, siya pa?
Ipinikit ko ang mga mata ko. At idinilat. Biglang naglaho yung background na Football Field. At napalitan yun ng kwarto ko. Napalitan ng cream-colored wallpaper room ko.
Nagulantang ako! Panaginip lang yun? Yung paghahabulan namin ni Blaze! Yung natapilok ako at napasubsob sa dibdib niya? PANAGINIP LANG YUN?!?!
"So Blaze's the name of that unlucky guy?" - sabi ng pamilyar na boses.
YOU ARE READING
FROZEN: A Daragon Lovestory
Teen FictionDATE STARTED : January 18, 2014 DATE FINISHED : MAY 17, 2014