CHAPTER22;
Nandito na kami sa loob ng mumurahin village na kinatitirikan ng bahay namin. Kasabay ko parin na naglalakad ngayon si Nikko. Can you imagine? 9PM na. Tiningnan ko nga kanina yung cellphone ko, kadaming tawag at texts galing kay Kuya, Tatay at ang pinakamarami ay...
Tentenenen~
Kay Mike. Hahaha.
Kikiligin na sana ako ng makita ko lahat yun eh. Nakalimutan ko, hindi nga pala ako ang gusto non. Hanggang bestfriend lang naman ako eh. Forever and Ever. Hhaayy.
At alam nyo ba yung tinanong sakin ni Nikko na yun? Yung pwede daw bang manligaw? Err. Napasubo yata ako. Mukhang seryoso siya eh. Tsk. Ganito kasi yun...
**
"P-Pwede ba kitang ligawan, Gabriella?" inulit niya ulit yung tanong niya.
At ako? Eto. Laglag panga habang nanlalaki ang mata sa sinabi niya. Speechless. Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Alam niyo yung... Ang awkward? Kasi first time may mag confess sakin at mag ask ng ganitong favor? As in! Wala akong masabi. Nagulat nalang ako ng ngumiti siya sakin at tinulungan akong tumayo mula sa pagkakaupo namin sa gilid ng batis. Isinuot na namin ang mga sapatos namin at nagsimula na kaming maglakad.
"Actually, hindi mo naman kailangang sumagot dahil hindi pala kita dapat tinatanong ng ganun. Hehe. Uhm, basta. Hayaan mo lang akong iprove sayo na totoong gusto kita. Hayaan mo lang ako. Huwag mo akong pigilan ha? Basta, pangako ko sayo. Titigil ako kapag napagod ako. Hayaan mo akong habulin ka. Kapag hindi ko na kaya, titigil na ako. At kapag alam kong hindi ka na masaya sa ginagawa ko." huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa mga mata ko.
"Hayaan mo lang akong maging masaya sa tuwing kasama kita. Hayaan mong maging masaya ka dahil sa akin. Hayaan mong mapasaya kita." dagdag pa niya.
Alam niyo yung kilig? Eto yun eh! wwaahh! Emegesh~ water please... water... Ang haba ng hairlalush ko. Tsk. Naging bakla naman ako ngayon. Pero kahit na hindi ako sumagot sa sinabi niya ng kahit na isang salita lang, ngumiti nalang ako sa kanya. Alam niyo yung ngiting... nagpalawak ng ngiti niya? Yun yon eh. Nagulat nalang ako, niyakap niya ako bigla. **
Kiligness Overload. Anu daw? Hahaha! Nang makalabas kami sa forest na 'yun gamit ang bike na nirentahan niya, kumain kami sa isang fastfood chain. Sa Super Chow. Alam niyo ba yun? Yung sa plato mismo niluluto yung pagkain? Sobrang sarap ng pagkain dun. Favorite ko nga 'yon eh.
Nandito na kami sa tapat bahay namin. Nakapatay lahat ng ilaw sa loob. Dilim dito sa labas eh. Tsk.
"Uhm, s-salamat, Nikko. Nag enjoy ako." sabi ko ng nakangiti. Pinat niya yung ulo ko at ngumiti rin sakin.
"Wala 'yun. Anything for the girl I admire." sabi niya. Shocks. Totoo na 'to. Babaeng babae na ako! Dejks. Tsk.
"Uhm, pasok ka muna?" sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko tapos inilayo ako kay Nikko. Paglingon ko...
Si Mike.
"Wow, pre. Muntik mo nang hindi isoli yung Prinsesa namin ha?" sabi ni Mike na mejo naiinis kay Nikko.
"Ano ba Mike? Tumigil ka nga jan. Nagpaalam naman ako eh." sabi ko. Humigpit yung hawak niya sa braso ko. Mejo nasasaktan na nga ako eh. Pero tinitiis ko.
"Kahit na. Babae ka parin, Gab. Uuwi ka ng ganitong oras? Ano iisipin ng ibang tao sayo? Na hindi ka pinalaki ng maayos ng Tatay at Kuya mo?" mejo pagalit na sabi ni Mike. Inirapan ko nalang siya at tumingin kay Nikko.
BINABASA MO ANG
His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)
HumorEditing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)