CHAPTER27

5.6K 172 14
                                    

CHAPTER27;

 

"I like you, Gab. Really. Can I court you?" mga salitang binitiwan ni Aaron para sakin habang nagsasayaw kami.

Alam niyo yung... Ang landi ng hair ko? Kasi ang haba? Tapos, kahit kiligin ako, hindi ko kaya at hindi ko magawa kasi, yung mga salitang 'yan, gusto ko lang marinig galing sa bibig ng taong totoong mahal ko.

"L-Ligaw? N-Nagbibiro ka ba?" nauutal kong sabi sa kanya. Ngumiti siya sakin at umiling.

"Of course not. Seryoso ako." sabi niya. Sinimangutan ko siya. Ang kaninang nakangiti niyang labi ay naglaho narin at napalitan ng lungkot.

"Aaron..." panimula ko. Hindi ko alam kung paano itutuloy 'to. Paano ba mambusted ng gwapo? Huhuhu.

"Okay lang, Gab. Sabihin mo lang. Handa ako sa mga maririnig ko." nakangiti niyang sabi. Pero dama ko yung lungkot niya.

"Aaron... I'm sorry. Hindi ko deserve 'yan. Hindi naman ako maganda eh. Hindi rin ako mabait. At lalong hindi ako matalino. Hindi ko deserve ang isang tulad mo." sabi ko sa kanya. Pero bakit ngumiti siya sakin? Pero saglit lang 'yung ngiting 'yon. Wala pa yatang 3 seconds.

"Hindi naman 'yun ang basehan para magustuhan ka ng isang tao, Gab. Hindi naman kailangang maging maganda, mabait at matalino para magustuhan ka nila. Gusto kita. Kasi matapang ka." sabi niya.

'Gusto kita. Kasi matapang ka.'

 

Matapang nga ba ako? Mukhang nagkamali yata sila ng pagkakakilala sakin. Kasi, hindi naman talaga ako matapang eh. Siguro, nakikita nila na lumalaban ako kapag sa awayan at akala nila, wala akong kinatatakutan. Pero mali. Hindi ako matapang. Natatakot nga ako eh.

Natatakot akong dumating ang araw na tuluyan ng mawala sakin si Mike dahil kay Faith...

"Kahit na, Aaron. Sorry, pero ayoko. Sorry. Ayokong sabihin sayo 'to. Pero hindi mo talaga ako deserve eh. Kapag pumayag ako, sasaktan lang kita. Pagmumukhain lang kitang tanga. Madami pa namang ibang babae jan na higit pa kesa sakin eh. Alam ko, na may isang babae pa jan na kaya kang mahalin tulad ng pagmamahal na ibibigay mo sa kanila. Sorry, Aaron. Pero hindi kasi ako yung babae na 'yun eh. Hindi ako 'yun. Hindi ko kayang ibalik sayo 'yung pagmamahal na ibibigay mo sakin. I'm sorry." naiiyak na ako sa mga sinasabi ko. Nasasaktan ako kasi nakikita ko, nasasaktan ko siya. Bakit ba ang ganda ko? Huhuhu. </3

Nakita kong ngumiti siya sakin ng malungkot tapos niyakap ako. Niyakap niya ako habang sumasayaw kami. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ang tagal na niyang gustong gawin 'to.

"Bakit ganun? Kahit na handa naman ako sa mga sasabihin mo, bakit... Ang sakit parin? Bakit ganun? Akala ko, pinaka masakit na para sakin 'yung nireject mo yung pag aaya ko ng sayaw sayo nung Christmas Ball. Pero bakit parang... Mas masakit 'to?" ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Ang sama sama kong tao. Sinasaktan ko sila. Hhaayy.

"I'm sorry, Aaron." 'yan lang ang alam kong sabihin ngayon. Hindi ko alam ang mga sasabihin ko. Naubusan na ako.

"Wag kang mag sorry. Okay lang. Salamat, Gabby." sabi niya.

Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na strapless ang gown ko? At ang sexy niya isuot? At dahil nga mejo walang saplot ang likod ko, may naramdaman akong pumatak sa likod ko. Teka... Umuulan ba? Pero nasa loob kami ng auditorium. Imposible naman 'yun.

"Bakit ka nagpapasalamat?" tanong ko naman sa kanya. At nung narinig ko na suminghot siya, doon ko lang napagtanto...

Umiiyak na pala si Aaron...

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon