CHAPTER35

5K 154 16
                                    

CHAPTER35;



Ilang linggo na ang nakaraan simula ng mag umpisa ang pasukan. Hay nako. Umpisa palang, hirap na hirap na ako. Paano ba naman kasi?! Architect?! Ano bang alam ko jan? Hindi naman kasi talaga 'yan ang gusto ko eh. Gusto kong mag Business. Pero dahil Architect ang gusto ni Mike, gusto ko na rin 'yun.

Naglalakad na ako pauwi dahil sabi ko, masama ang pakiramdam ko kahit hindi. Sinabi kolang 'yon dahil gusto kong mag cutting at tinatamad na akong pumasok. Papalabas na ako ng campus nang may narinig na naman akong mga pamilyar na boses.

"Ano na naman ba 'to, Faith? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko? Na hindi ako payag." kalmadong sabi ng lalaki.

Gusto niyo bang malaman kung sino 'yung dalawang taong 'to? Si Faith at Gerald. Lihim akong nanonood sa kanilang dalawa kaya alam kong sila 'yun.

"Pwede ba, Gerald? Hindi na kita mahal. Tama na. Ayoko na. Ang tagal ko nang sinabi sayo 'to. Pero bakit ayaw mong pumayag na maghiwalay na tayo? Hindi na magwowork ang relationship natin kapag pinagpatuloy natin 'to. Tama na. Pakawalan mo na ako, Gerald. Ayoko na." sabi ni Faith. Nakatalikod siya sakin. Si Gerald lang ang nakaharap sakin pero hindi niya ako nakikita. Ang sama talaga ng ugali ng Faith na'to. Tsk.

"Ayoko Faith. Mahal kita. Mahal mo ako. Hindi tayo maghihiwalay." giit ni Gerald.

"Gerald, please. Let go. Ayoko na. Ang tagal ko na 'tong sinabi sayo eh. Ayoko na. Maghiwalay na tayo." matigas na sabi ni Faith.

Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa ni Gerald. Hinalikan niya si Faith! What The--?!! Ano ba 'tong dalawa na 'to? Ang PDA ha?

Nakakadiri. Tss.

"Ano ba, Gerald?!" sigaw ni Faith dito.

"Hindi tayo pwedeng maghiwalay, Faith. Ayoko. Hindi ako papayag." sabi ni Gerald.

"Wala na akong pakialam kung payag ka man o hindi. Basta ayoko na. Tapos na tayo." walang emosyon na sabi ni Faith.

Hindi ko akalain na ganitong klaseng babae ang minahal ni Mike. Alam niyo bang hindi na kami tulad ng dati ni Mike? Palagi nalang siyang may pinupuntahan. At alam ko naman na si Faith yung pinupuntahan niya. Hindi nalang ako kumikibo. Basta. Hindi na kami tulad ng dati. Hindi na rin kami gaanong nag uusap. Well, nag uusap pa naman. Di lang tulad ng dati.

"Ano ba, Faith?! Bakit mo ba ginagawa sakin 'to?! Si Mike ba? Ha?! Si Mike ba ang dahilan kung bakit mo ako hinihiwalayan?" galit na sabi ni Gerald. Nakita ko rin na may tumulong luha mula sa mga mata niya.

"Oo, Gerald. Mahal ko na si Mike. Dati pa. Nagmamahalan kami. Mahal ko si Mike kaya ayoko na, Gerald. Break na tayo." pagkasabi niya niyan, napahawak ako sa dibdib ko.

Ang sakit. Ang sakit ng naramdaman ko nang marinig ko 'yan. Naiiyak ako. Pero pinipigilan ko.

Bakas naman ang gulat sa mukha ni Gerald nang sinabi ni Faith 'yon. Tinalikuran na siya nito at naglakad na palayo. Nagulat ako ng biglang niyakap ni Gerald si Faith mula sa likod niya.

"No, Faith. No. You can't just leave me. Please, Faith. I love you. Don't leave me. I'm begging you." pagmamakaawa ni Gerald habang umiiyak at yakap yakap si Faith mula sa likod. Nakita ko rin na tumulo na ang luha ni Faith.

"Gerald..." panimulang sabi ni Faith.

"Faith please..." pagmamakaawa ulit ni Gerald. Tinanggal ni Faith ang pagkakayakap ng mga braso ni Gerald sa kanya at nagsalita.

"Ayoko na. Break na talaga tayo."

Pagkasabi niya niyan ay naglakad na siya palayo. Si Gerald naman ay napaluhod nalang sa sahig at umiyak ng umiyak. Hindi ako makapaniwala sa mga napanood ko ngayon ngayon lang kaya hindi agad ako makakilos dito. Nagulat nalang ako nang makita ko si Faith na nakatingin sakin.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon