CHAPTER47;
"Bakit, Gab? Ano problema natin?" tanong sakin ni Yves ng pumasok ako sa bahay niya. Tunext ko na rin si Aubrey na pumunta nalang siya dito kesa dumiretso sa bahay namin. Humiga ako sa couch. Binato ko siya ng isang libo.
"Ibili mo lahat ng alak 'yan. Mag iinuman tayo ni Aubrey." sabi ko at ipinikit ang mata ko.
"Kulang 'to!" reklamo niya pa. Nagmulat ako ng mata at tiningnan siya ng masama. Dumukot ulit ako ng isang lubo sa bulsa ko at binato ulit sa kaya.
"Yooon!" masayang sabi niya bago lumabas ng bahay.
Gagong 'yun. If I know, mangungupit lang 'yon eh. Pustahan. Kaya 500 dun. 'Yung 1500 lang ipambibili ng alak non. Narinig ko ng umandar 'yung kotse niya kaya alam kong nakaalis na siya. Nakakainggit sila. Buti pa sila may kotse.
Ipinikit ko na ulit ang mata ko. Muling bumalik sakin lahat ng sinabi ni Mike ng magkausap kami kanina sa bakanteng lote. Hindi ako umuwi pagkagaling ko doon. Dumiretso ako sa sakayan ng jeep at nagpahatid dito. Namiss ko rin naman ang taong 'to. Ang tagal hindi nagparamdam dahil palaging kasama si Aubrey. Pasalamat sila sakin dahil ang gago ko nung high school kaya ko nagawa sa kanya 'yun.
"Gabby!" narinig kong tili ng matinis na boses mula sa pintuan kaya automatic na napadilat ako. Naramdaman ko agad ang mahigpit na yakap niya sakin. Napangiti nalang ako dahil nakalimutan ko, hindi parin pa pala ako iniiwan nitong si Aubrey. Kumalas siya sa yakap.
"Kamusta ka na? OMG! Ang ganda mo na!" bati niya sakin nang makita na medyo nag aayos na ako.
"Yeah. Thank to you, Aubrey." biro ko sa kanya. Umirap naman siya sakin.
"Hindi ako tumatanggap ng thank you! Gusto kong magkwento ka sakin! Anong sinasabi ng kapatid ko na kayo na daw?! Kamusta na kayo ni Mike?! Si Nikko ba nililigawan ka parin hanggang ngayon?!" sunod sunod na tanong niya sakin. Ngumiti ako sa kanya ng mapakla.
"Wag ka ngang naniniwala sa kapatid mo. Hindi kami. Ni hindi ko nga mahal ang taong 'yun eh. Makapal lang talaga ang mukha ng Kuya mo." sabi ko. Natawa siya doon. Totoo naman eh. Kanina pa nga pala nakaalis si Yves. Masyado lang akong nalamon ng pag iisip ko.
"Siguro tinamaan talaga 'yun. Alam mo ba na nung naglasing ka sa bar, ginising pa ako nun para lang bihisan ka?! May galang talaga sayo 'yun. Mahal ka ng Kuya ko, Gab. Pasalamat siya sayo nakamove on na siya kay Faith." sabi niya.
"Walang galang 'yon. Bastos ang Kuya mo. Alam mo bang palagi nalang nun inaangkin ang labi ko? Nakakadiri kaya. Gustong gusto ko nang ibaon sa ilalim ng lupa eh. Kung makahalik, akala yata girlfriend niya ako! Shit lang. Over my dead and sexy hot body, hindi mangyayari 'yon!" sabi ko naman sa kanya. Tumawa na naman siya.
"Sira. Ganun lang talaga 'yun. Ganun niya lang talaga ine-express ang pagmamahal niya sa isang tao. Ganun din siya dati kay Faith eh." sabi naman niya. Napatahimik naman ako ng marinig ko ang pangalan ng animal na babaeng 'yun.
"Uhm... So... Ano na nangyari sa inyo ni Nikko? Si Mike kamusta na?" dagdag pa niya ng mapansin na matahimik ako dahil sa sinabi niya. Ngumiti ulit ako sa kanya ng mapakla.
"Si Nikko? Tss." tumawa ako ng peke. "Wala na. Iniwan na niya ako. May pamahal mahal pa siyang sinasabi, iiwan niya rin pala ako sa huli." sabi ko. Nawala naman ang pekeng ngisi ko sa labi ng sinagot ko ang pangalawang tanong niya. Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagsasalita.
"Iniwan na rin ako ni Mike. Nag usap kami kanina. Ang gago. Matagal na rin pala niyang alam na may nararamdaman ako sa kanya. Hindi pa sinabi sakin." pagkasabi ko niyan, tumulo ng mabilis ang luha ko na mabilis ko namang pinunasan.
BINABASA MO ANG
His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)
HumorEditing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)