Dear Heart,
Hindi ako makapag-comment sa story mo. Dito nalang. Nagloloko kasi app ko e.
Here goes, nabasa ko kasi 'yung author's note mo sa isang chapter. 'Yung mahaba na message mo para sa'min.
'Yung niaaway ka namin? XD Just to show support para sa'kin 'yun, para mapakita naman supporta namin sa story mo. ♡
Thank you. Thank you talaga. 'Yung punta ka pang computer shop para lang makapag-update para sa'min kasi hingi kami ng hingi. Salamat, author. Para sa'kin, ikaw ang nagpatunay na kahit hindi kasikatan ang isang writer, p'wede paring kulitin ng readers at maganda talaga ang story mo, promise.
Thank you rin, dahil syempre kung hindi dahil sa'yo, hindi mabubuhay si Gabby Manlapaz at Mike. Sila Faith, Nikko at si Gerard ( na labs na labs ko ).
Thank you dahil na-inspire mo kami. Sobra. Napaiyak, Napakakilig at napatawa mo kami sa story mo, promise.
Kaya 2 words, Update na! Haha. Joke lang.
2 words: Thank you.
From one of your dearest reader,Angel Cruz / Heart
**
salamat dito sa post mo sa Dummy Account ko, Heart. :">
--x
CHAPTER44;
Ilang buwan na ang nakaraan simula nun. Malapit na ang finals. Sila nagrereview, ako walang ginagawa kundi tumunganga. Ayoko nito eh. Ayoko ng course ko. Hindi ito ang forte ko. Sinabi ko naman diba na kaya lang architect ang kinuha ko, dahil kay Mike? Dahil gusto ko lagi ko siyang kasama? Kaso, ayoko na eh. Tinatamad na akong mag aral. Ayoko nito eh. Ayoko ng course nito.
Hindi ko na madalas kasama si Mike. Pinagpalit niya na ako sa girlfriend niya. Ang sabi niya, hindi niya ako iiwan. Ang sabi niya, ako lang ang Prinsesa niya. Sinungaling. Ngayon palang, wala na akong aasahan sa lahat ng sinabi niya. Puro salita. Puro pangako. Akala ko, ako lang talaga eh. Umasa ako. Kasi nangako siya sakin. Bata palang kami, pinangako na niya sakin 'yun. Pero anong nangyari ngayon?
"Gab. Tapos na 'yung finals ha? Sama ka samin. Tutal wala na naman 'yung bestfriend mo eh." sabi sakin ng kaklase ko na si Lissy.
"Saan ba?" tanong ko.
"Magbabar kami mamaya. Sunduin ka namin mamayang 8PM ha?" sagot niya sakin.
"Sino sino kasama mo?" tanong ko ulit. Naglalakad na kami palabas ng campus kasama 'yung circle of friends niya.
"Kami." tinuro niya 'yung mga barkada niya. "Tsaka mga boyfriends nila at mga kabarkada ng boyfriends nila." sabi niya.
"Sure." nakangiti kong sabi sa kanila at sumakay na kami ng jeep pauwi.
Sila ang nakasama ko nung mga panahong si Faith at Mike na ang madalas na magkasama. Simula nung tuluyan na akong iniwan ni Mike. Simula nung pinako niya ang mga pangako niya sakin. Hindi nila ako hinayaang mag isa. Hindi nila pinaramdam sakin na mag isa ako at iniwan ako ng mga taong mahalaga sakin. Ito ang unang beses na sasama ako sa kanilang magbar. Ewan ko ba. Di ko kasi naisip 'yung mga bagay na 'yan dati. Nakatuon ang isip ko sa bagay kung paano ko papaghiwalayin si Mike at Faith. 'Yan nalang ang gusto kong mangyari ngayon. Nawala na rin nga sa isip ko 'yung bahay at lupa na bibilhin ko eh. Pero nag iipon parin naman ako. Naibenta ko na lahat ng gadgets ko. Nakaipon na rin ako ng mahigit 50 thousand dahil sa pinagbentahan nun at 'yung iba ay pera ko. Naka save na 'yun sa bank account ko. Hindi na nga nadagdagan kasi nga nakalimutan ko na diba? Ang isip ko palaging nakatuon sa misyon ko:
Mission Impossible: Mike and Faith's Break up.
Hahaha. Corny no? Actually, hindi naman siya Mission Impossible. Mission Possible 'yan para sakin kasi alam ko, mapaghihiwalay ko rin sila. 'Yan nalang ang natitirang plano ko sa buhay ko simula ng iniwan na nila ako. Bear with me. Nasasaktan na kasi ako. Nawala na sakin si Nikko, na isa sa pinaka importanteng tao sakin, nawala na rin 'yung taong pinaka mamahal ko.
BINABASA MO ANG
His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)
HumorEditing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)