CHAPTER40

4.7K 148 19
                                    

CHAPTER40;



Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si Mike na nasa labas ng bahay nila at may hawak na cellphone. Para bang depress na depress. Tss. Nang nakita naman niya ako, agad siyang pumunta sakin. Iginarahe ko kaagad 'yung bike ko at pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko naman ang galit na mukha ni Tatay at Kuya.

"Ano ba naman, Gabby! Saan ka na naman ba galing?!" sigaw sakin ni Kuya.

"Wala. May pinuntahan lang." sabi ko at dumiretso sa kwarto ko.

Kinuha ko lahat ng gadgets ko pati ibang gamit ko na pwedeng ibenta. Inilagay ko lahat sa kahon. Nakita ko naman na nandoon sila Mike, Tatay at Kuya na halatang nagtataka sa ginagawa ko.

"Ano ba 'yang ginagawa mo, Gab?" sabi sakin ni Tatay.

"Magbebenta ako ng gamit." simple kong sagot.

"Bakit? Kailangan mo ba ng pera? Sabihin mo lang sakin. Papahiramin kita." sabi sakin ni Mike.

"Oo nga. Ano ba bibilhin mo at magkano ba kailangan mo?" sabi ni Kuya. Tumingin ako sa kanila ng walang emosyon.

"Bibili ako ng bahay at lupa. 6 million ang kailangan ko. Bakit? Kaya niyo ba akong bigyan ng anim na milyon?" tanong ko sa kanila ng walang emosyon. Tumawa naman si Kuya.

"Hahaha! Gago. Ano na naman ba 'yan, Gabby?! 'Yung isang buong araw na wala ka, ibig sabihin, naghahanap ka lang ng bahay at lupa?! Hahahahaha!" sabi naman ni Kuya na tawa ng tawa. Natawa na rin si Tatay at Mike. Tiningnan ko sila ng walang emosyon.

"Hindi ako nagbibiro dito. Seryoso ako." sabi ko. Huminto naman sila sa pagtawa. "Lumabas na kayo kung wala naman kayong sasabihing maganda. Nakakaistorbo lang kayo." dagdag ko pa at pinagpatuloy ang paghahanap ng mga gamit na pwedeng ibenta. Lumapit sakin si Tatay.

"Anak. Seryoso ka ba talaga dyan? Hindi ka ba talaga nagbibiro?" tanong pa ni Tatay.

"Tay, hindi ako nagbibiro. Seryoso ako. Ibebenta ko lahat ng gamit ko dito. Magtratrabaho ako para lang makaipon ako ng anim na milyon para mabili ko ang bahay at lupa na 'yun." sabi ko pa.

"Anak..."

"Tay, lumabas na kayo." sabi ko pa. Bumuntong hininga si Tatay bago lumabas ng kwarto ko. Ako naman, ipinagpatuloy ko na ang paghahanap ng gamit na pwedeng ibenta para makaipon ng pera.

"Gab."

Nagulat ako ng may magsalita dahil hindi ko namalayan na nandito pa pala si Mike. Masyado akong busy sa paghahanap ng mga gamit. Lumapit siya sakin.

"Sabi ko diba, lumabas muna kayo?" sabi ko sa kanya. Pero di niya ako pinakinggan.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong niya. Napairap nalang ako at hindi na siya pinansin.

"Gab, ano bang nangyari kanina? Bakit ka umalis? Bakit ka nagalit samin ni Faith? Akala ko ba okay na?" tanong niya. Nakaupo siya sa bed ko. Huminto ako sa ginagawa ko pero hindi ko parin siya nililingon.

"Sa tingin mo, okay lang na mawala ka sakin? Sa tingin mo, okay lang na agawin ka sakin ni Faith? Sa tingin mo, okay lang na itapon mo ang mahigit sampung taon na pinagsamahan natin?" tanong ko ng hindi nakatingins a kanya.

"Gab. Ilang beses ko bang sinabi sayo na kahit magmahal ako, kahit magkagirlfriend ako, hinding hindi ako mawawalan ng oras at atensyon sayo? Kahit kailan, hindi ako mawawala sayo? Sino ba kasi ang nagsabi na basta basta ko nalang itatapon lahat ng pinagsamahan natin?" tanong niya.

"Yun ang ipinaparamdam mo sakin, Mike."

"Hindi, Gab! Yung ang pilit na iniisip mo. Palagi mong iniisip na mawawala ako sayo kahit ang totoo, hindi naman!"

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon