CHAPTER53;
Habang naglalakad ako sa aisle ng simbahan papunta sa dulo nito, nakatingin sakin ang mga taong nandoon. Nakikiramay. Pinapanood ako habang naglalakad papunta sa dulo na akala mo ba, ikinakasal ako. Kahit na nakapambahay lang akong damit, kahit na hindi pa ako naliligo, wala akong pakialam. Gusto kong puntahan si Lola. Gusto kong puntahan ang kauna-unahang tao na nagkwento sakin ng pinaka magandang love story. Alam kong nasa likod ko si Nikko. Sinusundan ako.
Pagkarating ko doon sa puting higaan ng mga taong wala ng buhay, nakita ko ang napaka gandang mukha ni Lola. Nakangiti. Tila ba wala siyang problemang dinadala. Napaka ganda niya. Napaka ganda ni Lola. Tumulo ang luha ko ng mapagtanto na kahit kailan, hindi ko na siya makikita pa. Na kahit kailan, hindi ko na makikita ang taong mayroong pinaka magandang love story. Ngumiti ako sa harap ng kabaong na ito.
"Lola." banggit ko. "Lola Esmeralda." dagdag ko pa. Nakita ko si Titla Mellisa sa tabi ko. Ngumiti siya sakin.
"Maiwan muna kita, iha. Pupuntahan ko lang muna 'yung ibang bisita." sabi niya at ni-tap ang balikat ko. Tumango nalang ako. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Lola.
"Lola, bakit mo kami iniwan?" sabi ko at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
"Sana... Sana pala bumalik ako kaagad sa bahay mo nung huli tayong mag usap. Sana bumalik ako. Sana... Sana hindi ko muna pinairal ang pride ko. Sana... Hindi ko muna inisip 'yung paglayo ko sa apo mo. Sana pinuntahan kita ulit. Kasi... G-Gusto pa kitang makausap." sabi ko. Lalo akong naiyak habang nagsasalita ako.
"Gusto ko pang marinig ang pinaka magandang love story na narinig ko. Gusto ko ulit, lola. Gusto ko ulit." tinakpan ko na ang bibig ko para mahinaan ng kaunti ang pag iyak ko, dahil nahihiya ako sa mga tao dito. Baka sabihin, masyado na akong umiyak.
"Pero paano ko nalang maririnig ulit 'yun? Kung wala ka na? Paano ko nalang maririnig 'yun kung tuluyan mo na kaming iniwan?" hindi ko na napigilan ang mapahagulgol kahit hindi gaanong kalakas. Umiiyak ako ng malakas na malakas sa loob ko.
"Mamimiss kita, Lola." sabi ko at umiyak na ng umiyak.
"Ako rin. Mamimiss ko rin si Lola." napatingin ako sa nagsalita sa kaliwa ko at nakita ko, si Nikko.
Hindi ko magawang ngumiti sa kanya dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na biglaan nalang na mawawala ang isa sa naging parte ng buhay ko. Niyakap ako ni Nikko at doon ay hinayaan akong umiyak ng umiyak sa balikat niya. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa ulo ko.
--x
Habang naglalakad kami ni Nikko sa loob ng subdivision pauwi samin, tahimik lang kami. Madilim na rin. Sabi ng relo ko, 6:48PM na daw. Ayaw ko pa sanang umalis pero kailangan eh.
"Alam mo ba na matagal ka ng gustong makilala ni Lola." napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.
"Bakit?" tanong ko. Humino siya sa paglalakad.
"Matagal ko ng sinabi sa kanya na may babae akong mahal. Babaeng masayahin. Babaeng nakatago ang ganda. Babaeng parang walang iniindang problema. Sinasabi ko sa kanya kung gaano kaganda 'yung ngiting meron 'yung babaeng 'yun. At dahil doon sa mga sinabi ko, gusto ka niyang makita. Gusto ka niyang makilala." huminto siya at bumuntong hininga habang mabagal na naglalakad sa loob ng subdivision. Sinundan ko nalang siya.
"First year high school tayo ng una kitang makita. Dati, parang wala ka lang sakin. Hindi kita napapansin though lagi kitang nakikita. Third year high school tayo nung mahumaling ako sayo. Nakita kita. Nakikipag laban ng arnis sa isang lalaki. Pinanood kita noon. At tuwang tuwa ako habang pinapanood ka. Napaka ganda ng moves mo. 'Yung ibang moves mo sa arnis, hindi tinuro ng coach. Hanggang sa natalo mo 'yung kalaban mo. Yinakap ka pa ni Mike nun. Dun ako unang humanga sayo." huminto ulit siya at humarap sakin.
"Magaganda pa ang ngiti mo noon. Masasaya. Sinabi ko kay Lola na nakita ko na ang pinaka magandang ngiti sa isang babae. Palagi kitang kinukwento sa kanya. Hindi pa siya gaanong maayos magsalita noon dahil kahit ilang taon na noon ang nakalipas matapos siyang iwan ni Lolo, nagluluksa parin siya. Paputol putol ang pagsasalita niya noon. Parang nung unang beses na kinausap ka niya. Nagulat na nga lang din ako nung biglang dumiretso magsalita si Lola eh. Palagi kong ikinu-kwento kay Lola ang tungkol sayo. Kahit hindi ko alam kung nakikinig ba siya sakin dahil lagi lang siyang tulala at hawak ang kahon na iyon. Sa paraan ng pagku-kwento ko na 'yun kay Lola kahit walang kasiguraduhan kung nakikinig ba siya, gumagaan ang pakiramdam ko. Hanggang isang araw... Nagsalita siya. Paputol putol. Pero doon ko napatunayan na nakikinig siya sakin. Gusto ka niyang makita. Gusto ka niyang makilala. Kaya kinaibigan kita. Kinausap kita. Akala ko, simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman ko sayo." ngumiti siya sakin.
"Wala akong kamalay malay na... Mahal na pala kita." nakita ko ang pamumungay ng mata niya habang sinasabi iyon.
"Nakita ko ang saya sa mga mata ni Lola ng makita ka niya. Nakita ko ang biglaang pagsigla ni Lola. Nakita ko na bumalik ang lakas sa katawan niya ng magkita kayo. Ikaw ang unang pinakitaan niya ng laman ng kahon na 'yun. Kaya natutuwa ako." tumalikod siya sakin at nagsimula na muling maglakad ng mabagal. Ako, sunod lang ng sunod sa kanya. At nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Nakakalungkot lang na hindi na nakita ni Lola ang mga ngiting sinabi ko sa kanya. 'Yung mga ngiting minahal ko na tuluyan naglaho. Nakakalungkot lang na ang mga ngiti at mata na nakita ni Lola, wala ng buhay. Wala ng saya. Napuno na ng galit at hinanakit." sabi niya.
Hindi ko namalayan ng huminto siya na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Pero ayoko pang pumasok. Gusto ko pang marinig ang mga sasabihin ni Nikko tungkol kay Lola.
"Nung isang araw, sabi ni Lola sakin, puntahan kita. Dalhin kita doon. Gusto ka niyang makita. Pero ang sabi ko, hindi pwede. Kasi busy ka. Pero sabi niya, puntahan daw kita. Pinuntahan kita dito. Tinitingnan ko lang ang bahay niyo. Pati ang kwarto mo. Ayokong puntahan ka pa noon dahil hindi ko pa alam ang sasabihin sayo kaya umalis nalang ako. Pagkauwi ko, sabi niya, kamusta ka na? Ano nang ginagawa mo? Nalulungkot ka parin daw ba?" dagdag na kwento pa niya.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagsisi ng ganito. Dahil binago ko ang sarili ko. Dahil pinuno ko ng galit at sakit ang puso ko. Siguro, kung tulad lang din ako ng dati na walang pakialam, siguro ang saya ko ngayon. Siguro, wala akong ganitong problema. Naiyak ako sa mga naririnig ko kay Nikko.
"Humiling siya ng isang bagay sakin. Wag daw kitang iwan. Tulungan daw kitang ibalik ka sa dati. Tulungan daw kitang ibalik ang saya sa mga mata at labi mo. Ang sabi ko, hindi ko alam kung kaya ko. Hindi ko alam kung magagawa ko ang hiling niya sakin. Pero pinilit niya ako. Sabi niya mangako daw akos a kanya. Wag daw akong sumuko sayo. Kung talagang mahal daw kita, walang dahilan para sumuko. Sa tingin ko, tama naman siya. Tama naman si Lola." sabi niya tapos ngumiti ulit siya sakin.
"Kahapon, sinugod siya sa ospital. Inatake siya sa puso. Si Nicole, iyak ng iyak. Natulog si Lola kahapon. Maghapon. Hindi siya gumigising. Hanggang sa kaninang umaga... Tuluyan na siyang natulog. Hindi na talaga siya gumising. Iniwan na niya kami. Iniwan na niya tayo. Iniwan niya ako, ng hindi ko naipapakita sa kanya ang mga ngiti mo na gusto niyang makita. Iniwan niya tayo ng hindi mo naipapakita sa kanya 'yung totoong ikaw." malungkot na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Yumuko ako at hinayaang tumulo ang mga luha sa mata ko.
"I'm sorry, Nikko. I'm sorry." tangi kong nasabi.
"Wag kang mag sorry. Wala ka namang kasalanan eh. Gusto ko lang malaman mo ang lahat ng ito." kalmadong sabi niya.
"I'm sorry. I'm sorry." paulit ulit kong sabi.
Hindi siya nagsalita ng ilang minuto. Hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak sa harap niya hanggang sa magsalita siya. Nang magsalita siya, tinusok ang puso ko sa sinabi niya dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Mga tanong na ako rin mismo, tinatanong ko sa sarili ko. Kailan nga ba?
"Gab... Kailan ka babalik? Kailan mo ibabalik 'yung totoong ikaw?"
BINABASA MO ANG
His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)
فكاهةEditing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)