CHAPTER23

6.1K 189 21
                                    

CHAPTER23;


"Uhm, Gab. Pwede ko bang hingin yung number ng kaibigan mo?" bungad sakin ni Yves pagkapasok niya sa bahay at nakita niyang nakahiga ako sa sofa at nagbabasa ng wattpad sa tablet ko. Napalingon naman ako sa kanya at nakitang nakaupo siya sa single couch.

"Sinong kaibigan ba? Si Faith?" tanong ko. Obviously, hindi ko alam.

"Hindi. Yung maingay." natawa naman ako sa sinabi niya. Totoo. Maingay talaga 'tong Aubrey na 'to.

"Ahh. Si Aubrey. Bakit mo hinihingi number nung taklesang babae na 'yon?" natatawa tawa kong sabi. Ngumiti naman siya sakin.

"Makikipagkaibigan?" nakahawak sa batok na sabi niya. HAHAHA ! Ang kyot ng tae na 'to.

"Utot mo. Makikipag kaibigan your ass." sabi ko naman. Natawa siya sa sinabi ko. Alam niya kasing hindi totoo yung sinagot niya sakin.

"Tsk. Sige na kase." sabi niya. Tiningnan ko siya ng matalim. Napangiti ako sa naisip ko.

Siguradong matutuwa nito yung babaeng 'yon kapag nalaman niya na yung crush niya, type pala siya. Oo. Si Yves ang type niyan. Alam nyo ba na 'yun lang minsan ang dahilan kaya nagpupunta yung siraulo na 'yon dito? At dahil matalino ako, may naisip ako.

"Akin na 'yung cellphone mo." sabi ko habang nakalahad yung kanang kamay ko at yung kaliwa, hawak yung tablet.

"Ha? Baket?" nagtataka niyang tanong. Tunganga naman neto. Pakipot pa yata.

"Akala ko ba, hihingin mo yung number ni Aubrey?" tanong ko sa kanya.

Tsk. Alam ko na pwede ko namang idikta sa kanya. Pero may plano ako. Kaya wala kayong pakialam. Inabot naman niya sakin yung cellphone niya na iPhone 4S. Wow. Syempre. Magtataka ka pa ba? Galing siyang ibang bansa diba? At dahil abnormal ako.

"Gab!"

"Ay nahulog." sabi ko. Tiningnan niya ako ng masama.

Ang OA naman. Mababa lang naman pinagbagsakan eh. Tsaka hindi naman yung tiles yung pinagbagsakan. Naghulog muna kasi ako ng throw pillow bago ko hinulog yung iPhone niya kaya safe parin. Natawa nga ako sa reaksiyon eh. Hahaha!

So, kinuha ko na yung cellphone ko na mas mamahalin pa sa iPhone niya.

Yung de-flashlight? Mas astig kaya. Tsk. Hinanap ko yung number ni Aubrey dun at tinype sa shemplon niya. Anong akala niyo, kabisado ko number nila? Number ko nga, hindi ko kabisado, number pa kaya nila.

Dinial ko na yung number ni Aubrey at iniloud speaker habang nagriring ito. Maya maya lang din, sinagot na ni Aubrey 'yun.

[Aubrey David speaking. Who's this?]


Ang arte ha? Palibhasa, secret millionaire at secret model. Psh. Daming arte. Pero bagay naman sa kanya dahil bukod sa maganda siya eh cute siya. Si Yves naman, halatang hindi mapakali. Dahil nga nakaloud speaker, naririnig niya yung mga sasabihin ni Aubrey. HA-HA-HA! You'll thank me for this, soon.

"Ang arte ha." natatawa tawa kong sabi. Narinig ko naman na tumawa siya. Napatingin ako kay Yves at nakitang nakangiti na siya. Abaaaaa~

[OMG! The Unbeatable Gabriella Manlapaz! Hahaha. Ikaw pala 'yan. Nagpalit ka na ng number? Or what? Kanino 'tong gamit mo? Sayo ba 'to? Bakit hindi mo sinabi sakin?! You're so bad!]


Oh'diba? Ang daming sinabi agad? At naiimagine ko na 'yung nakapout niyang labi. Pag nalaman niya kung kaninong number 'tong gamit ko, baka pagpatayan ako niyan.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon