CHAPTER49;
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa babaeng palaging tinatawag ako na: Anak. Nakita ko sila Tatay at Kuya na nasa couch nakaupo. Parang wala silang pakialam na nandito itong babaeng 'to at naghahanda ng hapunan.
"Tay, Kuya. Bakit niyo pinapasok ang babaeng 'to?" tanong ko sa kanila. Tumayo si Tatay at lumapit sakin. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko.
"Anak. Mag usap muna kayo ng nanay mo ha?" sabi sakin ni Tatay. Magsasalita pa sana ako pero umalis na sila ni Tatay at pumanhik sa taas. Bumaling ako sa babaeng 'to. Na hindi ko maikakailang kamukha ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sakin at pinaupo ako.
"Anak. Nag usap na kami ng Tatay at Kuya mo. Okay na sa kanila. Magkaayos na kami. Sana, tayo din magkaayos na." sabi niya habang nakaupo sa harap ko at hawak hawak ang kamay ko. Hinila ko ito.
"Imposible 'yang sinasabi mo. Kung napatawad ka na nila, ibahin mo ako. Tinanggalan mo ako ng karapatan na maranasan ang alaga ng isang ina. Tinanggalan mo ako ng karapatan na malapitan ka, na makita ka, na mahawakan ka. Ni hindi ko man lang naranasan na may nanay ako simula sa pagkabata! Ni hindi nga kita nakita kahit minsan eh. Tapos ngayon, sasabihin mo, sana magkaayos na tayo? Para mo na rin hiniling na sana umulan ng yelo sa Pilipinas." sabiko at tumayo na. Aakyat na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko. Nakita kong umiiyak siya. Parang kinurot ang puso ko sa nakita ko. Parang gusto ko na rin umiyak.
"I'm sorry, anak. I'm sorry. Nagkamali ako. Nabulag ako. Sorry kasi sumama ako sa mas mayamang lalaki. Sorry, anak. Sorry. Hindi ko alam. Hindi ko alam na hindi pera ang basehan para maging masaya sa buhay. Anak, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Please. Patawarin mo ako." sabi niya habang hinahalikan ang kamay ko at umiiyak. Kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng luha.
Totoo pala talaga ang lukso ng dugo. 'Yung tipong kahit hindi mo kilala 'yung tao pero may malaki siyang parte sa buhay mo, basta lumapit siya sayo, basta marinig mo ang boses niya, hawakan ka niya, makita mo siya, kahit hindi mo pa alam na related siya sayo, mararamdaman mo nalang 'yun bigla. Totoo pala 'yung isang page sa Facebook na nabasa ko:
Ang Pinaka Worst Sight sa Mundo ay yung Makita Mong Umiiyak ang Nanay Mo.
Kahit na ayoko sa kanya, kahit na kasama siya sa listahan ng mga taong kinamumuhian ko, pakiramdam ko, dinudurog ang puso ko na makita siyang ganito. Pakiramdam ko, nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. Hinila ko ang kamay ko na hawak niya at hinarap siyang mabuti.
"Wala akong nanay na kasama sa Family Day sa school nung kinder at elementary ako. Wala akong nanay nung may party sa school dahil Mother's Day. Wala akong nanay sa tuwing sasapit ang kaarawan ko. Wala akong nanay sa tuwing magpapasko at bagong taon. Walang nanay na proud sakin nung gumraduate ako nung kinder, elementary at high school. Walang nanay na gumagamot ng sugat ko sa tuwing nadadapa ako. Walang nanay na tumulong sakin na bumangon ulit mula sa pagkakadapa. Walang nanay nagturo sakin na mag ayos dahil nagdadalaga na ako. At higit sa lahat..." lumunok ako dahil konti nalang, mababasag na ang boses ko. Nararamdaman ko na rin ang pag agos ng luha ko sa pisngi ko. Pero hindi ko pinansin. Kailangan maging bato ako sa harap niya. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita ko.
"Wala akong nanay na karamay sa mga panahong nasasaktan ako dahil sa taong mahal ko." hindi ko na napigilan. Nabasag na ang boses ko. Lumakas naman ang iyak ng babaeng 'to habang nakayuko, nakapikit at nasa bibig ang mga kamay na magkasalikop ang mga daliri.
BINABASA MO ANG
His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)
HumorEditing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)