CHAPTER59

4.4K 141 4
                                    

CHAPTER59;



-kinabukasan-


Pumunta kami sa mall nila Tatay, Rowena at Kuya. Ewan ko ba dito. May nalalaman pang Family Day. Psh. Pero first time namin 'to ha. Tae.

"Anak, ito. Bagay sayo 'to. Tsaka ito. Eto pang skirt. Tsaka itong cardigan. Tapos itong fitted pants." sabi ni Rowena. Napapairap nalang ako sa kanya.

"Oh, Rowena. Hinay hinay lang sa paggastos. Dami na naming dala oh." sabi ni Tatay tapos pinakita nilang dalawa ni Kuya 'yung paperbags na dala nila.

"Oo nga. Ang daya. Kay Gab, ang daming sapatos at mga damit at kung ano ano pa. Sakin konti lang." pagmamaktol ni Kuya.

"Inggit ka na niyan?" sabi ko naman sa kanya.

"Hindi. Haha. Biro lang." natatawa tawang sabi ni Kuya.

"Pasensiya na ha? Noon ko pa kasi gustong mangyari ito eh. Alam mo na. Girl's bonding. Hihi. Naexcite lang." sabi naman ni Rowena. Natawa nalang kami.

Ang dami pang ibinili sakin ni Rowena na kung ano ano. Binili niya rin ako ng mga caps na katulad ng ginagamit ko dati. Napangiti nalang ako kasi namiss ko rin ito. Nang mapagod na kami, napag pasyahan na naming kumain sa isang fast food malapit sa exit nitong mall. Nasa pinaka gilid kami kaya katabi na namin ang salamin. Napatingin ako sa labas at nanlaki ang mata ko sa isang napaka pamilyar na babae. Tinitigan ko pang mabuti 'yon at nakumpirma kong siya nga ito.

"Uhm, teka lang ha? May pupuntahan lang ako sa labas." sabi ko. Hindi ko na sila hinintay pang pumayag. Lumabas nalang ako kaagad ng mall.

Nilapitan ko 'yung babaeng naninigarilyo na nakasandal sa pader na parang may hinihintay. Napaka ikli ng suot niya. Kung maikli ang suot niya dati, mas maikli 'yung suot niya ngayon. Nanlaki ang mata niya ng makita akong nasa harap niya pero agad din niyang nabawi at ngumiti sakin. Napaka pula ng labi niya.

"Kamusta, Faith?" sabi niya at humitit ng sigarilyo at ibinuga sakin ang usok nito. Isinubo niya ulit ang sigarilyo sa bibig pero agad ko itong kinuha, pinutol at inapak apakan.

"What The--! Ano ba?" naiirita niyang bulalas.

"Ano na naman bang drama 'to, Faith?" tanong ko sa kanya.

"Ano? Papakialaman mo na naman ako? Papakialaman mo na naman 'yung buhay ko? Langya naman, Gabby! Ano pa bang gusto mo? Nakuha mo na si Mike! Masaya ka na? Nasira mo na kami. Masaya ka na? Pinili ka niya. Masaya ka na? Ano pa bang gusto mo? Gusto mo bang magpakamatay pa ako sa harap mo para tuluyan ka ng maging masaya?!" sabi niya na punong puno ng galit.

"Sa tingin mo masaya ako? Na pinili niya mga ako... Pero ikaw parin ang nasa isip at puso niya? Sa tingin mo masaya ako na kahit gawin ko ang lahat, ikaw at ikaw parin! Ikaw parin ang hinahanap niya? Tapos ngayon, magrerebelde ka ng ganyan?!" dire-diretso kong sabi sa kanya.

"You changed me! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito! Ikaw ang dahilan kung bakit nagagawa ko na 'to ngayon sa sarili ko! Ikaw ang bumago sakin! Kasi sinira mo kami ni Mike!" sabi niya at mabilis na may tumulong luha sa mga mata niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng masaktan? Ngayon alam mo na ang nangyari sa buhay ko bago ko naisipang baguhin lahat sakin? Ngayon alam mo na ang naramdaman ko bago ako nagbago sa lahat ng tao? Kasi, sinaktan niyo ako kaya ako nagkaganito, Faith! Pero hindi ko maimagine na mas masahol ka pa pala sakin!" bulyaw ko sa kanya. Umiling siya.

"Hindi ka namin sinaktan. Sinaktan mo ang sarili mo kasi umasa ka. Gab, hindi porque nakasama mo siya ng matagal na panahon, mamahalin ka na rin niya katulad ng pagmamahal mo sa kanya. May kanya kanya tayong buhay! At kung sinisisi mo ako kung bakit mas masahol pa ang pagbabago ko kesa sayo, samantala pareho naman tayong nasaktan, nagkakamali ka, Gab. Hindi tayo pareho ng paraan kung paano nasaktan. Hindi ka namin sinaktan kaya ganyang pagbabago lang ang naganap sa buhay mo. Pero sinaktan at sinira mo ako kaya nagkaganito ako." pagkasabi niya niyan, tumalikod na siya sakin at sumakay sa isang kotseng pula na malapit samin bago ito umandar.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon