CHAPTER48;
Nagising na naman ako ng may masakit na ulo. Grabe. Ilang beses ba kailangan na gumising ako ng may hangover? Tsk.
"Gising ka na pala." nagulat ako sa nagsalita sa loob ng kwarto ko. Hinanap ko 'yun at nakita kong nakaupo siya upuan sa study table ko. Lumapit siya sakin at binigyan ako ng kape.
"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon na tanong ko sa kanya.
"Inaalagaan ka. Lasing na lasing ka kagabi eh. Oh. Inumin mo 'to." sabi niya at binigay sakin ang kape. Ininom ko ito at pagkatapos nun, naramdaman kong kumirot ang ulo ko kaya napangiwi ako.
"Umalis ka na." sabi ko pa at inilapag ang tasa na may lamang kape sa bedside table.
"Hindi ako aalis. Kailangan mo ako." giit niya at umupo sa gilid ng higaan ko.
"Hindi ko kailangan ng taong iiwan din ako pagdating ng araw." sabi ko at pumikit ulit.
"Sino ba kasing nagsabi sayo na iiwan kita? Bakit ba palagi mong sinasabi sakin na iiwan kita kahit na hindi naman? Bakit ba palagi mong sinasabi 'yan? Hindi nga kita iiwan!" naiiritang sabi niya.
"Wala akong pakialam. Alam kong balang araw, gagawin mo din 'yun. Umalis ka na. Wala ako sa mood makipag debate sayo. Masakit ang ulo ko." sabi ko ng nakapikit. Narinig kong bumuntong hininga siya at umalis sa kwarto ko ng walang sinabi.
Sabi ko naman eh. Iiwan mo rin ako. Kita mo nga, ngayon palang iniwan mo na ako kahit sinasabi mong alam mo na kailangan kita. May nakatakas na luha sa mga mata ko habang nakapikit ako. Nakakatawa. Kailan kaya mapapagod ang mata ko kakaiyak? Ang sarap dukutin eh. Tsk.
--x
"Gab! Anong tawag mo dito?!" pagalit na sabi ni Tatay sakin habang hawak hawak 'yung grades ko.
"Grades, Tatay." sabi ko naman.
"Matatawag mo bang grades 'yan, kung halos lahat bagsak?! Pinagtra-trabahuhan ko lahat ng pinang papaaral ko sa inyo tapos ganito ibibigay niyo sakin?! Okay lang sana kung mababa eh. Hindi naman ako naghahangad ng mataas. Pero Gab, bagsak lahat! Hindi mo alam kung ano sinasayang mo!" galit na sabi ni Tatay sakin. Nasa kwarto ko siya ngayon at hawak hawak ang grades ko habang galit na nakatingin sakin. Nakahiga ako sa higaan ko.
"Sorry. Wala naman kasi akong hilig sa Archi eh." giit ko.
"Pero bakit 'yun ang kursong kinuha mo?! Sinasayang mo ang pera natin, Gab! Kada piso, pinaghihirapan ng tao tapos sasayangin mo? Bakit kasi hindi yung course na gusto mo ang kinuha mo?!" bakas na bakas sa mukha ni Tatay ang galit.
"Wala dun si Mike eh." simpleng sabi ko.
"Ewan ko sayo, Gab." sabi ni Tatay bago lumabas ng kwarto ko at padarag na isinara ang pintuan ang kwarto ko.
Ehh anong gusto nilang gawin ko? Alam naman nilang hindi ako kasing talino ng Kuya ko eh. Alam naman nilang lahat na tamad akong mag aral. Wag nilang asahan na makakakuha sila ng magandang marka sakin.
--x
Habang naglalakad ako palabas ng campus, hindi ko kasabay si Mike. Asa pa ako dun, may kumalabit sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si Faith na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin.
"Oh!" pagalit na sabi niya at inabot sakin 'yung arnis na binigay niya sakin dati.
Teka, paano napunta sa kanya 'to eh iniwan ko na 'to noon ha? Bago pa ako makapag salita kung anong kashitan ang gagawin ko sa arnis na 'yun, hinila na niya ako papunta sa open field. Nakita ko naman na may hawak din siyang arnis.
BINABASA MO ANG
His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)
HumorEditing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)