Chapter 9
Habang naglalakad kami ni Mike sa hallway pauwi habang nakaakbay siya sakin na parang lalaki ako, huminto siya sa paglalakad.
"Bakit?" tanong ko.
Hindi siya sumagot. May tinitingnan siya sa malayo. Sinundan ko yung tingin niya at nakita ko na tatlong babaeng nag kwekwentuhan sa labas ng campus ang tinitingnan niya. Bakit kaya? Nagpaalam na sa kanila yung isang babae.
"Tara na." sabi ko.
"Sandali lang. Mauna ka na. May pupuntahan lang ako."
"Sama ako."
"Huwag na. Mauna ka na."
Okay...
So loner ako? Putspa!
Naglakad ako papunta sa may sakayan ng jeep na ilang metro ang layo mula sa eskwelahan namin. Habang naglalakad ako, pinagtatama ko yung dalawang arnis na hawak ko. Boring eh.
No'ng medyo nakalayo na ako sa campus, may narinig akong tumili.
"Aahhhh!!!Tulungan niyo ako!!!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Bumalik ako at sinilip yun. Nakita ko, may tatlong lalaki na hawak yung isang babae. Yung isang lalaki, may hawak na kutsilyo.
"Huwag kang maingay! Ibigay mo na lang sa amin lahat ng pera mo! Pati cellphone mo! Papakawalan ka namin nang walang galos." sabi ng lalaking may kutsilyo.
"Ayoko!" sabi naman ng babae.
Luh? Ang tapang niya ha? Kaso bakit hindi niya ipagtanggol sarili niya? Wala bang arnis class 'to?!
"Aba? Matapang ka ha." sabi ng isa pang lalaki.
Sinampal niya yung babae.
Teka. Nakita ko na yung babaeng 'to eh. Eto yung kaninang kasama nung dalawa pang babae na tinitingnan ni Mike. Tsaka...parang nakita ko na talaga siya eh. Nakalimutan ko lang kung saan.
Dumaan ako sa kanila. Kunwari, wala akong nakita. Tumingin sa akin yung babaeng namumula ang pisngi at umiiyak. Hindi ko pinansin.
"Tulungan mo ako..."
Hindi ko ulit siya pinansin.
"Hindi ka tutulungan niyan. Asa ka pa. Mandadamay ka pa ng ibang tao, mailigtas ka lang. Selfish mo pala, eh! Bigay mo na lang sa min pera at cellphone mo !" sabi ng isang lalaki.
Dahan dahan akong naglalakad palayo sa kanila at lihim na nakikinig.
"Oo na! Ibibigay ko na!"
Napalingon ako sa narinig ko. Ang tanga naman ng babaeng 'to! Hindi ba 'to natuto ng kahit anong self defense? Bobo amputa.
Ibibigay na sana ng babaeng hinoholdap yung pera at cellphone niya pero pinigilan ko siya.
"Huwag ka ngang tatanga-tanga. Pinag-tra-trabaho-an ng mga magulang mo yung pera at cellphone mo tapos ibibigay mo lang sa mga mukhang cheetah na yan nang walang kahirap hirap?"
Nagulat silang lahat ng magsalita ako. Lumingon sila sa aking lahat at tiningnan ako ng masama ng tatlong cheetah. Lumapit sila sakin.
"Matapang ka rin, ha?"
"Oo! Anong akala mo sa akin, katulad ng babaeng yan?" sabi ko tapos hinampas ko yung isa ng arnis na hawak ko.
Sabay-sabay nila akong inaatake. Yung babae naman na yun, tili nang tili.
BINABASA MO ANG
His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)
HumorEditing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)