V's POV
Nagmumuni ako sa table ko nang walang kaabog-abog akong nikwelyuhan ni Simon at sinuntok. Sumalpak ako sa sahig dahil sa bigla. Napatayo na rin ang tropa. Makikita mo sa mga mata niya ang galit saken. Nagtatagis din ang mga bagang niya. Tsss! Pinahid ko ang dugo sa gilid ng labi ko at tumayo para gumanti! Tumilapon din siya sa sahig. Dun na kami hinawakan ng barkada.
"What's wrong with you two?!" Si Julian.
Dinuro ko si Simon. "Yang gago na yan ang tanungin nio! Nananahimik ako rito sa HQ."
Nabaling lahat ng tingin nila kay Simon.
Kinalas ni Simon ang pagkakahawak sa kanya nina Renz at Hope. Siya naman ang dumuro saken. "Happy now? Huh V? The next time I see her cry again, I won't hesitate to punch you again, bigtime." Yun lang at umalis na siya. Binitawan na rin ako ng mga kasama.
She cried?
"You made her cry V?" Inis na sabi ni Julian.
Hindi ko siya sinagot at dali-dali akong lumabas ng HQ. I must find her... I must... I don't know... I thought she hates me... I thought leaving her alone will make her happy and I thought I might forget her?
Kung saan saan ko siya hinanap. It's already 5:30 in the afternoon. Maybe she's already at home. Naglalakad ako pabalik ng HQ nang may narinig ako...
"You assuming bitch!" Girl 1.
"You think V is really inlove with you huh!?" Girl 2.
JC's POV
"Arghh!" Ansakit ng pagkatapon nila saken sa sahig. Ano bang problema nila?
"You assuming bitch!" Girl 1. Tssss! Sino ba assuming saming dalawa? Aish! Ansakit pa nga ng mata ko kakaiyak tapos ngayon naman ang pwet ko? 😭
"You think V is really inlove with you huh!?" Girl 2. Natigilan ako. V? Did I really assume? Akma niya akong sasampalin nang may pumigil sa kanya.
"Don't you even dare!" Si V... Si V 😭😭😭
Natigilan ang babae kasama ng mga alipores niya. Parang maiiyak sila.
"V diba ayaw mo na sa kanya. We're just disposing her!" Girl 3.
Matalim na tumingin sa kanila si V. "Disposing? I will dispose all of you if you'll not leave by my sight right now!" Dumadagundong ang sigaw ni V sa buong area. Nagsitakbuhan ang mga babae. Napatingin siya saken ng malamlam. Huh? Ba't ambilis niya magbago ng expression? Nang papalapit siya napayuko ako. Itinayo niya ako at itinaas ang baba ko para magkapantay kami.
"Forgive me my Jewel." Kita ko sa mga mata niya ang sincerity. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Agad naman niyang pinunasan gamit ang daliri niya.
"I thought you really hate me to the extent that I must stay away from you. I thought by using other girls I can forget you. But I failed. I can't. If only you can love me back... Jewel." Nagulat ako dahil biglang tumulo ang mga luha niya. He's crying? He's that hurt?
"Why? Why does my heart aches seeing you cry?" Natanong ko na lang out of the blue.
Ngumiti siya ng mapait. "Because you pity me, right?" Mapait niyang tanong.
"No!" Mabilis kong sabi. "A... I... Uhm..." Bakit? Ba't di ko masabi? And I think all the blood in my body came rushing up to my face!
"You what?" Wala na 'yung crying face niya at napalitan na yun ng parang na-eexcite na expression. Kailangan ko pa bang sabihin?
"W-wala!" At nag-iwas na ako ng tingin. He chuckled.
"You're so cute!"
"Aish! Stop it!" Feeling ko namumula na naman ako. Akma na akong hahakbang palayo ng bigla niyang hilahin ang wrist ko sabay yakap saken.
"I love you my Jewel..."
YOU ARE READING
Star-crossed Love
Ficção AdolescenteShe's a good girl. He's a bad boy. Will there be a chance for the angel to love the devil? Is there a chance for a happy ending between a star-cross love?