Calvin's POV
Humahangos akong tumakbo sa parking area. Namataan ko pa ang pagbuhat ni V kay JC at pagsakay niya sa motor pero hindi ko naabutan.
"Arghh!!!" Sabay suntok ko sa hangin sa sobrang frustrate. JC when will you learn to love me back!?
JC's POV
Inihinto ni V ang motor niya sa harap ng bahay. Bumaba siya ng motor at bunuhat ako pababa. Binuksan ng guard ang gate pero bago ako bitawan ni V mahigpit niya akong niyakap sabay kiss sa forehead. Napapikit ako sa kiss na 'yun.
"Ms. JC kanina pa po kayo hinihintay ng Daddy niyo sa library niya." Sabi ng guard. Nakita ko ang inis sa mukha ni V. Bahagya ko siyang tinulak palayo with the look na umuwi na siya para walang gulo. Sumunod naman siya pero hinintay niya akong maunang pumasok ng gate.
Tahimik akong pumasok ng bahay. Nang makaabot ako sa hagdan, andun si Calvin na biglang tumayo ng makita ako. Ba't parang iba ang aura niya ngayon.
"Did you have fun?" Bakit parang sarcastic niya? Napakunot noo ako sa sinabi niya. Naalala ko ang pagiwan namin ni V kanina sa kanya.
"I'm sorry about earlier Calvs, hindi ko naman talaga guston-"
"Pero pag si V, gusto mo ganun!?" Sigaw niya.
"Hey! What are you trying to imply? May I just remind you, V is my boyfriend."
"Tsssss! Yeah right. But don't forget that I'm your fiance." Nakangiti siya pero hindi abot tenga. With that, umalis siya ng bahay.
Bahala siya jan! Kung hindi sana siya nag-agree sa arranged marriage na 'to e di sana wala kaming problema. Dumeretso na ako sa library ni Dad.
Pagbukas ko ng pinto andun din si Mom at kuya...
"Jewel Cassandra, I didn't know you're this terrible." Si Dad na bakas ang disappointment sa boses.
"Dad?" Tanong ko dahil di ko alam ang sinasabi niya.
"Since when did you learn to cut classes?"
Natigilan ako...
"And you even leave Calvin alone in your date just to be with that gangster?" Dagdag niya
"Dad... I'm so sorr-" Malakas na sampal ang natanggap ko from that.
"Hon!" Sigaw ni mama kay papa na galit na galit agad niya akong niyakap na hindi ko ginantihan. Natulala ako. Sinampal ako ni Dad?
"Isabel, wag mo ipagtanggol yang anak mo, kaya namimihasa yan e!" Duro ni Dad saken. "Go prepare your things, your leaving tomorrow with Calvin. Dun na kayo magaaral"
Napatingin ako kay Dad. No! Hindi pwede! "Dad..." Naiiyak kong sabi. "Wag naman ganito Dad please..." Masakit 'yung sampal niya but this announcement hurts more bigtime.
Fast forward...
Habang nakatingin ako sa papaliit na tanawin ng Philippines, hindi tumitigil ang mga luha ko...
"Pag hindi ka tumahimik mangyayari talaga ang gusto ko..."
"The moment na ni-save kita, akin ka na!"
"Do whatever you want with me, just don't touch her..."
"I love you my Jewel..."
"Anything for my Jewel..."
"Will you marry me babe?"
"Please don't leave me again my Jewel.."
Lalo akong napaiyak habang nagrereplay sa isip ko lahat ng nangyari samen ni V. Sa sobrang sakit napahawak ako sa dibdib ko.
I never thought loving can hurt this much...
Calvin's POV
Ibinaling ko sa kabilang area ang tingin ko. I can't stand seeing her cry. Ako nga ang kasama niya sa plane pero iba naman ang iniisip niya. Kasama ko nga siya papuntang States pero parang naiwan naman ang puso't kaluluwa niya sa Pilipinas. Jewel, I will never waste this chance to make you mine. Sooner or later, you'll forget V.
V's POV
It's already 11 in the evening, I'm just here nakasandal sa motor ko di kalayuan sa bahay nina Jewel. It's been a week na nagmamasid ako pero never ko nakita na lumabas si JC. Ano na kayang nangyari sa kanya? I miss her so much, my heart's kinda aching to think na one week ko na siyang hindi nakikita.
Haaaaaaaaaay napabuntong hininga ako at tumingin sa bahay nila for the last minute. Bigong sumakay ako ng motor pauwi.
Kinabukasan sa school...
"V!" Humahangos na lapit saken nina Jeorge at Julian.
"O? Anyare? May rambol ba?"
Nagkatinginan muna sila bago nagsalita. Napataas ang isang kilay ko sa inaasta nila.
"What!? Aren't you telling me something!?" Iritado ko ng sabi.
"Si JC, nasa states na sabi nina Jill."
"Hahahaha! Nice try mga pre." Natawa na lang ako sa joke nila. Pero nung hindi sila natawa pabalik natigil ang tawa ko.
Julian's POV
"Hahahaha! Nice try mga pre." Natawa lang si V sa sinabi ko. Haaaaaaay... How I wish na it's just a joke but it isn't.
Natigil ang pagtawa niya dahil nakatingin lang kami ng seryoso sa kanya.
"No... Jewel promised me..." Umiiling-iling pa niyang sabi. Nang hindi kami makatingin sa kanya bigla siyang tumakbo paalis.
Napabuntong hininga kami ni Jeorge. Even me, I can't imagine V without JC.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NyeongAn mini guccis! 🙋🙋🙋
This chapter is dedicated to FayeAng123 😍 Thank you for reading ❤P.S. Even my own hearteu is hurting while writing this chapter 😢
YOU ARE READING
Star-crossed Love
أدب المراهقينShe's a good girl. He's a bad boy. Will there be a chance for the angel to love the devil? Is there a chance for a happy ending between a star-cross love?