Calvin's POV
It's been a month nang makarating kami ni JC dito sa States. Sumusulyap-sulyap ako sa kanya habang nagdadrive papunta ng school. Nakatingin lang siya sa labas ng kotse but sadnesa is very evident in her eyes as I stare in her reflecrion in the window car.
Tahimik lang kami sa byahe. Ganito naman lagi... Isang tanong, isang sagot. Kung hindi ko siya papansinin, parang hindi niya ako kasama.
Nang makarating kami sa school agad ko siyang pinagbuksan ng pinto. Akma akong magkikiss sa cheek niya pero agad niyang iniiwas ang face niya. For a minute ganun kami kalapit sa isa't isa.
"Excuse me Calv." Sabay bahagya niya akong itinulak. She left me there speechless. Tssss! Malakas kong sinarado ang pinto at bahagyang napasabunot sa buhok ko. Para naman akong laging bago ng bago. Hindi pa ba ako nasanay sa kanya?
Ganun lang kami lagi everyday. School, condo and vice versa.
"JC gusto mo ba mamasyal? Andami kong nasearch sa internet na magagandang place dito sa California." Energetic na sabi ko pagkabukas ko ng pinto ng kwarto niya.
"Nope." Ni hindi man lang niya magawa lumngon saken. Ayun busy siya sa paggawa ng school works. Haaaaaay...
JC's POV
It's been a month. I miss him so much. Napahawak ako sa pendant ng necklace ko.
V...
Pagtingin ko sa paper na simusulatan ko ng homework may mga patak na ng luha. Aish... Uulitin ko na naman ang ginawa ko.
"JC oh."
Napakunot ang noo ko sa nilapag ni Calvin sa table ko. Haaaaaay naku! Ba't ba feel at home siya sa room ko? Di man lang marunong kumatok.
"What's this?"
"Open it." Sabi niya.
Pagbukas ko...
Waaaaaa!!! 😍😍😍
Calvin's POV
I can't help but to smile when I see her reaction to my gift. Parang nagha-hearts ang mga mata niya.
"But-"
"No buts... It's a gift." Cool kong sabi.
O.O
Nagulat ako sa sunod na ginawa niya. She suddenly hug me. Nang matauhan ako I hug her back. Dun naman siya kumawala. Aish! Bitin!
"Thank you for this Calv! I really appreciate it!" Ngayon ko lang siya nakita ngumiti ng totoo simula pagdating namin dito.
Phone lang pala makakapagpasaya sa kanya. Though alam ko naman kung sinong unang tao na paggagamitan niya nun, I'm sure hindi na din naman niya makakausap 'yun. Tsssss!
JC's POV
Waaaaaaa! I'm so happy! Simula nung magground ako sa Philippines ngayon lang uli ako nagkaphone. Agad ni.dial ang number niya.
Toot toot toot toot
Huh? Ba't puro ganun ang naririnig ko. Nag-iba na ba siya ng number?
Toot toot toot toot
Ilang beses ko ni.try ang number niya. Nang mapagod ako bigla ako napahiga sa bed ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng mainit na liquid from my eyes.
Hindi. Hindi ako dapat umiyak. Baka may nangyari lang. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tinawagan si Jill.
"Hello Jill?"
"Besty!? Waaaaaa! Bakit ngayon ka lang tumawag besty! I miss you so much!" Excited na sabi niya. Napasmile ako. Ganun pa din si besty.
Marami kaming napagusapan. Kumustahan at kwentuhan hanggang sa...
"Jill, kumusta na siya?" Di ko napigilang tanungin.
"Siya? Si V ba yan besty." Parang gulat niyang tanong.
Hindi ako nakasagot agad.
"Si V nga. Ano bang nangyari besty? Ba't kayo nagbreak?"
Kumunot ang noo ko. Nagbreak?
"Hindi kami nagbreak besty."
"Ano? Ba't may girlfriend na si V?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"May girlfriend na si V"
"May girlfriend na si V"
"May girlfriend na si V"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NyeongAn Thatnotsonormalgirl 😊 Thanks for voting 😍 This chapter is for you!
YOU ARE READING
Star-crossed Love
Teen FictionShe's a good girl. He's a bad boy. Will there be a chance for the angel to love the devil? Is there a chance for a happy ending between a star-cross love?