Night Out

337 17 16
                                    

JC's POV

It's been weeks since I confront Calvin about hiding the truth from me. I can't blame him... Iniisip lang nila ni Jill ang kapakanan ko.

"Let's go bhe." Hinayaan kong i-intertwine ni Calvin ang mga kamay namin. Nagpatianod ako palabas ng bahay.

"Calvin iho, take care of Jewel Cassandra ok?" Napalingon kami kay Mom at andun din pala si Dad.

Lumapad ang ngiti ni Calvin. "Ofcourse Mom." Oo, Mom and Dad na din ang tawag niya sa kanila. Bigla akong napahawak sa bandang chest ko. Ba't bigla itong kumirot? Hindi ko alam simula nang malaman ko ang totoo my feelings into a chaos these past few days.

Nagulat ako nang biglang umakbay samen si Kuya. Tapos nag fist bump silang dalawa ni Calvin.

"San ba lakad niyo? Sama ako!" Tanong ni kuya.

"May dinner da-" naputol na sabi ni Calvin.

"Oh common! Na naman!? Night out na lang tayo! Tatawagan ko ang tropa." Confident na sabi ni Kuya. Uh-oh... Night out? Napailing na lang ako.

V's POV

"Josh! Ang hina mo naman!" Si Julian.

"Ano ba kayo mga pre! E wala pa nga akong ginagawa... Antay kayo ng konti!" Si Jimin.

"Booooo!!!" Sila.

Napapailing na lang ako. Andito kami ngayon sa t**t bar. Nagpaparamaihan na naman sila ng babae. Akma ko na sanang lalagukin ang kakasalin ko lang na drinks nang biglang may dumating na grupo ng maiingay. Napatingin din ang karamihan sa andito sa bar. Narinig ko pang nagmurmur ng kung ano ang bulletproof.

Pero isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko. Ang nagiisang babaeng kasama ng grupong 'yun. Nagtangis ang mga bagang ko ng makita kong akbay siya ng gago while hawak ang isa niyang kamay. Nawala ang ngiti niya nang mapadako ang tingin niya saken. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at nilagok ang inumin ko.

"Bro ayos ka lang?" Sabay tapik saken nj Josh. Agad ko namang iniwas ang balikat ko. Talagang tinanong niya pa huh.

Julian's POV

Marahas na iniwas ni V ang balikat niya sa pagtapik ni Josh. Naku naman si Josh, kailangan pa ba itanong 'yun?

Napatingin ako sa masakit na tinitingnan ni V. 'Yung pwesto nina JC. Magkatabi magkaupo sina JC at Calvin 'yung tropa ng kuya niya ayun nagsasayaw sa dance floor. Nakaakbay si Calvin kay JC samantalang may kung anong ginagawa 'yung isang kamay niya sa mga palad ni JC. Ang ganda ng smile ni Calvin samantalang si JC nagpapalipatlipat ang tingin sa hands niya at kay Calvin. Parang batang may tinatanong. Ang cute. Uy don't get me wrong. Nacucutan lang ako.

Blag!

Napatingin kami kay V na padabog na nilagay ang baso niya sa lamesa. Tuloy-tuloy siya sa pwesto nina JC. Uh-oh!

"V!" Sigaw ng tropa sa kanya pero useless din.

Ambilis ng pangyayari nasa sahig na si Calvin at palipat-lipat ang tingin ni JC sa kanilang dalawa. Andun na kami sa tabi ni V at hinahawakan ko siya kasama ni Jeorge.

Pumunta na din ang grupo ng kuya ni JC.

'Yung kanina na nalilito na si JC, in the end lumapit kay Calvin. Dun tumigil sa pagpumiglas si V.

"Ano ba problema mo dude!" Sigaw ni Calvin na nagpupunas ng dumugong labi.

Napatawa na lang si V ng pagak. Marahas niyang binawi ang mga braso niya samin. Nakita pa namin siyang tumingin kay JC ng may pagdaramdam bago umalis.

JC's POV

In the end pumunta ako sa gawi ni Calvin. Siya ang nasuntok e. Ano ba kase problema ni V?

"Calvs 'yung labi mo..." Sabi ko sabay kuha ng panyo ko at pinunasan ko 'yung dugo dun kahit na marahas na niyang pinunasan kanina, dumudugo pa din.

"I'm ok bhe." From harsh expression naging soft nang tumingin siya saken. Nagsmile pa siya. Sa peripheral vision ko nakita kong tumingin saken si V bago umalis. What's with that look?

Haaaaaaaay... I know that we have an unfinish business but what can I do? I can't remember anything. Calvin is what I have now.

Biglang kumirot na naman ang dibdib ko sa naisip. What's with my heart nowadays? Haaaaaaaaay...

Josh's POV

Napapatingin pa din kami sa pwesto nina JC. Tsssss! Talagang sa Calvin na yun siya kumampi a.

Wait? San siya pupunta?

"Hala! Ba't biglang umalis si JC?" Si Jeorge.

"Tsssss! Obvious ba? Malamang susundan si V." Si Simon.

O? Nakaka-amaze naman walang siyang maalala pero di niya ata matiis si V.

V's POV

"Aaaaaaaaaaa!!!!" Sigaw ko sabay sipa ako sa ere.

Napaupo ako sa gilid malapit sa exit ng bar at marahas na nasuklay ko ng kamay ang buhok ko. Pagtingala ko, nawala ang inis ko. Mabilis ko siyang niyakap.

"Why?" Frustrated kong tanong. "Eversince I met you I kept on chasing you. I kept on pursuing you. I've done everything to make you fall in love with me too. Even your parents doesn't approve of me. Nilayo ka nila saken. Ngayong andito ka na uli, hindi mo naman ako maalala. What hurts me the most you're with someone else." Shit! Tumutulo na pala ang luha ko. Ang bakla lang pero masakit na talaga e.

Naramdaman ko ang pagganti niya ng yakap. Sabay pat sa likod ko na para bang ibig sabihin, tahan na.

Kumawala ako sa yakap at tiningnan siya right into her eyes.

"Bakit ka lumabas? Why do you care?" Lumikot ang mata niya sa tanong ko.

"I-i..." Nauutal niyang sabi.

"You?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Basta I feel that I need to follow you." Frustrated niyang sagot.

"Hey! What's with that smile!? Creep!" Taranta niyang tanong nang mapasmile ako sa sinabi niya.

Hindi ako sumagot sa halip ni.intertwine ko ang mga kamay namin at hinila siya papunta sa motor ko. Walang hirap ko siyang binuhat pasakay sa motor.

"Hey! Ibaba mo nga ako!" Mas lalo ako napasmile. Ganitong ganito din ang reaction niya dati. Ang cute niya talaga. Mabilis akong sumakay at pinaandar ang engine.

"Aaaaaaaaa! Pwede ba? Kung gusto mo magpakamatay ikaw na lang magisa!" Ngawa niya. Napachuckle na lang ako at hinigit ang kamay niya payakap sa bewang ko. Natahimik siya. Hahaha.

Actually, hindi ko alam kung san kami pupunta. Ang alam ko lang gusto ko siyang makasama ng kami lang dalawa.

Star-crossed LoveWhere stories live. Discover now