Savior

431 24 10
                                    

V's POV

"V... S-sino sila?" Bakas ang takot sa boses niya.

"Hindi ko alam e. Just stay still ako na bahala."

"Hah! Hindi mo alam V? Walanjo naman! Nagpapatawa ka ba?" Unggoy 1.

"E sa hindi ko maalala e. Sorry na lang."

"Pwes ipapaalala namin sa'yo" Unggoy 2. At sumugod nga ang unggoy. Salo ko ang lahat ng tira nila saken at halos lahat ng nag-aattempt na tirahin ako nagkakaron ng damage pero...

"V!"

Napalingon ako kay Jewel na umiiyak. Hawak siya aa magkabilang braso ng dalawang unggoy. Dun ako tinamaan ng isang suntok sa panga at isang sipa sa tiyan. Natumba ako sa lupa. Fuck! Wala pa namang masyadong dumadaan sa area na 'to.

"Hahahaha! Wow! What a sight! The great V napatumba natin." Unggoy 1.

"Boss, ang ganda ng chicks ni V o! Ang kinis!" Unggoy 3.

Fuck! Bumangon ako pero sinikmuraan ako ng isa pang unggoy. Hinawakan ako sa magkabilang braso ng dalawa pang unggoy. Nagpupumiglas ako. Lumapit 'yung tinawag na boss kay Jewel. Shit!

JC's POV

Papalapit saken ang tinawag nilang boss.

"Aha! I think I finally found V's weakness." Sabay haplos niya sa face ko na kahit iniwas ko na inabot niya pa din. Napaluha na lang ako. Why? Why do I have to be in this situation all the time?

"Don't touch her you asshole!" Nakita ko sa pheripheral vision ko na galit na galit si V at nagpupumiglas.

"Whoah! Pisngi pa lang 'yun V! Andamot mo naman. Pwede naman tayo magshare a. Or mas maganda siguro ibalato mo na lang samin tong chicks mo hindi na kami gaganti sa'yo."

Umiling iling ako habang tumutulo pa din ang luha. V won't let that happen. Somehow, I trust V. Yeah, I trust this devil.

Napahalf smile si V. "Do whatever you want with me. Just don't touch her."

Nanlaki ang mata ko. Hindi ito ang iniexpect kong gagawin niya just to save me.

"V! No!" Pigil ko sa binabalak ni V.

"A ganun ba." Papapit ang boss sa kaniya at sinuntok siya. Wala siyang ginawa.

"V! No you can't do this!" Umiiling ako dahil iginapos ako ng dalawang unggoy sa poste. At sumali sila sa limang gumugulpi kay V. Hindi ko kayang tumingin habang binubugbog si V. Ilang sandali pa at napaangat ang ulo ko sa mga tunog ng motorbike.

"Wow! May bloody party pala dito hindi man lang kami invited." Si Joshua. Nabuhayan ako ng loob. Andito sila. Please. Please help V.

"Grabe naman. 1 VS 7. Don't you think andaya niyo naman pag ganyan. Isali niyo kami para fair." Si Renz.

"Are you alright JC?" Lumapit si Julian saken at tinanggal ang pagkagapos ko sa poste.

"Please. Please help V." 'Yun lang ang nasabi ko and everything went black.

Julian's POV

Nahimatay si JC dahilan na din siguro sa pagod. May mga marks ang wrist niya halatang nanlaban siya kanina. Dinala ko siya sa kotse ni Jeorge dahil siya lang ang nagdala ng kotse lahat kami nakamotor. Nang maiayos ko si JC sa loob di ko maiwasang mapatiyig sa kanya. Hinawi ko ang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya. This girl, really. Hindi siya pwedeng hayaang magisa seriously. Tutulungan ko pa sana sila sa bakbakan pero naabutan kong nalampaso na nila ang lahat ng unggoy at inaalalayan na ni Hope at Simon si V.

"Seriously, V what's gotten into you? Hinayaan mo lang na bugbugin ka nila?" Sermon ni Josh.

"Tsssss!" Si V.

"I think it's because of JC." Napatingin sila lahat saken. At tumingin uli kay V to confirm.

"They want Jewel as revenge." Pag-amin ni V.

Napailing na lang ang lahat at sabay tango.

"Halina nga kayo ng magamot na yang mga sugat mo." Si Jeorge.

Star-crossed LoveWhere stories live. Discover now