Chapter 2

2.6K 34 0
                                    

Eula's Pov

Until now naiinis parin ako na ako ang pumalit na fiance ni Sean! Darn! Sana naisip ko yun nung una palang para nakapaghanda ako. Iniisip ko palang na makakasama ko sya sa iisang bubong sumasakit na ang ulo ko, plus the fact that he is a total stranger. Yes, nakita ko na sya pero never ko pa syang nakausap.

Tsk! Iiwasan ko na lang sya sa abot ng aking makakaya. Kahit na asawa ko pa sya, wala akong obligasyon sa kanya.

I am on my way to our company building nang biglang tumawag si Papa.

Tsk! Bahala sya sa buhay nya. Hinayaan ko na lang ang phone ko na mag-ring.

Sinalubong ako ng bati ng mga empleyado namin pagpasok ko sa building pero di ko sila pinansin.

Badtrip ako eh.

Siguro nagtaka sila sa inasal ko, sanay na kasi sila na binabati ko rin sila. Well wala ako sa mood .

Paglabas ko sa elevator, didiretso na sana ako sa office ko nang salubungin ako ni Alyana, my secretary.

'Good morning Ma'am Eula, pinapasabi po ng Papa nyo na dumiretso po kayo sa conference room.' I rolled my eyes at nagmartsa na papuntang conference room. Ano naman ang meron at may meeting na naman.

Pagpasok ko sa conference room tanging si Papa lang and two strangers ang nandoon.

Ngumiti sila sakin, and because I'm a nice person ngumiti din ako.

'Eula, sit down.' umupo ako at tinignan si Papa.

'Pinapatawag nyo daw ako Papa.'

'Yes, I wan't you to meet Mr. Romualdo Quiambao and his wife Amanda, your future in-laws.'

Argh! Meet the Parents agad! Ang bilis naman samantalang kahapon lang sinabi sakin na magpapakasal ako..

Ang Papa ni Sean ang sumunod na nagsalita. 'Hija we're here to talk to you about the details of your wedding, anyway my son is on his way.

'Okay, while waiting for him can I just go my office for a while. Dad, pakitawag mo nalang ako sa intercom. Excuse me.' Hindi ko na hinintay ang sagot nila, agad akong tumayo at lumabas.

Pagpasok ko Sa opisina ko, Agad kong ibinato ang unang bagay na nahawakan ko sa sobrang inis. Well good thing na throw pillow lang ang ibinato ko.

Bakit ang bilis naman ng mga pangyayari! Nagmamadali ba sila masyado? O natatakot si papa na baka gayahin ko si Jelli.

Nakakainis.

Nakakainis.

Nakakainis.

'Sana mabangga na yung Sean na yun at mamatay bago makarating dito!'

'Ang sama mo naman, Hindi mo pa nga ako natitikman gusto mo nako agad mamatay?'

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon