Chapter 31

1.6K 21 1
                                    

++A.N.++

Hi!

Bitin ba ang last chapter? Sooooory po hehe...

Bawi ako dito. Anyway I have my new story paki-support din.

Story po sya ni Earth. "WRONG MOVE" po ang title. wag nyo po muna basahin yung mga on hold ha? Salamat.

dreamerpen17♥♥

Sean's Pov

"Eula...." akmang lalapitan ko sya nang bigla syang umatras.

"Who are you?" she asked.

"Eula ako to si Sean." sinubukan kong hawakan ang kamay nya pero pumiksi sya.

"May problema ka ba sa asawa ko Mr. Quiambao?" kunot noong tanong ni Mr. Miranda na lumapit agad kay Eula.

"A-Asawa?" gulat na tanong ko? Paano niya naging asawa si Eula?

"Meet my wife Angela Miranda, sweety this is Mr. Tyrone Sean Quiambao our architect."

"A-Angela?" hindi ako makapaniwala sa sinasabi nila. Paanong Angela ang pangalan ng babaeng to na kamukhang-kamukha ni Eula?

"Nice meeting you Mr. Quiambao." inilahad niya ang kamay nya sakin." pinilit kong kalmahin ang sarili ko bago tinanggap iyon.

"Nice meeting you too, Sean nalang masyado tayong pormal."

" Then call us Zac and Angel come let's sit to discuss the details of my wife's dreamhouse." nakaramdam ako ng selos nang hawakan niya ang bewang ni Angela.

Hinayaan ko lang sila kahit na kanina ko pa gustong hilain si Eula or Angela para malaman kung sino ba talaga sya.

Napansin ko na medyo malaki ang pagkakaiba ng ugali nila, Angela is too feminine while Eula has a very strong personality. Bilugan ang mata ni Angela at mas matangos ang ilong kumpara kay Eula na singkit at hindi gaanong matangos ang ilong. Pero iba parin ang pakiramdam ko, kailangan ko syang pa-imbestigahan.

"Hindi ako makapag-suggest magandang design hangga't di ko pa nakikita ang site." sabi ko nang mailarawan ni Angela ang kanyang dreamhouse.

"Okay then let us set a date para mapuntahan ang site." ani ni Zac.

"Tommorow I don't have important appointments."

"Okay then 10am sharp, susunduin ka nalang namin, mas mabuti kung sa iisang sasakyan lang tayo."

Nagpaalam na ako sa kanila after our meeting pagsakay ko sa sasakyan ay agad kong tinawagan si Earth.

[Hello?]

"We need to talk?"

[Tungkol saan?]

"Something important, hintayin kita sa Tambayan. Bye." agad kong ini-off ang phome ko. Kailangan itong malaman ni Earth.

Nasa Tambayan na agad si Earth pagbaba ko sa sasakyan. Naka-kunot ang noo nito na nakatingin sakin.

"Anong importanteng pag-uusapan natin?" tanong nito.

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon