Chapter 19

1.7K 27 2
                                    

Eula's Pov

Huling araw na namin ni Sean dito sa Pagudpud, nakakalungkot man isipin na iiwan na namin ang napakagandang paraisong ito pero kailangan. Ang buhay namin ay nasa Manila hindi dito.

Nakatingin ako ngayon sa asul na dagat na nasa aking harapan, pinagsawa ko ang aking mga mata sa napakagandang tanawin dahil mukhang matatagalan pa bago ako makapunta ulit dito.

"Nandyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." ani ni Sean. Lumapit ako saudi kanya at ipinulupot ko ang dalawang braso ko sa bewang nya.

"Pinagsasawa ko lang ang mga mata ko sa dagat, dahil mukhang matatagalan na naman bago tayo ulit makabalik dito."

"Don't worry next year balik ulit tayo dito..." he smiled at me and hugged me back. "Let's go, para maaga din tayong makarating sa Manila.

Natulog lang ako sa buong byahe siguro mula Pangasinan hanggang Manila. Ang sarap kasing tanawin ng dagat, kaya mula Ilocos hanggang La Union ay gising ako dahil natatanaw ko pa ang dagat.

Dumiretso kami sa isang restaurant ni Sean para kumain, medyo gutom narin ako dahil nag-order lang kami ng light meal sa Mc Do kanina.

"May I take you orders Sir?" ani ng waiter na umestima samin.

"One MaryLand Crabcake, a glass of pomegrenate juice and a slice of blackforest cake."

"How about you Ma'am?"

"Chicken Imperial, pineapple juice and a black magic cake." agad umalis ang waiter nang makuha ang order namin.

Tententenenentenenten.....

Napatingin kami sa phone ni Sean. Sino naman kaya itong tumatawag?

"Si mama, wait sasagutin ko." Sinagot nya ang phone nang hindi umaalis sa table, sabagay ang mama lang naman nya ang tumatawag.

"Hello Mom? Yes nakauwi kami.. Andito kami ngayon sa ®¥¢¢÷€[™√| Restaurant. Sige pagkatapos namin dito didiretso kami dun. Okay bye." ibinaba na nya ang phone at tumingin sakin. "Nanganak na daw ang kapatid mo baka gusto mong bumisita?"

Yey! Tita na ako, gusto ko na syang puntahan ngayon pero... "Gusto kong bumisita kaya lang, okay pang ba sayo?"

"Yes, don't worry okay lang. After natin kumain punta tayo dun."

"Okay, thank you Sean.."

Sana nga okay lang sa kanya na makitang buo na ang pamilya nina Jelli at Jiroh. Tahimik lang kaming kumain, manaka-nakang tumitingin ako sa kanya para basahin kung ano ang nasa isip nya pero bigo ako, clueless ako sa ekspresyon ng mukha nya.

"Jelli!" agad ko syang niyakap pagpasok ko sa kwarto nya sa St. Luke's. Medyo nanghihina pa sya pero kahit ganun ang ganda parin ng kapatid ko.

"Ate.." she gave me a weak smile. "Buti nakapunta ka agad, di ba kagagaling nyo lang ni Sean sa bakasyon?"

"Yup kararating lang namin pero dumiretso kami agad dito nung malaman namin. Kasama ko pala si Sean." tinawag ko si Sean na nakatayo malapit sa pinto.

"Congrats Jell." nakangiting bati ni Sean sa kanya.

"Thanks."

"Kumusta naman ang panganganak? Asan yung kasama mo dito? Sinong kamukha nung baby?" sunud-sunod na tanong ko.

"Hey easy ate, wag mo nang ipaalala sakin kung gaano kahirapnang manganak. Akala ko nga kanina mamamatay nako. Si Jiroh nasa nursery sinundo yung baby at di kopa alam kung sino ang kamukha dahil nahimatay ako after kong i-ere ang baby."

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon