Chapter 35

1.3K 23 1
                                    

Sean's Pov

Angela Dacpano Miranda

24 years old

Magka-edad lang sila ni Eula, ayon pa dito sa files nya ulilang lubos sya at dahil sa sariling pagsisikap ay nakapag-tapos sya.

Limang taon na ang relasyon nila ni Zac pero ang nakapagtataka ay wala man lang silang mga pictures bilang magkasintahan ang tanging naibigay lang sa akin ay yung ikinasal sila.

"Kkkkkkkkrrrrriiiiiiinggggggggg!"

Agad kong pinindot ang answer button ng intercom.

"Sir, Ma'am Einjelle wants to talk to you, nandito po sya sa labas ng opisina nyo." ani ng secretary ko.

"Send her in." Mukhang alam ko na kung ano ang ipinunta nya dito. Malamang nasabi na ni Earth sa kanya.

"Is it true?" bungad nya sakin pagpasok palang nya.

Hindi ako nagsalita bugkos iniabot ko sa kanya ang folder na binabasa ko.

"Oh my God!" naibulalas niya nang makita ang picture ni Angela.

"K-kamukha nya si ate!!"

"Ang hinala ni Earth sya at si Eula ay iisa, pero malaking palaisipan parin samin kung bakit sa nagpapanggap."

"Hindi kaya mas amnesia sya kaya di nya tayo maalala, hindi ba kasama sya sa aksidente. " ani nito na nakatitig parin sa larawan ni Angela.

"Kung may amnesia sya dapat pursigido syang malaman kung sino si Eula. Ang kaso hindi eh, ni wala syang pakialam na kamukha nya si Eula."

"Kailangan ko rin syang makita."

"Hindi ito ang tamang oras Jell, natakot sya sa inakto ni Earth. Baka nga hindi na nila ituloy ang project namin." yun pa ang isang ikinababahala ko dahil dalawang linggo na simula nang mangyari ang insidente sa Nasugbu pero wala pa akong update kay Zac. Hindi ko tuloy magawa ang plano namin ni Earth na kumuha ng DNA sample nya.

"Pero Sean...."

"May tamang araw din para dyan Jell, oras na mapatunayan natin na sya si Eula." nanlulumo itong napaupo sa sofa at inirapan ako.

Napangiti na lang ako sa inasal nya.

Bigla ulit tumunog ang intercom at sabay kaming napatingin doon.

"Sir nandito po ngayon si Mrs. Angela Miranda gusto daw po nya kayong makausap." napaawang ang  labi ko sa narinig. Mukhang nasagot agad ang panalangin ni Jelli.

"Send her in." tumingin ako kay Jelli na nakatingin din sakin. "Angela Miranda is here." napanganga sya sa sinabi ko.

Magsasalita sana sya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Angela.

Natigilan din sya nang mabaling ang tingin kay Jelli.

Tumayo ako at lumapit sa kanila para basagin ang katahimikan.

"Mrs. Miranda, what brought you here?" tanong ko nang makalapit sa kanya.

She cleared her troath then looked at me. "Pumunta ako dito para mapag-usapan natin kung kailan uumpisahan ang paggawa sa bahay ko. And to check the design of the house.

"Oh, okay." lumingon ako kay Jelli na nakatingin din sakin na parang binibigyan ako ng "INTRODUCE ME" look. "Oh by the way this is Einjelle Rhian Villaflor twin sister of Earth."

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon