Chapter 12

1.9K 23 0
                                    

Eula's Pov

Ang bilis ng araw!

Isang buwan na pala kaming kasal ni Sean. ;)

At sa isang buwan na yun madalas kaming hindi magkita. Ako subsob sa trabaho, samantalang sya busy sa school.

Sa gabi naman madalas ay darating nakong tulog sya, kaya wala kaming oras mag-bonding.

Gaya ngayon, naabutan ko syang tulog na naman.

Dumiretso ako sa banyo para maligo dahil nanlalagkit ako. Tumabi ako kay Sean pagkatapos kong maligo, ang gwapo talaga ng asawa ko hihi! Hinaplos ko ang mukha nya, papunta sa ilong at labi niya. Napatitig ako sa mga labi nya, mapupula ang mga iyon at tila nag- aanyaya.

"Baka wala nang matira sakin nyan, malapit nakong matunaw sa mga titig mo." nagulat ako nang bigla syang magsalita.

"Sorry naistorbo ba kita?" namula ako nang makita kong nakatingin sya sakin at nakangiti.

"Okay lang." hinila nya ako palapit sa kanya. "Na-miss kita, wala ka nang oras sakin." nahimigan ko ang pagtatampo sa boses nya.

"Pasensya na medyo busy eh, tambak ang trabaho ko sa opisina. Ikaw nga dyan medyo busy karin, di ba finals nyo na next week."

"Hmmmm... Summer break naman na next week, pwede ba tayong magbakasyon? Yung tayong dalawa lang?" aniya with matching puppy eyes.

"Subukan kong kausapin si Papa kung papayag sya."

"Sabihin mo bubuo na tayo para pumayag sya." namilog ang mga mata ko sa sinabi nya.

"W-what?!"

"O bakit? Anong masama sa sinabi ko? Mag-asawa naman na tayo wala naman sigurong masama kung mabuntis kita di ba?" natatawang sabi niya habang ako pulang-pula na.

"Pero di pa ako handa, sabi nila mahirap daw magbuntis."

"Don't worry I'm always here, pamilya na tayo kaya hindi kita iiwan. Tulog na tayo antok na ako." niyakap nya ako ng mahigpit at sumubsog ako sa dibdib nya.

Tama si Sean, pamilya na kami at asawa ko sya, hindi naman siguro masama kung magka-baby na kami.

Sa kakaisip ko di ko namalayan na nalatulog na pala ako.

•••••••

Bumangon ako agad para ipaghanda si Sean ng almusal. May meeting ako ngayong alas otso ng umaga kaya sa office nalang ako kakain.

Tulog parin si Sean nang matapos ako. Hinayaan ko muna sya para makaligo ako at makapag-ayos.

Ginising ko sya nang matapos ako. "Sean gising na may niluto akong almusal, kumain ka muna bago pumasok."

"Hindi mo ba ako sasabayan?" anito habang pinupunasan ang mata.

"Hindi na may breakfast meeting ako ngayon, doon na ako kakain. Alis nako." Tumayo na ako sa kama at aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Sandali." di ko napigilang matawa sa itsura nya, nakanguso sya na nakatingin sakin.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" natatawang tanong ko.

"Aalis ka wala man lang akong kiss." lumapit ako sa kanya para bigyan sya ng goodbye kiss. "O ayan sige alis nako."

"Ingat ka!" pahabol nya sakin bago ako nakalabas.

•••

Dumiretso ako sa conference room pagdating ko sa VG Building. Ipapakilala ngayon ang bagong investor at ang anak nya na magiging isa sa mga board of directors.

Hindi ko pa nakakausap si Papa kaya hindi ko pa sila kilala.

Naabutan ko ang ilang board of directors sa loob. Nagbatian muna kami bago ako umupo.

Abala ako sa paglalikot ng laptop ko kaya nang may pumasok sa conference room. Di ko muna sila tinignan dahil kailangan kong i-scan maige ang presentation ko.

"Ladies and gentlemen, meet Mr. Ernesto Tamayo and his son Eithan Nite Tamayo the new investors of Villaflor Group of Companies.

Napanganga ako nang makita ko si Nite na nakatayo sa harapan ko at nakangiting nakatitig sakin.

"Hi Eula...." He said with angelic smile.

"N-Nite..."

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon