Chapter 18

1.8K 21 0
                                    

Eula's Pov

"We're here!" nagising ako nang i-anunsyo ni Sean na nakarating na kami sa Pagudpud. Nakatulog ako sa byahe dahil maaga kaming gumising kanina para maghanda.

Napapikit ako nang tumama ang malamig na hangin ng dagat sa mukha ko.

Ini-spread ko ang mga braso ko para mas lalong ma-feel ang hampas ng hangin.

Titanic lang ang peg hehehe.... Asan na ba si Jack?

"Tama na yan tara na sa loob." napalingon ako kay Sean na nakatayo at nakangiting nakatingin sakin.

Namangha ako sa ganda ng bahay na tutuluyan namin. Ang ganda, puro glass ang bintana kaya malamang kahit na nasa loob ka ay makikita mo ang kagandahan ng Ilocos!

"Tayong dalawa lang ba ang nandito?" tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa loob ng bahay.

"Yup, yung caretaker nakatira lang malapit dito. Sya rin ang magluluto para satin, makikilala mo sya mamaya. Tara sa kwarto magpahinga ka muna dun mukhang inaantok ka pa." sumama ako sa kanya sa magiging kwarto namin.

"Iwan muna kita dito, may pupuntahan lang ako." paalam ni Sean. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Nang makaalis sya ay nagbihis na ako ng komportableng damit para makatulog ulit.

°°°°°°°°°°°°°°°°°

Nite's Pov

Shit!

Naibato ko ang cellphone ko nang i-report sakin na hindi nasundan ng inuupahan kong tao sina Eula at Sean.

Kagabi ko lang nalaman na naka-leave ng isang linggo si Eula para magbakasyon kasama si Sean. That bastard nautakan na naman nya ako.

Hindi ako papayag na malamangan nya ulit ako, kailangang gumawa ako ng paraan!

Sige magpakasaya ka ngayon Quiambao dahil pagbalik nyo dito sisiguraduhin ko na mapapasaakin na si Eula!

•••••••••••••••••••••

Eula's Pov

Nagising ako nang may brasong yumakap sakin, paglingon ko ay nakangiting mukha ni Sean ang bumungad sakin.

"Wake up sleepy head, may pupuntahan tayo." aniya bago ako hinalikan sa noo.

"Saan tayo pupunta?"

"You'll find out later honey, magbihis ka na wear your casual dress." bumangon ako agad at dumiretso sa banyo para maligo.

Wala si Sean sa kwarto paglabas ko, kaya nagbihis na ako at lumabas sa kwarto.

Naabutan ko sya na nanonood ng Tv sa sala agad syang tumayo nang makita ako.

"Tara." hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming lumabas.

"Umidlip ka muna kung gusto mo, medyo malayo ang pupuntahan natin." aniya habang nagmamaneho.

"San ba talaga tayo pupunta?"

"You'll find out when we get there okay." hindi na ako nagsalita, umidlip muna ako at hinayaan syang mag-drive.

"Eula andito na tayo." anunsyo ni Sean. Agad akong tumingin sa labas, gabi na pala.

Namangha ako sa nakita kong magandang tanawin sa dagat. Anong meron?

"May nagsabi sakin na mahilig ka daw sa stars, fireworks at iba pang kumikislap kaya kita dinala dito." ani ni Sean nang makababa kami sa sasakyan.

"Nasaan tayo?" tanong ko habang manghang nakatingin sa dagat. Ang daming bangka na may magagandang ilaw. Parang festival na ang mga float ay pumaparada sa dagat.

"San Fernando City, La Union they are celebrating their second Sillag Festival, tara punta tayo dun manood tayo sa programa nila." hinawakan nya ang kamay ko at pumunta sa lugar ng main event.

Pinanood namin ang mga kabataang sumasayaw na ang props ay ilaw.

Marami pa kaming pinanood at sobrang naaliw ako sa mga naggagandahang ilaw.

Napatingin ako sa kasama ko na abala din sa panonood. Lumingon sya sakin at ngumiti. I murmured thanks to him, hindi nya alam kung gaano nya ako napasaya ngayon.

At ang finale ng festival ay ang pagpapalipad ng LED BALLOONS at pwede kang magtali ng note doon with your wish.

Last year sky lantern ang ginamit nila sa finale pero dahil banned nang gamitin yun LED balloons nalang.

Iniabot nya sakin ang isang papel at ballpen para isulat ang hiling ko.

"Anong nilagay mo?" tanong nya.

"Uhm secret." wala akong balak sabihin sa kanya ang wish ko.

Nang matapos ang closing part ng festival ay pumunta na kami sa kotse nya.

"Sean pwede dito muna tayo? Papanoorin ko muna habang natatanaw ko pa ang mga balloons."

Umupo ako sa harap ng sasakyan nya habang nakatingala.

Sana matupad ang wish ko, kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal matupad lang ang hiling ko.

"Sana mahalin ako ni Sean ng higit sa pagmamahal nya sa kapatid ko"

Iyon ang nilalaman ng wish ko. Ang mahalin din ako ni Sean dahil pakiramdam ko may pagmamahal ako sa kanya na unti-unting lumalalim sa bawat araw na nakakasama ko sya.

"Sean... Salamat." tumayo ako sa harap nya at ikinawit ang braso ko sa leeg nya. "Thanks for making this day an unfogettable expirience."

I reached his lips ang kissed him.

I love you Sean...

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon