Chapter 24

1.5K 15 0
                                    

Sean's Pov

"So it's true that you're back, tsk! Epal ka talaga kahit kailan." bati sakin ni Nite nang bumaba sya sa kotse.

"Really? Ako ang asawa kaya alam mo dapat kung saan ka lulugar Tamayo!!" napakuyom ako kaunti nalang talaga.

"Ako ang nauna sa buhay nya, wala ka pa ay matalik na kaming makaibigan."

I smirked on what he said. "Kaibigan, nanggaling na sa mismong bibig mo na kaibigan ka lang."

"Pero hindi na ngayon, tommorow night magkikita kami ng asawa mo. Kung gusto mo talagang malaman kung ano ang mayroon kami pumunta ka bukas."

"What do you mean?"

"You'll find out tommorow

Quiambao, See you." tumalikod na sya at sumakay sa sasakyan.

Naiwan akong natitigilan, nagkamali na naman ba ako ng minahal? Napasipa ako sa hood ng kotse ko, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Dalawang linggo lang akong nawala tapos ganito pa ang sasalubong sakin? Fvck!

Bukas ng gabi ko malalalaman ang sagot sa lahat ng mga tanong ko. Siguro ay mas tama ng na makita ng dalawang mata ko kung ano nga bang klaseng babae ang minahal at pinakasalan ko....

Nite's Pov

"Abangan nyo sya mamayang pag-uwi nya. Dapat malayo na sya dito sa opisina para walang makakita. Kung pumalag patulugin nyo at wag na wag nyong sasaktan."

[Sige boss.]

Napangiti ako, mamayang gabi na ang pinakahihintay kong araw. Ang paghihiwalay nina Eula at Sean. Napakagaling ko talagang umarte dahil nauto ko si Eula na makipagkaibigan ulit sakin. Ang hindi nya alam planado ang lahat.

Biglang nag-ring ang cellphone ko..

Chantal Calling.....

[May progress na ba ang mga plano mo? ]

"Yes my dear, mamayang gabi na ang pagtatapos." I laughed.

[Good. I can't wait siguradong sa akin ulit tatakbo si Sean. And

this time sisiguraduhin kong hindi na sya makakawala.]

"At sisiguraduhin ko rin na mapapasaakin si Eula, kahit magtagal pa. Masaya ako kung mapaghihiwalay ko sila ni Quiambao."

[Sige I'll wait for your update.]

She ended the call.

Chantal Monteverde,

Sya ang naging kakampi ko sa mga plano ko, isa sa mga flings ni Sean na patay na patay sa kanya...

Flashback...

There they are happy having their lunch, nagulat ako nang biglang may yumakap kay Tamoyo. A sophisticated girl maybe one of his flings.

Then after a while umalis din, agad ko syang sinundan. Malakas ang pakiramdam ko na sya ang makakatulong sa mga plano ko...

"Hi." I saw her in the parking lot.

"Who are you?" She asked. I saw a trace of tears on her cheeks.

"I am Eithan Nite Tamayo kakampi mo ako, magtulungan tayo. Alam kong malaki ang interes mo kay Sean Tamayo. I saw what you did a while ago."

"At may gusto ka rin kay Eurella?"

"Yes, here's my card. Call me kapag nakapag-isip ka na. Bye.

And I was right, she called and told me na magtulungan kami para maghiwalay ang mag-asawa.

Sya ang nag-hire ng tauhan para pasundan kami ni Eula at kuhanan ng pictures na ipapadala kay Sean. Lahat ng pagkakataon ay umaayon sakin.

At ngayon ko maisasakatuparan ang plano ko.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Eula's Pov

Masaya ako dahil magkasama na kami ulit ni Sean, hindi kami nakapag-bonding kahapon dahil pumasok sya kahit linggo. Marami kasi syang kailangang ireport sa opisina nila.

Late naman syang umuwi kinagabihan at lasing pa, nagkayayaan daw silang magkakaibigan. Hindi tuloy kami nakapag-bonding, psh! Pakiramdam ko tuloy wala parin sya sa tabi ko.

Kaninang umaga naman hindi ko na sya naabutan dahil maaga syang pumasok. Di bale, mamayang gabi babawi ako at sisiguraduhin ko na mapapasaya ko sya sa naisip kong plano mamayang gabi.

Ginugol ko ang sarili ko sa trabaho para mabilis na matapos ang oras, excited narin ako para mamaya.

Hindi ko dala ang kotse ko kaya nag-taxi nalang ako pauwi, maaga akong uuwi para makapaghanda ng dinner.

Hindi pa kami nakakalayo nang biglang may tumigil na puting van sa harap ng sinasakyan kong taxi at nagsibabaan at tatlong lalaking naka-bonnet.

Kinabahan ako nang lumapit sila sa taxi at tinutukan kami ng baril.

"Sumama ka samin." ani ng isa nang mabuksan ang pinto.

"T-teka sino kayo anong kailangan nyo! Tu-!"

May itinakip sya na panyo sa bibig ko at biglang nagdilim ang paningin ko......

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon