Chapter 8

2K 28 0
                                    

Eula's Pov

"N-no! Wag kang lalapit!" Gosh! Kararating lang namin sa hotel ito agad ang gusto nya.

"Why not? Kasal na tayo ang I have the right to have sex with you." nakangising sabi nito na humahakbang palapit sakin habang isa-isang tinatanggal ang butones ng polo nito.

" P-pero kararating lang natin, may jetlag pa tayo di ba pwedeng matulog muna?" Naramadaman ko sa likod ko ang pader ng kwarto namin.

Shit dead end!

Bago pa ako nakaalis sa kinalalagyan ko ay agad nyang itinukod ang dalawang braso nya.

"No, it can't wait honey." he said with husky tone and devil smile.

Patay ako nito...

Dahan-dahan niyang inilapit sakin ang mukha nya.... Napapikit nalang ako habang hinihintay ko ang paglapat ng kaniyang mga labi sakin.

10...

20...

30....

40....

Ang tagal naman yata? Iminulat ko ang mata ko, only to see na wala na pala si Sean sa harap ko.

Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo! Hindi ko man lang naramdaman na nakaalis sya kaagad sa harap ko. Nadala ako masyado sa Takot o Excitement?

Psh!

Nakahinga ako ng maluwag ligtas ako sa ngayon. Naupo ako sa kama at binuksan ang tv at nanood.

Boring ang palabas kaya pinatay ko nalang ulit, nahiga nalang ako saudi kama at pumikit. Magpapahinga nalang ako at tutulugan si Sean....

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Sean's Pov

I saw the fear in her eyes a while ago, and I can tell that she's still a virgin.

Nice, first is her virginity, next is her happiness and freedom.

Tignan natin kung makakatagal ka Eula, ikaw ang magiging instrumento ko para makaganti sa pamilya mo. Siguradong pag nasaktan ka masasaktan din sila lalo na si Jelli.

Sisiguraduhin ko na pagsisisihan nila na ikaw ang ipinakasal sakin. Nararamdaman ko parin ang sakit sa tuwing naaalala ko ang mga masasakit na salitang binitawan sakin ni Jelli.

Flashback..

"Ano ba ang dapat kong gawin para ako ang piliin mo Jell? Kaya ko naman tanggapin ang anak mo aakuin ko sya basta ako lang piliin mo!" pagmamakaawa ko sa kanya habang nakaluhod ako.

"Si Jiroh ang mahal ko Sean at pumayag na si Papa na kami ang magpakasal."

"H-hindi! Kakausapin ko sya dapat tayo ang ikasal Jell akin ka lang! Sumama ka sakin!"

"Bitawan mo sya!" Agad akong sinuntok ni Jiroh na nasa di-kalayuan lang pala nang makita nya na hinihila ko si Jelli.

"Tigilan mo na kami Sean, hindi kita mahal at kahit kailan hindi kita mamahalin." iyon ang katagang huling narinig ko kay Jelli

Agad silang umalis ni Jelli matapos akong bugbugin ni Jiroh.

Ipinilig ko ang ulo ko para makalimutan ang eksenang yon.

Simula noon hindi ko na sila nakita, nakiusap ako sa mga magulang ko pero di sila nakinig. Maging sa mga magulang ni Jelli pero wala ring nangyari. Hanggang sa magdesisyon silang ipakasal nalang sakin si Eula, ang panganay na kapatid ni Jelli.

Pumayag ako dahil sa planong nabuo sa utak ko, Si Eula siya ang magiging instrumento ko para gumanti. Pahihirapan ko sya hanggang sya na mismo ang magmakaawa sakin at magalit sa kapatid nya na tumalikod sa kasal namin.

Nakita kong tulog na si Eula paglabas ko sa banyo. Hinayaan ko na muna sya, lalabas muna ako para magpakalasing.

After kong magbihis kinuha ko ang cellphone ko at wallet bago lumabas sa kwarto.

°′°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Eula's Pov

Medyo madilim na paggising ko, tanging lampshade sa gilid ko ang nakasindi. Kinapa ko ang side ng kama, pero wala si Sean doon.

Nakaramdam ako ng gutom, I checked the time and it's already eight o'clock in the evening.

Tumawag ako sa room service para um-order ng pagkain.

Mukhang wala si Sean, Saan kaya nagpunta yun? Ang alam ko 3 days kami dito sa Paris, at bukas sisimulan naming mamasyal. Kailangan naming gawin un dahin nagre-request sina papa ng pictures.

Pagdating ng pagkain ko ay agad akong kumain, hindi ko na hinintay si Sean malamang nakakain na yun sa ma oras na ito.

Pagkatapos kong kumain, pumili ako sa maleta ko ng pantulog then I went to the bathroom para maligo na at nang makatulog na ulit.

Nagulat ako nang paglabas ko ng banyo ay nasa kwarto na si Sean at nakaupo sa kama at nakatingin sa akin.

Bigla syang ngumisi.

Lagot!

Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari ......

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon