Chapter 20

1.7K 21 2
                                    

Eula's Pov

Masaya ako sa naging takbo ng relasyon namin ni Sean. Simula noong sinabi nya sakin ang totoo pakiramdam ko naging magaan ang lahat.

Pansamantala syang nagtratrabaho ngayon sa pamilya nya dahil sinasanay na nila sya. Sabagay isang taon na lang naman ay ipapahawak na sa kanya ang kumpanya nila.

Pero kahit busy sya lagi parin syang may oras para samin. Lagi nya akong sinusundo tuwing hapon at minsan namamasyal muna kami bago umuwi. Tuwing linggo naman ay wala kaming pasok kaya madalas pumupunta kami either sa pamilya ko o sa pamilya nya para maka-bonding din sila.

Di narin ako masyang ginugulo ni Nite, minsan nag-uusap kami pero pure business matters lang. Pero mayroong mga pagkakataon na nahuhuli ko syang nakatitig sa akin na parang may malalim na iniisip o masamang binabalak. Pero di ko nalang pinapansin ayoko ring pagtuunan ng pansin ang mga bagay na wala namang kasiguraduhan.

"Tententenentenenten....."

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumunog ang phone ko.

"Hello, napatawag ka?"

[Hon di kita masusundo mamaya may biglaang meeting kami this afternoon kaya late akong makakauwi.]

"Ganun ba? Sige okay lang I understand, pupunta rin naman ako sa supermarket mamaya. Wala narin kasi tayong stocks sa bahay."

[Okay sige, text mo nalang ako pag nakauwi ka na. Bye.]

"Bye."

Sinipat ko ang relo ko quarter to five na pala. Inayos ko ang mga papeles sa mesa ko bago lumabas ng opisina. Naabutan ko sa labas si Alyanna na abala pa. Binilinan ko sya na umuwi narin bago ako umalis.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid ako sa SM, magsho-shopping muna ako bago ako mamimili ng stocks para sa bahay. Matagal ko naring hindi nagagawa to simula nang mag-asawa ako.

Umagaw sa atensyon ko ang isang velvet prada bag na nakadisplay. Agad kong nilapitan at akmang hihilain nang may kamay din na biglang humablot.

"Excuse me nauna ak- Misty!"

"Eula! Oh my gosh ikaw na ba yan?" gulat na sabi din ni Misty, she is my girl bff nung collage. But we part ways nung high school dahil pumunta sa sa US para tuparin ang pangarap nya na maging modelo.

"Ako nga to! Kumusta ka na!" niyakap ko sya ng mahigpit. Na-miss ko tong babaeng to.

"Okay lang, I'll stay here for good."

"What? Paano naman ang career mo sa America?"

"Dad needs me, alam mo naman na ako lang ang anak nila kaya ako lang aasahan nilang papalit sa pwesto ni Dad sa kumpanya namin." malungkot na sabi nito.

Nagkayayaan kaming kumain sa isang restaurant para mag-tsikahan pa.

"Totoo ba ang balita na ikinasal ka na?" tanong nya habang hinihintay ang order namin.

"Yup kay Sean Quiambao, ipapakilala ko sya sayo minsan."

"Talaga? Sige, dinner tayo minsan sama natin mga fafa natin."

Marami pa kaming napagkwentuhan bago kami naghiwalay, masaya ako dahil sa wakas maykaibigan na ulit ako. Hindi ako friendly na tao kaya iilan lang ang mga kaibigan ko, yung matatagalan ako kaya sina Nite at Misty lang ang tinuring kong bestfriends. Nalungkot ako nang mawala si Nite sa Bestfriend list ko dahil sa nararamdaman nya para sakin.

Pagkatapos kong mamili ng gamit para sa bahay ay umuwi na ako, balak kong magluto ng dinner namin ni Sean.

Nagulat ako dahil nasa garahe na ang kotse ni Sean pag-uwi ko.

Naabutan ko sya sala nanonood ng TV at nakabihis na.

"Saan ka galing? Ang tagal mo naman yatang nag-grocery?" tanong nya nang mapansin ako.

"Uhm nagkita kasi kami ng bestfriend ko..."

"Si Tamayo! Di ba sabi ko iwasan mo na sya."

Natawa ako sa reaksyon nya. "Hindi sya ang kasama ko, si Misty."

"Misty?"

"Misty Aguas bestfriend ko, nasa America sya kaya di sya nakadalo sa kasal natin." pumunta na ako sa kusina para ayusin ang mga pinamili ko.

Nagbihis muna ako bago nagluto ng dinner, habang abala si Sean sa panonod ng TV. Wala si Manang kaya ako muna ang nag-aasikaso ng bahay.

Nagulat ako nang may biglang yumakap sakin mula sa likod.

"Anong niluluto mo?" bulong nya sakin.

"Beef Steak, favorite mo ngayon ang iluluto ko dahil espesyal ang araw na to...."

"Anong meron?"

"Basta dyan ka lang at pagkatapos ko dito kakain tayo sa labas." itinulak ko sya at kinindatan.

Napakunot ang noo nya. "Hon nagluluto ka na di ba? Bakit pa tayo kakain sa labas?" maang na tanong nya.

"Sira sa garden tayo kakain, parang picnic hehe. Kakain tayo under the stars."

He chuckled on what I said. "Okay sige kukuha ako ng kumot at unan para after natin kumain mag-stargazing tayo."

"Good idea!" umakyat na sya sa taas para kumuha ng kumot at unan. Patapos narin ako kaya inihanda ko na ang pagkain namin.

Sya na ang nag-ayos ng gagamitin namin ako naman ang naghanda ng kakainin namin.

Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain, ikinuwento nya kung gaano ka-stress ang magtrabaho sa kumpanya ng magulang nya.

Tinuruan ko rin sya ng mga strategies para hindi sya gaanong ma-stress.

"Ano nga pala ang okasyon ngayon?" tanong nya.

Ngumiti ako at palihim na hinugot sa bulsa ko ang isang box na may lamang kwintas. Nang makita ko ito kanina naalala ko si Sean, iniisip ko kung paano ko ito ibibigay sa kanya nang maalala ko ang petsa ngayon.

"Happy 6th Wedding Monthsary." ngumiti ako at iniabot sa kanya ang regalo ko. Isa itong 24 karat na kwintas ng may pendant na 'S'. Kinuha ko ang kwintas at isinuot sa kanya. "Nagustuhan mo ba?"

Ngumiti sya sakin habang hawak ang pendant. "Yes, I'll wear this everyday and thank you. Sorry wala akong regalo nakalimutan ko na Half year na pala natin today as couple."

"Okay lang, naiintindihan ko naman na busy ka. Bawi ka nalang sa anniversary natin."

Yumakap sya sakin at hinalikan ako sa pisngi. "Thank you for everything Eula, I feel like I am the luckiest person in the world co'z I have you."

I just smiled at him. Then he whispered the words that made me stiffed.

"I love you Eula.....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

A.N.

Lame update sorry... :-)

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon