Chapter 29

1.7K 28 3
                                    

Sean's Pov

From: Jiroh

They already found her.

At last, it's been three weeks since the plane crash happened but still they haven't found her body. We almost lost all of our hope.

Sa loob ng tatlong linggo wala akong ibang ginawa kundi pumunta sa Coastguard, sa NBI maging sa Philippine Navy para makibalita.

Walang hinanakit sakin ang mga magulang ni Eula dahil pare-pareho lang kaming naniwala kay Nite. Hindi ko rin nagawang kausapin si Nite dahil ayon sa NBI sya yung nasunog na bangkay sa isang aksidente na naganap bago ang plane crash.

Ako ang sinisisi nina Jelli at Earth sa pagkamatay ng ate nila. Hindi ko naman sila masisi dahil alam kong kasalanan ko ang lahat.

Dahil hindi ako naniwala kay Eula....

I sighed. Nagreply ako kay Jiroh para itanong kung nasaan ang bangkay ni Eula.

He said they are on their way to Subic and wait for the coastguards. I immidiately grabbed my car keys and drove to Subic.

Pagbaba ko ay sinalubong ako ni Jiroh.

"Parating na sila." ani nito.

Niyakap ko ang mga magulang ni Eula paglapit ko sa kanila, samantalang sina Jelli at Earth ay di man lang ako tinignan.

Maya-maya pa ay may dumating nang vessel ng coastguard. Agad kaming lumapit sa kanila.

"Ma'am we are not sure if the body is Ms. Villaflor. Tignan nyo nalang po para makumpirma, pero mahihirapan po tayo dahil sunog na sunog ang bangkay at naaagnas na." ani ng coastguard.

"Sige titignan parin namin sya para may makita man lang kaming palatandaan kung ang anak nga namin iyon." ani ng papa ni Eula.

Tumango naman ang coastguard at inutusan ang mga kasama niya na dalhin sa amin ang bangkay.

Pagbukas palang ng zipper ay naamoy na namin ang nakasusulasok na amoy.

Napasinghap si Mrs. Villaflor nang makita ang bangkay at unti-unting tumulo ang luha nito.

"Hon, sya nga si Eula. Ang Eula natin." anito at tuluyan nang napahagulgol. "Yung kwintas na suot nya yun yung niregalo ko sa kanya noong 18th birthday nya. At kahit kailan hindi pa nya iyan hinuhubad."

Napatingin ako sa kwintas ni na suot ng bangkay. Napansin ko nga na iyon ang laging suot ni Eula.

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko matanggap ang kalunos-lunos na dinanas ni Eula at kasalanan ko lahat.

Lalapitan ko sana ang bangkay ni Eula nang bigla akong harangan ni Earth. "Hindi mo na asawa ang ate ko Sean kaya wala ka nang lugar dito. At wag na wag mong tatangkain pang lumapit sa kanya."

Napayuko ako, Oo nga pala wala nakong karapatan sa kanya. At ako ang may kasalanan kung bakit sya nawala.

"Please Jiroh gusto ko rin syang makasama." pagmamakaawa ko.

"Let him Earth, baka iyon din ang gusto ni Ate." ani ni Jelli. "Ipapa-cremate ang bangkay nya pag-uwi sa manila. Yun ang gusto nina papa, hindi rin namin kaya na makita sya sa ganyang kalagayan."

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon, ayoko din na ilibing si Eula sa ganung kalagayan. Iniisip ko palang ang hirap na dinanas nya ay nananakit na ang dibdib ko.

Pagkatapos i-cremate ang bangkay ni Eula agad siyang iniuwi ng mga magulang nya sa kanilang bahay para paglamayan ng dalawang araw. Umuwi muna ako para kumuha ng damit dahil pinakiusapan ko rin ang mga magulang nya na doon muna ako tumuloy hanggang sa libing.

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon