Chapter 39

1.2K 31 4
                                    

Sean's Pov

"We already found her." ani ni Earth na pumunta dito sa condo ko para bisitahin si Travis.

"Kumusta sya?" tatlong linggo na rin ang nakalilipas simula nang alagaan ko ang anak namin. Alam kong anak ko si Travis dahil naramdaman ko sa kanya ang tinatawag nilang lukso ng dugo.

"Tulog parin sya until now, gusto mo bang sumama sa pagbisita?"

"Sige." sabik na rin akong makita sya, napag-alaman namin na ang babaeng napagkamalan naming si Eula ay si Erin. Isang sikat na pintor sa Madrid,  pinaghahanap si Erin ng pamilya nya at sa tinagal-tagal ng paghahanap ay  nahanap narin nila si Erin.

Habang nasa sasakyan kami ay di ako mapakali, ito ang ikatlong  pagkakataon na bibisitahin ko ulit si Eula. Ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay ang yakapin sya ng mahigpit at iparamdam kung gaano ako kasabik na makasama syang muli.

Napag-alaman ko ang pangba-baboy na ginawa ni Nite sa kanya sayang lang dahil hindi ko sya naipaghiganti dahil patay na ang demonyong iyon!

"Anong plano mo ngayong alam mo na ang totoo? At tanggap mo parin ba sya kahit na ganun ang nangyari sa kanya?" tanong ni Earth.

"Kahit ano pa ang mangyari lagi lang akong nandito para sa kanya. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang kapatid mo." tumango lang si Earth bilang pagsang-ayon.

Pinauna ko muna si Earth sa kwarto ni Eula dahil kailangan ko pang dalhin si Travis sa Doctor para ipa-check up. Nagkaroon kasi sya ng lagnat kagabi, ang sabi ng doktor marahil ay naninibago parin ito dahil hindi nito nakakasama ang ina.

Agad kaming pumunta ni Travis sa kwarto ni Eula pagkatapos ng check-up. Papasok na sana kami nang marinig ko syang magsalita!

Nagdiwang ang damdamin ko dahil gising na rin sya sa Wakas!

"Kumusta si Travis?" narinig kong tanong ni Sean.

"Dadalhin sya ulit mamaya dito ni Sean. Alam mo bang silang dalawa ang nagbabantay sayo dito, mahal na mahal ka parin ni Sean ate.."

"Hindi na nya ako matatanggap ngayon dahil isa na akong maruming babae Earth, hindi ko mabilang kung ilang beses ako-"

"Matatanggap kita kahit anong mangyari dahil mahal kita." nanlaki ang mata nya nang makita ako.

"S-Sean...." bulong nya. Napatakip sya sa bibig at unti-unting pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

"Wala kang dapat ikabahala Eula dahil nandito lamang ako. Hindi kita iiwan... Magsasama na tayong tatlo, tayong tatlo ng anak natin..." lumapit kami sa kanya at kasabay ng pagbuhat nya kay Travis ay ang paghagulgol nya.

"Salamat Sean... Salamat..." mahigpit ko siyang niyakap, hindi ko rin napigilan ang pagtulo ng luha ko sa sobrang saya. Dahil sa wakas buo na kami... Sino ba ang mag-aakala na buhay pa pala sya at mabibigyan pa ako ng pagkakataon na makasama sya.

Sa pangalawang pagkakataon na ito ay sisiguraduhin kong itatama ko ang lahat...

"Mahal na mahal kita Eula...." bulong ko sa kanya.

♥♥

a.n.

o ayan na po ang update!

pasensya na kung ngayon lang dahil na-blocked talaga ako sa kwento na ito.... ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon