Chapter 22

1.5K 15 0
                                    

Eula's Pov

Three days na kaming hindi nagkikita ni Sean. Nagtatampo ako dahil hindi man lang sya nagpaalam sakin ng maayos tanging note lang ang iniwan nya na may nakasulat na.

"hon, I'll be gone for two weeks wag mo kong ma-miss ah. baka di ako makapagtrabaho ng maayos. Love, Sean."

Kanina ko lang nalaman na nasa Singapore sya ngayon at pinahawak sa kanya ng papa nya ang isang project doon.

Ginugol ko nalang ang sarili ko sa trabaho para hindi ko sya masyadong ma-miss.

Naiinis ako dahil kung kelan malapit na kami sa isa't isa ay saka naman sya inilayo sakin.

Parang nananadya ang pagkakataon.

"Miss Eula nasa labas po si Mr. Tamayo at gusto nya kayong makausap." natigilan ako nang marinig ang boses ni Alyana.

Ano naman kaya kailangan ni Nite? Haharapin ko ba sya? Saglit akong nag-isip bago sumagot.

"Send him in."

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ay at pumasok si Nite.

"Anong kailangan mo?" Medyo naging matured ang itsura nya. He has stabbles in his face pero bumagay sa medyo wavy nyang buhok. Medyo nakakapanibago dahil nasanay ako na lagi syang cleaned cut eversince.

"Bhez can we talk?" he called me bhez, our endearment when we are in college. Na-miss ko bigla ang pagkakaibigan na meron kami noon. He's always on my side, on my ups and downs. I am so greatful back then co'z I have him. But everything has changed since he confessed his feelings for me. I do love him as a friend and as a brother. Hanggang doon lang kaya umiwas ako at lumayo.

"Sige, talk I'll listen." i arranged all my papers ang intently looked at him, waiting for him to speak.

Bumuga muna sya ng hangin bago nagsalita. "I'm sorry, sa mga inasal ko. I admit it was a childish act dapat hinayaan na lang kita na maging masaya. Sana mapatawad mo pa ako. I want my bestfriend back." he said and can feel the sincerity in his tone. God knows kung gaano kaimportante tong bestfriend ko sakin. Maybe it's not a bad idea to give our friendship a second chance.

"Okay, I'll give you a chance to prove it. Basta ipangako mo na hindi mo na kami guguluhing mag-asawa." I said.

"Really? I promise di ko na kayo guguluhin." He smiled, yung ngiti na abot hanggang mata.

"Good."

"So can I invite you for dinner later? Please na-miss ko nang ka-bonding ang bhez ko."

Wala naman sigurong masama kung pumayag ako. I miss hanging out with him.

"Sige, basta ba sa favorite nating restaurant."

Pagkatapos ng trabaho ay sabay kami ni Nite na lumabas sa building, at dumiretso sa paborito naming restaurant.

"Ako na ang oorder para sayo." sinabi nya sa waiter ang order namin at hindi pa talaga nya nakakalimutan ang pagkain na madalas kong orderin.

"So kumusta naman ang buhay may asawa?" tanong nya nang umalis na ang waiter.

"Masaya, lalo ngayong mahal na mahal namin ang isa't isa." bigla kong naaalala yung bilin ni Sean. Patay, siguradong magagalit yun pag nalaman nya na nakipaglapit ulit ako kay Nite.

"That's good to hear, sana makahanap narin ako ng para sakin."

"Alam kong makakahanap ka rin ng para sayo. Uhm Nite, pwedeng ilihim muna natin kay Sean na okay na tayo. Ayoko kasing magalit sya sakin. Sasabihin ko nalang sa tamang panahon."

"Sure alam ko naman na malaki ang galit sakin ng asawa mo."

"Thanks."

Marami pa kaming napagkwentuhan at inalala ang nakaraan namin. Masaya ako dahil sa wakas bumalik na ang bestfriend ko...

"Thanks for that wonderful dinner bhez.." tumingkayad ako at hinalikan sya sa pisngi. Aksidente naman syang napaharap kaya nahalikan nya ako sa labi. Parehas kaming nailang sa nangyari.

"Uh.. Sorry sa nangyari. Sige I have to go." hindi ko na sya hinintay pang magsalita dahil nahihiya ako.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Sean. Pakiramdam ko na-guilty ako sa ginawa ko, pero dapat ko paring ilihim sa kanya ang tungkol sa pakikipaglapit ko ulit kay Nite.

Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag ko.

[Hello.] Ang boses nya parang bagong gising. Tsk! alas diyes na pala, naistorbo ko yata ang tulog nya.

"Naistorbo ba kita? Pasensya ka na gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog."

[Hindi naman, okay lang miss narin naman kita. Pasensya ka na ha? Wala na akong time para tumawag man lang sayo.]

"Okay lang, naiintindihan ko naman. O sige, ibababa ko na. Goodnight, i love you."

[I love you too.]

Pagkababa ko ng phone ay sumiretso na ako sa banyo para maligo.

Maaga akong pumasok sa opisina dahil tambak pa ang trabaho ko.

"Good morning bhez ang aga natin ah?" bati sakin ni Nite.

"Marami kasi akong tatapusing trabaho. Marami kasing pinapa-rush si Papa."

"Ah ganun ba? Sabay tayong mag-lunch mamaya, magdadala ako ng lunch sa office mo. And I won't take a no for an answer."

I rolled my eyes." Okay fine."

He grinned. "Okay see you then bye. Tumalikod na sya papunta sa opisina nya.

Napailing nalang ako, I feel relieved. Na sa wakas bestfriends na ulit kami ni Nite...

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon