Chapter 11

1.9K 23 0
                                    

Eula's Pov

Wala na sa tabi ko si Sean nang magising ako. Agad akong bumangon at dumiretso na sa kusina para magluto.

Nasa bungad palang ako ng pinto sa kusina ay amoy ko na ang bacon, so maagang gumising si Sean para ipagluto ako.

Napangiti ako sa ideyang yon.

"Good morning!" nakangiting bati nya nang makita ako sa bungad ng pinto. "Upo ka na jan malapit na akong matapos dito."

Umupo ako at hinintay sya, pinagtimpla pa nya ako ng kape.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya nang makaupo na kami.

"Yeah. Why?" kunot-noong tanong nya.

"Hmm.. Nasobrahan yata ang ka-sweetan mo."

Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan. "Gusto kong mag-umpisa tayo ng ganito, para rin mag-work ang kasal natin."

"Salamat Sean."

"Thank you din Eula." Masaya kaming nag-almusal panay ang kwento nya tungkol sa school at kung gaano ako kasikat doon kahit na matagal na akong graduate.

Dati akong President ng Student Council sa Saint Bernadette University, bukod doon kilala rin ako bilang campus sweetheart,queenbee at marami pang iba. At nang magtapos ako ay ako ng cum laude kaya maraming estudyante sa SBU ang kilala ako. Nkakalungkot lang na hindi sumunod si Jelli sa mga yapak ko.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto para maligo, kailangan ko nang pumasok dahil nagrereklamo na si Earth.

Habang naliligo ako nagulat ako nang biglang pumasok si Sean sa banyo.

"A-anong ginagawa mo?"

"Bawal bang makisabay ako sa asawa kong maligo?" nakangiting tanong nya.

"H-hindi naman ay-" nagulat ako nang bigla nya akong isandal sa pader at hinalikan.

"Don't worry honey, maliligo lang tayo dahil mali-late na ako sa school." sabay kaming naligo pero inunahan ko na sya dahil medyo naiilang parin ako.

"Alis nako." paalam nya after nya magbihis.

"Ingat ka." lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa labi.

"Ikaw din, text moko pag pauwi ka na." habilim nya sakin bago sya lumabas.

Sinalubong ako ng bati ng mga empleyado namin pagpasok ko palang sa building ng VG.

Pagpasok ko sa opisina ko ay tambak na ang mga papeles kaya nagsimula na akong magtrabaho.

••••••••••

Sean's Pov

"So ginawa mo pala talaga ang suggestion ko? naiiling na sabi ni Briun. Andito kami ngayon sa tambayan namin habang naghihintay ng next subject.

"Naisip ko lang tama naman talaga ang suggestion mo. Mas maganda kung paibigin ko sya saka ko sya sasaktan that way mas masakit ang mararamdaman nya. At siguradong sisisihin nya ang pamilya nya."

"Bahala ka na nga, sana di ka magsisi sa ginagawa mo." anito saka tumalikod.

"San ka pupunta?"

"Hahanap ng chicks!"

Kinuha ko ang sketchpad ko at nagsimulang magdrawing. Third year na ako dito sa SBU sa kursong Architecture, ito ang field na kinuha ko dahil ako rin naman ang magmamana sa negosyo namin dahil ako ang nag-iisang anak.

Abala ako sa pagguhit nang may biglang pumasok sa tambayan namin.

"Sean can we talk."

"Jell, ano naman ang pag-uusapan natin?" nakangising tanong ko habang nakatitig sa maganda nyang mukha. Kahit na malaki na ang umbok ng tyan nya ay napakaganda nya parin.

"Alagaan mo si ate." natawa ako sa sinabi nya.

"Malaki na ang ate mo Jell hindi na sya alagaing tao."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, sana kalimutan mo na ako at ituon mo ang atensyon mo kay ate."

"Huwag kang mag-alala Jell, aalagaan ko sya." umalis nako sa harapan nya dahil diko matagalan na kaharap sya.Nasasaktan parin ako kapag naaalala ko ang ginawa nila sakin.

Wag kang mag-alala Jell, aalagaan ko si Eula. Paiibigin ko sya hanggang sa mabaliw sya sakin. At pag nangyari yun iiwan ko sya sa ere gaya ng ginawa mo sakin...

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon