Chapter 6

2.1K 26 2
                                    

Eula's Pov

28 day before the Wedding, Goodbye sa aking pagiging bachelorette.

And what's worst? Ikakasal lang naman ako sa lalaking mas bata sakin. Paano ako makikisama sa isip batang si Sean?

Tinignan ko ang digital clock sa side table ko, 6a.m. nasanay nako na nagigising ng ganitong oras.

Pupunta sana ako sa banyo nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Sean

Pre-nup this afternun sweetheart ;)

I sighed, mamayang hapon pa pala ang lakad ko. Matutulog nalang ulit ako.

bbrrrrrrppp!

Oo nga pala hindi ako nag-dinner kagabi kaya kumakalam na ang sikmura ko.

Pumunta ako sa kusina with my pajamas. For sure tulog pa ang mga tao kaya sa kitchen nalang ako kakain.

'Good morning Yaya Mona!' bati ko kay yaya na busy sa pagluluto.

'Good morning din Hija, anong gusto mong kainin? Hindi ka kumain kagabi kaya dapat kumain ka ng marami ngayon.'

'Fried rice at bacon nalang yaya, tsaka hot chocolate.'

Agad akong kumain nang i-serve nya ang mga pagkain na ni-request ko.

After kumain dumiretso ako sa veranda with another cup of hot choco and sliced cake for my dessert.

Kinuha ko rin ang newspaper na nasa center table ng living room nang makita ko ang mukha namin ni Sean sa frontpage.

Mr. Tyron Sean Quiambao is now officially engaged to Ms. Eurella Rhein Villaflor, the CEO of Villaflor Group of Companies.

Iyon ang nakasulat sa caption ng picture namin ni Sean.

Well hindi na ako nagulat, usap-usapan kasi ng mga alta-sosyedad ang kasal namin ni Sean simula nung i-announce ito next week. Isang malaking dagok sa ibang businessman ang balitang merging ng Villaflor Group at ng kumpanya ng mga Quiambao. Na isa sa mga pinakamalaking kilalang kumpanya sa Pilipinas at buong mundo.

'Good morning.' natigil ang pag-iisip ko nang biglang magsalita si Earth sa likod ko. Naupo sya sa harap ko with while looking at me, with his why-are-you-still-here look.

'Dad gave me a vacation leave for my wedding.' sagot ko.

'I see, I am Sean's Bestman and who's your Maid of Honor?'

'Jelli'

Napailing sya.

Alam ko hindi magandang ideya na si Jelli ang maid of honor ko. But we are sisters at dapat lang na sya ang piliin ko.

'I have to go. Sasamahan ko pa si Jelli sa Ob-Gyne. Hindi sya masasamahan ni Jiroh.' tumayo na sya. At ako heto naiwan na naman na nag-iisip. Pakialam ko naman sa feelings ni Sean, basta si Jelli ang maid of honor ko. Nagtataka lang ako kung bakit si Earth ang bestman nito. Sa pagkakaalam ko hindi sila close at may tatlong malapit na kaibigan si Sean.

Bumalik ako sa kwarto ko para i-check uli ang listahan ng mga abay.

Bestman

Earth Rain Villaflor

Groomsmen

Mark Gino Ruiz

Briun Angelo Park

Hindi kasama si Jiroh sa listahan. Mukhang malaki parin ang galit ni Sean sa dating kaibigan.

Tsk!Paki ko naman? Matutulog nalang ako.

Dapat fresh ako para maganda ako sa pre-nup, well on the second thought I know na maganda ako kahit walang effort.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Sean's Pov

Ang tagal ng babaeng yun! Kanina pa ako tawag na tawag pero mukhang walang balak sagutin.

Baka naman umurong na sya sa kasal?

No! Hindi pwede! Dapat maituloy ang kasal! Marami akong plano kaya hindi ako papayag na hindi ito matuloy.

I called her again for the nth time.

{I'm on my way okay! Bye.}

Psh! Binabaan ako di pa ako nakakaporma.

Di bale, Hindi mo na magagawa sa akin yan pag mag-asawa na tayo.

Maghanda ka na Eula.

°°°°°°°°°°°°°

Eula's Pov

Nakakunot ang noo nyang nakatingin sakin habang pababa.

Tsk! Pasalamat nga Sya sumipot pa ako!

"Why are you so damn late!" Agad na tanong nya paglapit ko.

"Oh I'm so sorry loverboy I almost forgot." pang-aasar ko pa lalo.

"Excuse me Ma'am Eula, kailangan na po namin kayong ayusan." singit ng baklang make-up artist. Agad naman akong sumunod sa kanya para magpaayos at para makaiwas din kay Sean.

Nasa La Mesa Eco Park kami ngayon, hinayaan na namin ang photographer na pumili ng spots para sa pre-nup. Kami lang ang tao dito dahil ipinasara to ni Sean para walang istorbo.

Nagustuhan ko ang ayos ko na mukhang diwata. May korona pa akong bulaklak sa ulo.

Maraming spots na napili, meron yung nakasakay kami sa bangka, naglalakad, nakaupo sa bench, etc.

Natapos ang pre-nup na hindi kami nag-uusap ni Sean which is okay sakin dahil ayoko rin syang kausap.

Pasakay na sana ako sa kotse ko after ko magpaalam sa kanila ng biglang hawakan ni Sean ang kamay ko.

"What?" iritableng tanong ko.

"I'll be in France fo 3 weeks"

"And so? As if I care."

"I just want you to know future wife." nakangising sabi niya. "Anyway see you on our wedding. Bye." tumalikod na ito papunta sa kotse nito.

Mabuti naman at wala sya makakahinga ako kahit papaano.

Kung anuman ang mangyayari pagkatapos ng kasal ay paghahandaan ko nalang.

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon