Chapter 32

1.5K 25 1
                                    

♥happy 6k reads♥

Eula's Pov

Agad akong pumunta sa kwarto ni Travis nang makauwi kami. Naabutan ko syang tulog na, hinaplos ko ang buhok nya. Sya ang nagbigay ng liwanag sakin noong panahong gusto ko na talagang sumuko. Sa tulong nya naka-survive ako sa sakit at paghihirap ng aking dibdib.

At ngayong okay na ako ang tanging gusto ko lang ay gumati sa taong nanakit sakin. Lalo na sa ama nya.

Si Zac, he's my knight pareho kami ng nararamdaman noon nang matagpuan namin ang isa't isa. Pareho kaming nawalan ng minamahal. At kung hindi dahil sa kanya wala kami ngayon ni Travis...

Flashback

Pagmulat ko ay nasa kwarto ako na kulay asul ang pader. Sinubukan kong bumangon nang mapansin ko ang mga swero na nakakabit sakin.

Ang huling natatandaan ko ay nakasakay ako sa eroplano papuntang Madrid pero bumagsak ito.

Pero bakit buhay pa ako?

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking pamilyar sakin pero di ko maalala kung saan kami nagkakilala.Hanggang balikat ang kanyang buhok at kulay abo ang kanyang mga mata.

"Mabuti at gising kana."anito habang tinitipa ang hawak niyang cellphone. "Nag-text na ako sa Doctor mo, pinag-alala mo ko ng sobra. Alam mo bang isang buwan ka nang tulog? Akala namin hindi ka na gigising dahil mukhang sumusuko ka na. Anong nararamdaman mo?" anito at lumapit sa akin.

"N-nauuhaw ako." iyon lang ang tanging nasabi ko.

"Wait here." umalis sya saglit at pagbalik nya ay may dala na syang isang basong tubig.

"Ano pala ang pangalan mo?" he asked.

"Eurella Rhein Villaflor."

Kumunot ang noo nito. "The daughter of Ernesto Villaflor, ang alam nila ay patay kana. It's all over the news."

"Bakit di mo ba sinabi sa kanila na nasa pangangalaga mo ako?" hindi sya sumagot bugkos ay kumuha sya ng salamin para makita ang sagot sa tanong ko. I saw my face half burned, even my chest ang shoulder. Napaluha ako sa nakita ko.

"Stop that makakasama sa baby mo." anito habang hinahagod ang likod ko.

"B-Baby?" napatingin ako sa tyan ko na medyo may umbok na.

"You are six weeks pregnant at milagro talaga na nakaligtas kayo. Anyway I'll call your parents if you want to."

"N-no please dito nalang ako ayoko nang bumalik sa kanila." mas makakabuti nga na isipin nila na patay na ako tutal itinakwil naman na nila ako.

"Why?"

"Hindi naman siguro lingid sayo ang nangyari sakin, yung balita tungkol samin ni Eithan Nite Tamayo?"

"Uh yeah, he's one of my good friend. But he is already dead before the plane crash. By the way I'm Kurt Zachael Miranda.Don't need to explain about that issue I won't judge you. " iniabot niya ang kamay niya sakin.

"Ikaw ang CEO ng Miranda Group?" kaya pala pamilyar sya sakin, sya ang mahigpit naming kalaban sa negosyo.

"Yes, your rival. But don't worry I am here as a friend.' he gave me a smile. And I felt safe. "After you gave birth of your child we'll go to U.S. to have your Surgery."

"Okay lang kahit hindi na, sapat na sakin ang naging tulong mo."

"I insist. Now take a rest."

"Salamat Zac."

After kong manganak ay nag-flight ni Zac sa U.S. ginamit ko ang pangalan ni Angela dahil ang alam ng lahat ay patay na si Eula. At dahil hindi parin mahanap ni Zac ang nobyang si Angela ay pinaayos niya ang mga papeles ko bilang Angela.

Dahil magpapa-surgery na rin lang ako pinabago ko ng kaunti ang mukha ko. Ang mata ko na dating singkit ay naging bilugan at mas pinatangos ko pa ang ilong ko.

"Bakit mo binago ang ibang features ng mukha mo?" Zac asked nang matapos ang operasyon.

"I have my reasons."

"And what are your reasons?"

"Gaganti ako Zac sa mga taong nanakit sakin lalo na sa dati kong asawa. Muntik nakong mamatay dahil sa kanya. Gusto kong maranasan nya ang mga dinanas ko."

"Yan ba talaga ang gusto mo?"

"Y-yes." determinado kong sagot.

"Okay then, I'll help, you will use the name Angela. That will help you. And marry me as Angela yun ang kapalit." anito.

Nagpakasal kami ni Zac, gamit ang pangalan ni Angela. Pero magkaibigan lang ang turingan namin. Dahil nangako lang sya na tutulungan nya ako sa mga plano ko. At umaasa sya na babalik pa ang nobya niyang si Angela.

Gamit din ni Travis ang apelyido ni Zac at sya narin ang tumatayong ama nito.

Ako ang tumayong CEO ng kumpanya ni Zac. Iyon lang ang tanging maisusukli ko sa kabutihang ipinakita niya sakin. Ngunit hindi ako nagpapakita sa nakararami dahil pinaghahandaan ko ang pagkikita namin ni Sean...

Nagulat ako nang biglang umiyak si Travis, hindi ko napansin na nakatulog pala ako sa tabi nya. Hindi ko parin maintindihan ang nararamdaman ko hanggang ngayon mula nang magkita kami ni Sean kanina. Bakit parang gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin sya ng mahigpit.

Malaki ang nagbago sa kanya, mas lumaki ang katawan nya at mas matured tignan. Hindi ko akalain na ganun parin kalakas ang impact nya sakin.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sya sa isip ko. Humarap ako sa salamin at sinipat ang sarili ko, mas maganda na ako ngayon kaya madali lang sakin na gawin ang mga plano ko.

Hindi na ako si Eurella Rhein Villaflor-Quiambao, ako na ngayon si Angela Miranda at sisiguraduhin kong mababaliw ka sakin Sean..

My Childish Husband [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon