Chapter 11: Idiot

548 25 3
                                    

[KINABUKASAN]

[Hannah's POV]

Maaga akong nagising kaya naman pumunta ako sa banyo para maghilamos at magmumog na rin.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.. At nang magsawa ako lumabas na ko ng kwarto ko at bumaba na para pumunta sa kusina.

4:00 o'clock walang perk gising na kaagad ako. Well ngayon lang yan at sa susunod di na yan mauulit pa.

Binuksan ko ang ref para tignan ang nasa loob nito. Bigla kong nakita yung ice cream ko na hanggang ngayon ay di ko pa rin pala nakakain. Nakuha naman ng atensyon ko yung pork na nakalagay sa Tupperware. Kaya kinuha ko yun at inilagay sa table.

Kumuha din ako ng Calamansi at Toyo... Kumuha ako ng chopping board at saka kutsilyo. Bago ko hiwain yung Calamansi hinugasan ko muna yung pork. Matapos kong hugasan ito ay inilagay ko ito sa panibagong Tupperware. Naghiwa ako ng Calamansi at kumuha ng bowl (Mangkok or Hawong). Matapos kong hiwain ang Calamansi. Piniga ko sya sa may bowl. Nang mapiga ko sya tinanggal ko yung mga buto nung Calamansi.

Nilagyan ko ng soy sauce yung pork at pagkatapos nun inilagay yung Calamansi. Tinakpan ko na yung Tupperware na may lamang pork. Ibababad natin sya... Hindi ko sya ipiprito ha? Magluluto ako ng pork steak.. Ganern. Tutal maaga pa naman edi magluluto ako para narin yan sa mga bisita kong tulog mantika..

***

Ayan nakaluto na ko...

(A/N: di ko na sinulat lahat kung paano magluto ng pork steak kasi you know? Iba yung title ng chapter na toh. LOL.)

"Marunong ka palang mag-luto?" Sabi ng isang boses lalaki kaya...

"Ayy!! petrang kabayo!!" Sabi ko nang muntik ko ng mabitawan yung plate na hawak ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Tristan na nakangiti habang nakatingin sakin.

"K-kanina ka pa nandyan?" Tanong ko.

"Yep. Kanina pa kita pinapanood mag-luto.." Sabi nya kaya medyo nailang naman ako sa sinabi nya. Seriously kanina pa pala sya nanonood tapos ngayon lang nya naisipang magparamdam? Grabe.

"Ah Ano.. Gigisingin ko lang si Kisha. Kung nagugutom ka na mauna ka ng kumain." Sabi ko at lumabas na ng kusina.

"Avoiding me eh?" He said while smirking kaya nilingon ko sya atsaka inirapan. I'm not avoiding him.. It was just nakakailang lang na kanina nya pa pala ako pinapanood magluto at hindi ko manlang naramadaman yun. At nakakaasar kasi parang tuwang-tuwa pa sya.

[Tristan's POV]

Grabe ang cute nya kapag naaasar sya..

Wait. Did I just say that she's cute?

Hell yeah. I really said it. Well totoo naman talaga. Maganda si Hannah and cute din at the same time. Haist. Ano ba tong pinagsasasabi ko? Corny.

Bigla napadako yung tingin ko sa table na may nakahain ng pagkain. Bigla naman akong na-curious sa lasa ng niluto ni Hannah na pork steak.

Kumuha ako ng rice at kumuha na rin ng serving spoon para sa pork steak. Kumuha ako ng maliit na platito at inilagay doon ang pork steak pati na rin yung sabaw. Tinikman ko yung pork steak at halos manlaki yung mata ko ng matikman ko yung lasa.

Sobrang... Sarap nung pork steak.

"Oh may hindi nasarapan sa niluto mong pork steak Hannah." Sabi ni Kisha. Pero di ko sya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now