Chapter 44: Illusion

316 15 5
                                    


[Third Person's POV]

Naiwang duguan sina Kisha.. Samantala pinilit naman ni Tristan ang gumapang upang abutin ang isang kutsilyo..

Nakapikit na ang isang mata ni Tristan at unti-unti na rin syang inaantok..

"D-don't move.." Nahihirapang sabi ni Nicole. Iniinda nito ang sakit ng kanyang katawan.

Para kay Nicole wala syang panahon para maging mahina. Kailangan nyang maging malakas para mabuhay pa sya. Ayaw nyang mamatay sa walang katuturang bagay.

"I-i need to.. I-ililigtas ko s-si Hannah." Sabi ni Tristan at dahan dahang gumapang upang hindi nito madaganan masyado ang sugat nito sa bandang hita.

"Gil.." Tawag ni Kisha kay Gilbert na nakabulagta sa sahig. Nilingon naman sya ni Gilbert.

"Kaya mo pa bang kumilos?" Tanong ni Kisha kaya gumalaw si Gilbert. Ngunit napangiwi si Gilbert ng biglang kumirot ang saksak nito sa bandang tagiliran nito.

"Huwag ka na ring gumalaw.. Takpan mo yang s-sugat mo baka maubos a-ang dugo m-mo.." Sabi ni Nicole na malalim na ang paghinga.

"Nicole okay ka lang ba?" Tanong ni Victoria na punong-puno ng hiwa ang braso.

"O-okay lang ako.. Don't m-mind me." Sabi ni Nicole at pilit na ngumiti. Binaling ni Victoria ang tingin nya kay Tristan na malapit na sa kutsilyong nasa sahig.

"You have an asthma.." Sabi ni Kisha habang nag-aalalang nakatingin kay Nicole. Umiling-iling naman si Nicole habang pinipigilan ang pagtulo ng luha nito.

"I-I'm fine.." sabi ni Nicole habang humihinga ng malalim. Bigla silang may narinig na kalansing kaya napatingin sila kay Tristan.

"Hang on.. Makakatakas tayo dito.." Sabi ni Tristan nang mahawakan na ang kutsilyo. Pinilit nitong tumayo habang tinitiis ang sakit na natamo nitong sugat.

Binilisan ni Tristan ang paglapit kay Nicole at saka pinutol ang pagkakatali ng lubid sa katawan nito.

Bumagsak naman si Nicole nang matanggal na ni Tristan ang pagkakatali ng lubid sa katawan nya.

Balak pa sanang alalayan ni Tristan si Nicole nang bigla sya nitong pigilan.

"P-pakawalan mo sila.. Kailangan na n-nating makaalis dito as soon as possible." Sabi ni Nicole at mariin na pumikit.

Pinuntahan ni Tristan si Kisha at kagaya nito ay tinanggal din nito ang pagkakatali ng lubid sa katawan ni Kisha.

Pupuntahan na sana ni Tristan si Victoria nang bigla syang pigilan ni Kisha.

"Ako ng bahala.. Baka mas lumala pa ang sugat mo." Sabi ni Kisha at patakbong pumunta sa pwesto ni Victoria.

"Salamat." sabi ni Victoria nang makawala ito sa pagkakatali.

"Now.. All we need to do is to get out of this shitty place." Sabi ni Kisha at kaagad na tinulungang tumayo si Gilbert habang si Victoria naman ay inalalayan si Nicole na hirap na hirap ng huminga.

"Don't you dare give up Nicole... Makakalabas na tayo dito kaya konting tiis." Pagpapalakas ni Victoria sa loob ni Nicole kaya nginitian na lamang sya ni Nicole.

"Tristan kaya mo bang maglakad?" Tanong ni Kisha dito at tumango naman si Tristan dito.

Nang nasa tapat na sila ng pinto..

Pinihit ni Kisha ang doorknob pero hindi ito nabuksan.

"Naka-locked." Sabi ni Kisha.

"Hindi natin pwedeng sirain ng pintuan dahil kapag nasira yan pwedeng marinig nila tayo." Sabi ni Victoria.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now