Chapter 5: The First Victim

744 28 0
                                    

[Hannah's POV]

Wala na kong natatanggap na sulat simula nung October 28. Mabuti naman kung ganon. November 1 na ngayon at nag-aayos na ko ng sarili ko kasi sabay kaming pupunta ni Kisha sa party. Well excited din naman ako kasi party yun kaya sino ba namang hindi ma-e-excite right?

Nang matapos na kong mag-ayos saktong may narinig akong kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Young Lady nandyan na po si Lady Kisha." Sabi nung maid kaya sa huling pagkakataon tinignan ko ang reflection ko sa salamin at pagkatapos nun bumaba na ko.

"Ayy ang taray! Ganda mo ngayon. Ngayon lang ha? Kasi ako yung araw-araw na maganda." Sabi ni Kisha kaya natawa ako.

"Sira!" Sabi ko at after nun tumabi na ko sa kanya sa kotse.

"Ehhh! Excited na ko sa party manong driver bilisan nyo yung pagda-drive!" Sigaw na sabi ni Kisha kaya napailing na lamang ako.

Nang makarating sa venue kung saan gaganapin ang party..

"Grabe malayo pa lang tayo rinig na rinig ko na yung lakas nung music." Sabi ni Kisha.

"Malamang Kisha party yan kaya for sure sobrang lakas ng music. Tsk ignorante." Sabi ko kaya napa-pout sya sa sinabi ko.

"Ang mean mo." Sabi nya.

"Tara pasok na tayo." Sabi ko at hinili na sya papasok ng party.

Nang makapasok kami sa loob.. Para lang kaming nasa bar. Yeah tama kayo ng basa para lang kaming nasa bar.. And I really LIKED IT!

"Hannah! Kisha!" Sigaw ni Jasmin. Kaya nginitian namin sya.

"Hi Jasmine.!" Sabi ni Kisha.

"Buti naka-attend kayo sa party! Grabe ang saya!" Sabi ni Jasmin at pumunta na ulit sa dance floor at sumayaw na parang wala ng bukas.

"Tara hanap tayo ng table." Sabi ni Kisha at hinila ako. Nang makahanap na kami ng table kaagad kaming kumuha ng drinks. Yung light lang syempre. Uyy bata pa kami.

"Grabe wala manlang akong kasamang lalaki na makakasayawan." Sabi ni Kisha habang Naka-pout.

"Okay lang yan---" sabi ko na biglang naputol ng may nakita akong di kanais-nais. "Oh my god." Sabi ko sabay ininom lahat yung drinks ko.

"Bakit?" Tanong ni Kisha.

"I saw something.. Eww." Sabi ko na diring-diri.

"Where?" Tanong nya na parang interesado. Seriously Kisha? Grabe..

"Tumigil ka nga!" Sabi ko at inirapan sya. Tinawanan nya naman ako.

Habang pinapanood ko yung mga sumasayaw sa dance floor bigla kaming may narinig na nagsalita kasabay nun ang paghinto ng music.

"Do you guys enjoying the party?" Tanong ng isang boses lalaki kaya napalinga-linga ako sa aking paligid. Hinanap ko yung nag-salita pero hindi ko makita.. Sya ba yung nang-invite samin sa party na toh? O sya yung Emcee? Kung sya yung nang-invite bakit di nya ipakita yung sarili nya? At kung sya yung Emcee bakit wala sya sa stage? Ang weird ha...

"YES!! WOOOOHHH!!" sigawan nung mga kaklase naming invited sa party.

"Mabuti naman at nag-e-enjoy kayo.. Don't worry this is just the beginning." Sabi nung lalaki at pagkatapos nun biglang lumakas ulit yung music. Kaya nag-sayawan ng nag-sayawan ang mga kaklase ko sa dance floor.

"Hey look!" Sabi ni Kisha habang may tinuturo kaya tinignan ko yun.

"May iba rin palang invited? Akala ko yung section lang natin.." Sabi ni Kisha. Kaya napatango-tango nalang ako. At pinanuod ulit yung mga sumasayaw sa dance floor.

Ang wa-wild nilang lahat grabe.. Tsk. Hindi ko keri yan.. Halatang mga lasing na yung iba. Yung iba naman may ginagawa ng ehem milagro. Haynako...

[Third Person's POV]

Habang ang lahat ay nag-e-enjoy sa party.. Ang isa sa kaklase nina Kisha at Hannah na nag-ngangalang Jasmine ay pumunta ng Comfort Room. Dahil sa kalasingan parang pakiramdam nya ay masusuka na sya kaya pumunta sya sa Comfort Room para hindi sya makaabala ng ibang mga invited sa party.

Pumasok sa isang cubicle si Jasmine at lumuhod atsaka nagsuka. Hindi naramdaman ni Jasmine ang pagpasok ng isang lalaki sa Comfort Room ng mga babae dahil sa sobrang lakas ng music. Inilock nung lalaki yung pinto ng Comfort Room ng mga babae at pagkatapos nun pinatay nya ang ilaw. Labis na nagulat si Jasmine ng biglang namatay yung ilaw kaya tumayo sya at naglakad palabas ng cubicle.

"Hoy! Kung sino ka mang siraulo ka! Tigilan mo na kundi papatayin kita!" Naiiritang sambit ni Jasmine.

"Talaga?" Tanong ng isang malalim na boses ng lalaki kaya kinabahan bigla si Jasmine.

"S-sino ka?" Tanong nya.

"Oh? Bakit parang bigla ata nag-bago ang mood mo?" Tanong ng lalaki kay Jasmine kaya napalunok ng ilang beses si Jasmine.

Mala-demonyo ang ngiting nakarehistro sa mukha ng lalaki na syang hindi nakikita ni Jasmine habang ang lalaki naman ay kitang-kita sya sa kabila ng kadiliman.

"Pwede bang buksan mo yung Ilaw?! Kitang may gumagamit ng Comfort Room tapos papatayin ml bigla yung ilaw! Bastusan lang?!" Biglang sambit ni Jasmine sa kabila ng kabang nararamdaman.

"Hindi pwede hangga't hindi pako tapos..." Sabi nung lalaki at nag-simula ng mag-lakad patungo sa direksyon ni Jasmine.

"T-tapos saan?" Tanong ni Jasmine. Ngunit wala syang narinig na sagot tanging mga yabag lamang ang kanyang narinig..

Hanggang sa.... may maramdaman syang nakabaon na sa kanyang sikmura kasabay nun ang paglabas ng dugo sa kanyang bibig. Ibinaon pa lalo nung lalaki ang kutsilyong hawak nya sa sikmura nung babae at pagkatapos nun biglaan nyang hinugot ang kutsilyong nakabaon sa sikmura ni Jasmine ang syang dahilan kung bakit bumulwak ang napakaraming dugo nito...

Napaluhod si Jasmine habang hawak-hawak ang kanyang sikmura.

Mas lalo namang natuwa ang lalaki nang makita ang dalaga na tila hirap na hirap na...

"B-bakit?" Tanong ni Jasmine sa kabilang ng sakit na nararamdaman nya..

"Ssshhh... Sa una lang yan masakit.. Pero kapag tumagal nakaka-enjoy." Sabi nang lalaki kay Jasmine.

"Tama ka sa sinabi mo kanina.. Masaya nga ang party na toh pero mas masaya ang laro na toh." Sabi nang lalaki at kaagad na sinaksak sa noo si Jasmine kaya tuluyan nang bumagsak ang katawan ni Jasmine sa malamig na sahig ng Comfort Room...

...
...

End of Chapter 5: The First Victim

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now